✧ 034

451 32 59
                                    

JIHOON'S

I-dodownload ko na ba? Or hindi? Di naman kasi ako marunong mag-ML, kaso lagi na lang 'yon ang dahilan kaya laging kasama ni Doyoung sina Junghwan para lang pumunta ng computer shop. #PeerPressured, joke AHAHAHA.

Pipindutin ko na sana yung download ng biglang sumigaw si Mama mula sa kusina.

"Jihoon-ah! Pakilabas nga muna nitong mga basura sa labas."

Hay, mamaya na lang kita idodownload, ML. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinunod ang utos ni Mama, ang hirap maging masunurin gais, tularan si Jihoon.

Infernes, ang bango pa din ng mga basura namin. Bakit? Syempre basura ko 'yan, lahat ng ginagamit ko mabango pa din, joke hehe.

Pagkalabas ay agad kong inayos sa isang sulok ang mga basurang dala-dala ko, grabe isang linggo pa lang mula nung last na itapon yung mga basura namin pero pang isang buwan na yung dami nung amin.

"Tangina, gago, mamatay ka na." napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng malalim na boses. Bat pamilyar?

Tumingin ako sa direksyon ng pinanggalingan non. Grabe, hanggang dito ba naman Doyoung?

Lumakad ako papunta sa kanya, bakit nandito 'yan? Bakit nandito siya sa tapat mismo ng bahay nina Seulbin? May lakad sila?

"Hoy." tawag ko pero di siya tumitingin sakin. Busy na busy ang lolo niyo.

"Hoy!" tawag ko ulit at saka kinuha yung phone niya.

"Ano ba 'yan?!" irita niyang tanong sakin.

"Akin na 'yan Jihoon! Mananalo na kami oh!"

Tumingin naman ako sa phone niya, mananalo daw eh kakamatay niya lang.

"You have been slayed."

Agad napasabunot sa buhok si Doyoung, oops?

"Putangina.."

"Ano ba 'yan, patay ka naman. Oh, kunin mo na nga." sabi ko at saka binalik sa kanya yung phone niya.

"Bakit ka ba nandiyan?"

"Bakit ba din?"

"Anong 'bakit ba din', anong ginagawa mo dito ha?"

"Di mo na kailangan malaman."

"Aba? Yah, Kim Doyoung. Tinatanong kita ng maayos kaya pwede bang sumagot ka din ng maayos?.."

"..Nililigawan mo ba si Seulbin?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Ngumisi lang siya sakin, anong ibig sabihinin non?

"Nanliligaw ka nga kay Seulbin?"

"Bakit mo ba tinatanong?"

"Bakit, bawal ba malaman?"

"Wala ka ng pake don."

Tangina? Ano bang problema nito at parang nagsusungit sakin?

"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nagkakaganyan ha, Doyoung?"

"Hayaan mo na lang kami, pwede? Hindi naman kita pinakealaman nung naging M.U. kayo ni Aeyan diba?"

Bakit napunta samin bigla ni Aeyan?

"Hindi ko kasi magets kung bakit ka na lang lumayo sakin, tapos ngayon naglilihim ka na din. Hindi mo pa ba alam kung anong meron kay Seulbin?"

"Alam ko na, Jihoon."

"Oh tapos? Ganon lang, wala lang sayo? Liligawan mo pa din siya?"

"Kung ikaw may problema kay Seulbin, ako wala. Wag mo kong dinadamay sa sitwasyon mo."

Rinig namin ang pagbukas ng gate ng bahay nina Seulbin, parehas kaming napatingin doon.

"Doyoung―Jihoon? Anong ginagawa mo dito?" halatang kakaligo niya lang, basang-basa pa ang buhok niya.

Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang hinila ni Doyoung si Seulbin, mukha ngang may pupuntahan sila.

"Huy, ano bang mero―"

"Umangkas ka na lang."

"O-Okay.."

Habang papaalis ay lumingon sa akin si Seulbin, at nakatingin lang din ako sa kanila.

Nakakainis. Sa lahat ng tao, si Seulbin pa talaga.

so hello, narrations pa din ang mgasusunod na scenes AHAHA moredolphin(DoLbin) and ahon(AeHoon)moments 2 come! ok, corny ko donge po imma head out na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

so hello, narrations pa din ang mga
susunod na scenes AHAHA more
dolphin(DoLbin) and ahon(AeHoon)
moments 2 come! ok, corny ko don
ge po imma head out na.

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now