✦ 007

626 36 42
                                    

A E Y A N ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A E Y A N ' S

Nakakabwisit lahat ng nangyayari simula kahapon.

Dapat pala minessage ko siya ng hindi siya online para nasabi ko agad. Aish, malay ko ba naman kasi na gusto niya pala ako?! Pero huhu, yung kaibigan mo ang gusto ko Jihoon!

"So anyare?" tanong bigla ng kasama ko ngayon, hindi ko pa nga pala nasasabi kay Seulbin ahshs. Panigurado papagalitan nanaman ako nito. Bobo kasi Aeyan.

"Ano.." sasabihin ko na dapat sa kanya ng bigla akong nakaramdam ng presensya sa tabi ko, at naglapag ng inumin sa table namin.

Nilingon ko siya kaso di ako natuwa sa nakita ko. Yung maliit niyang smile kanina biglang lumaki ng humarap ako sa kanya.

"J-Jihoon.."

"Inumin mo 'yan ah? Bye." paalam niya sakin. Tinignan ko agad yung kasama niya pero agad akong nadismaya ng makita na hindi si Doyoung 'yon.

Nasaan siya?

"HOY!" halos marindi ako sa sigaw nitong kaharap ko. Ang sakit sa tenga Seulbin ah.

"Kailangan sumigaw?"

"Ano 'yon?!"

"Ano? Ano ang alin―Hehe.."

"Hehe?"

Grabe inis na inis yung mukha ni Seulbin sakin huhu, sabi na nga ba eh!

"Anong 'hehe' ka diyan ha?! Sabi mo sasabihin mo kay Jihoon yung totoo! Eh bakit ang lagkit niya tumingin sayo ngayon?!"

Gagalet talaga siya oh. Tsaka pano niya naman nasabi malagkit? Naramdaman niya ba? Joke hehe labyu Seulbin kahit nakakatakot ka shems.

"Wag ka naman magalit!"

"Panong di magagalit?! Eh gus―"

"Naunahan niya kasi ako, ok? Nag-confess siya sakin bigla na gusto niya ako.. Hindi ko na tuloy nasabi sa kanya yung totoo, lalo na't alam kong masasaktan siya kapag sinabi ko."

Natahimik kami parehas, mukhang kumalma na din si Seulbin kahit na hindi pa din maipinta yung itsura niya ngayon. Mas mukha pa siyang depress kesa sakin. Sorry talaga Seulbin, pagpoproblemahin ko nanaman 'to..

"I'm sorry.. Kasalanan ko naman 'to kaya tama lang na panindigan ko."

"Paninindigan mo nga, pero hanggang kailan?"

Nabigyan niya nanaman ako ng isipin, mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa tanong niya. Hanggang kailan nga ba, Aeyan.

"Kahit na anong gawin mo, masasaktan at masasaktan pa din si Jihoon sa huli. Mamimili ka lang sa dalawa, Aeyan, it's either masasaktan siya dahil sa katotohanan o masasaktan siya dahil sa kasinungalingan na gagawin mo."

Hindi ko alam pero mas naging seryoso ang usapan namin ngayon. Ang lakas ng tensyon na nararamdaman ko sa pagitan namin ni Seulbin.. Grabe din siya makatingin sakin, aakalain mo talaga na sa kanya ako nakagawa ng kamalian.

Pero tama yung sinabi niya, ganon din ang mangyayari.. Papatagalin ko lang ang lahat.

Kaso pano ko naman kakausapin si Jihoon about doon? Eh mukhang wala pa sa realidad yung tao, sobrang saya niya din. Halatang sobrang thankful din siya sa mga nangyari.. Ang hirap magsabi ng totoo!

"Sasabihin ko din sa kanya.. Or basta! Gagawa ako ng paraan para matapos kaagad 'to. Wag ka masyadong mag-alala Seulbin, aayusin ko 'to.."

"Galingan mo lang, Aeyan."

Hays, nakakatakot talaga pero sige, gagalingan ko para sure na matapos na lahat ng 'to.

Hays, nakakatakot talaga pero sige, gagalingan ko para sure na matapos na lahat ng 'to

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S E U L B I N ' S

"Galingan mo lang, Aeyan."

Galingan mo lang talaga. Dahil pag hindi, ako mismo ang magsasabi kay Jihoon ng totoo.

Bahala na kung tawagin nila akong pakielamera.

Ayoko lang masaktan si Jihoon.. Ayokong makitang masaktan siya ng best friend ko.

 Ayokong makitang masaktan siya ng best friend ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now