Bwisit 'to!

"Kahit nakatalikod ako, Thrizel. Alam kong masama ang tingin mo sa akin. Ayoko lang na ginagano'n ka, susuntukin ko na sana ang lalaking 'yon pero dumating ang mga teachers. Sila na bahala sa kumag na 'yon." Harap harapan 'yong sinabi ni kuya sa aking mga magulang.

Patapos na rin naman ako kaya tumayo na. Pumunta ko sa sink para magtoothbrush.

"Urong," utos ko kay kuya. Hindi pa kasi ito tapos.

"Ba't ka kasi nakikisabay?" Medyo may pagkairita ang pagkakasabi nito.

"Sa 'yo 'to? Sa 'yo?" 

"Tsk, oh." Umurong din naman ang baliw. Dami pang arte, pabebe!

Nagtoothbrush na rin ako. Tahimik lang kaming dalawa. Ano? Daldalan pa, gano’n? Biro, nakakakainis lang kasi talaga itong lalaking ‘to. Kailangan pa sabihin iyon sa mga magulang bamin?

"Ano ba 'yan, Trishel? Iyong buhok mo napupunta sa leeg ko. Nakakakiliti."

"Arte ka? Arte ka?" Saka ako natapos. Tagal magtoothbrush niya. Inaabot 'yan ng 45 days, pang manok 'yan, e. Hays, bakit ba lagi akong corny?

Umakyat na ako sa kwarto para maghalf bath. Hindi kasi ako sanay na hindi naghahalf bath bago matulog. Parang ang lagkit ng katawan ko at ang init.

Nang matapos ko linisin ang aking katawan ay saka na ako nahiga sa kama. Pero bago matulog, binuksan ko muna ang aking fb account. Ang unang napansin ko ay iyong chat ni Ryke.

From: Ryke Marquez.

Pwede ba tayong magkita bukas? Please, huwag mo lang papaalam sa kuya mo.

Pati siya ay takot kay kuya. Lahat kasi ay kayang gawin niyon, kung anong sinabi niya sa 'yo, gagawin niya. Pero hindi naman dapat matakot itong si Ryke ‘no.

To: Ryke Marquez.

Saan?

Reply ko. Agad naman siyang nagchat.

From: Ryke Marquez.

At the Cafeteria.

To: Ryke Marquez.

Sige, pupunta ako.

Mag-ooffline na sana ako nang makita kong nagchat si kuya. Online na naman, mapudpod sana ang mga daliri niya kakatipa. Gabing gabi na, hindi pa natutulog.

From: Thrale Keiter Wrent.

Bakit hindi ka pa natutulog?

Nagreply naman ako.

To: Thrale Keiter Wrent.

Bakit ikaw? Hindi ka pa rin naman natutulog.

Bigla namang sumulpot ang chat ni Ryke.

From: Ryke Marquez.

Thank you.

Seenin ko nalang iyon.

From: Thrale Keiter Wrent.

Just sleep, may pasok pa bukas.

Hindi ko na pinansin ang kaniyang chat. Itinabi ko nalang ang aking cellphone at umayos ng higa. Maya-maya lang ay agad akong nakatulog.

Nagising ako sa gitna ng gabi. Nakabukas ang aking ilaw dahil hindi nga ako sanay na pinapatay. Nauuhaw ako kaya bumaba ako, nagtaka ako na bukas ang ilaw ng kusina. Pagkatingin ko, nakita ko si kuyang umiinom.

Lagot siya kay mom kapag nakita siya nito. Baliw talaga 'to, oh! Bahala siya sa buhay niya.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya. Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ko ang boses niya. Boses na mahahalata mong may problema.

"May problema ka, kuya? Just tell me."

"Wala, matulog ka na, may pasok ka pa."

"May pasok ka rin naman."

"Matutulog ako mamaya."

"Anong problema mo?"

Napatigil si kuya sa pag-inom. Tinitigan ako nito na para bang sinusuri ako para pagsabihan ng problema niya.

"Nakokonsensiya lang ako," kaniyang panimula. "Pasensiya na kung ganito si kuya. Iniingatan lang kita at pinoprotektahan. Ayokong may manakit sa iyong iba. Baka sa dulo, mawawala ka na lang bigla o iiwan ako."

"Huh?" Tanong ko. Ang gulo niya.

"Kwento ni dad, when I was one year old. Naghiwalay sila ni mom. Pumunta kami ni mom sa ibang bansa, kasama ako dahil bata pa nga. Nang magtatlong taon ako, na kay dad naman ako. Tanging nag-aalaga lang sa akin ay si manang Lory. Wala na siya rito dahil may katandaan na."

"I'm 5 years old at nakilala ko ang pinsan nating babae na si Arella, she's four years old. Siya ang lagi kong kasama, naglalaro kami kung saan-saan. Ako ang nagdadala sa kaniya kahit bata pa siya, kasama naman namin si manang Lory kaya payag si dad. Kaso, dumating iyong araw na biglang nawala si Arella. Hanggang sa malaman kong patay na ito. Kinulit ko si dad para pumunta sa lamay pero ayaw niya. Nakokonsensiya ako, ni hindi ko man lang siya nakita. Mula niyon, naging malungkot na ako. Umuwi na rin si manang Lory sa probinsya dahil may katandaan na, gusto nang tumuon sa pamilya. Si dad na lang ang nagbabantay sa akin." Huminto siya. "Bago pala umalis si mom, buntis siya. Ikaw 'yon, Thrizel. Hindi ko na maalala ang parte ng kwento sa 'yo. Three years old pa lang ako. Nang magkaayos sila ni dad. Natuwa ako dahil may kapatid na akong babae at ikaw 'yon. Naging masaya muli ako." Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy. "Kahit na hiwalay ang mga magulang natin, hindi sila nagkulang. Lagi nilang ipinaparamdam na mahal nila ako kahit na hindi kami buo."

"Bakit namatay si Arella?" Tanong ko.

"Kasing edaran mo lang siya. Namatay siya dahil ginugutom siya ng kaniyang tatay. Awang-awa ako dahil sa gano'ng edad. Nakakaramdam siya ng gano'n. Minsan nga dito na 'yon kumakain pero sinusundo rin minsan."

"'Yong nanay niya?"

"Wala akong alam sa mga magulang niya."

Aaminin kong nalungkot ako sa kwento ni kuya. Sayang, hindi ko man lang naabutan si Arella. Siguro ay malaki na rin siya.

"Nakokonsensiya ka ba dahil hindi mo siya natulungan, kuya?"

"Oo, Thrizel, iyan ang bumabagabag sa akin."

Itutuloy...

Loving My Brother #1: Thrale's Stupidityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن