✧ Epilouge. 2nd Part.

650 32 45
                                    

SEULBIN'S

Bago tuluyang umalis ng camping site ay lumingon ulit ako sa dalawa, iba talaga pag galawang Doyoung. Lakas talaga oh, chicken ko 'yan!

Napailing ako habang nakangiti, ini-imagine ko pa lang yung mga mangyayari sa kanila natatawa na agad ako sa itsura ni Aeyan AHAHAHAHA! Panigurado, titig na titig lang din 'yon kay Doyoung.

Sana all may tinititigan diba.

Diba Jihoon, tss.

Habang naglalakad ay napaisip-isip ako, grabe nakaya kong i-snob yung taong 'yon. Well, ganon naman daw siya magalit diba? Malamang, sanay na 'yon. Tsaka ganon din naman ginagawa niya sakin noon.

Sayang lang talaga.. Hindi ko man lang nasabi sa kanya na gusto ko siya.

Kung nalaman niya, maniniwala kaya siya?

Panigurado hindi. Masama na ang tingin niya sakin eh, sa amin ng kapatid ko..

Pero ewan ko ba, andaming tumatakbo sa isip ko. Lalo na nung mag-sosorry sana siya sakin. Hindi ko inexpect 'yon mula sa kanya, akala ko makikipag-tigasan siya sakin. Kahit papaano, nakonsensya din pala siya.

Kaso mas pinakinggan ko ang payo ni Sihyeon, 'magpa-hard-to-get ka muna tapos pag hinanap-hanap ka tsaka ka magpaka-rupok'. Oh diba, ayaw niya daw kay Jihoon kasi parang kumitid ang utak pero ganyan ang pinayo sakin.

I guess, boto pa din siya kay Jihoon kahit papaano.

Eh ako, boto pa din ba kay Jihoon? Malay ko din.

Malalaman natin once na magkausap ulit kami, pero kailan naman 'yon? Hindi ko nga siya pinapansin eh.

"Aray!" biglang imik ng boses lalaki sa likod ko. Agad akong napalingon. Napabalik ang tingin ko sa harap ng ma-realize ko kung sino 'yon. Putangina, nagkatinginan pa kami!

Ay jusko, eto nga yung iniiwasan ko eh! Yung mapatingin siya sa mata ko, baka mamaya makita niyang nalulungkot pa din ako o nanghihinayang dahil sa kanya. Shit, shit, shit, kailangan ko na umalis.

"Di mo man lang ba ako tutulungan?" biglang imik niya, halatang may asar sa boses niya. Kasalanan ko ba kasi na natalisod siya habang sinusundan ako, hng.

"Ano bang kailangan mong tulong mula sakin?" tanong ko ng humarap ako sa kanya, nakakainis naman.

"Kailangan kita.." hindi ko naiwasan ang pagtingin sa kanya dahil sa sinabi niya, seryoso lang yung mukha niya don. Pa-fall.

"..Para tulungan akong tumayo dito." hatdog, tulungan daw eh natalisod lang naman siya!

Sabihin niya na lang kasi ng diretsahan, gusto niya lang ako maka-bonding.

Ok, tama na Seulbin, dito din nagsimula yung dati hshshshs.

Lumapit ako sa kanya at saka nilahad ang kamay ko doon. Hinawakan niya 'yon ng mahigpit at saka sinubukan tumayo. Kaso mas mabigat ata siya sakin kaya muntikan pa akong ma-out of balance.

Naramdaman ko naman agad na may umalalay sa bewang ko. Braso niya pala..

At dahil doon, napatingin kami parehas sa isa't isa. Para siyang natulala sakin habang ako, para ding natulala sa kanya. Putangina, napaka-rupok Kim Seulbin!

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍDonde viven las historias. Descúbrelo ahora