✧ 035

495 29 47
                                    

SEULBIN'S

"Hoy." tawag ko sa kasama ko habang nakatuon lang ang atensyon niya sa daanan. Nakaangkas pa din ako pero panay ang tapik ko sa likod niya.

"Hoy. Di mo ba ako sasagutin?"

"Bakit? Nanliligaw ka ba?"

Gago?

"Seryoso kasi Doyoung!"

"Seryoso din naman ako ah?"

Parang gago naman kausap 'ton eh! Aish! Kanina ko pa siya tinatanong kung anong meron at nandoon na din sa labas ng bahay namin si Jihoon, kaso eto namang loko-loko na 'to ayaw sabihin! Wag ko na daw alamin, jusko.

Pano hindi ko gugustuhing alamin eh parang mag-aaway na silang dalawa kanina? Tsaka narinig ko din yung tinanong ni Jihoon kay Doyoung, 'Hindi mo pa ba alam kung anong meron kay Seulbin', bakit? Anong meron ba sa akin?

Galing ko mag-acting ng parang nagulat akong nandon si Jihoon no? Syempre, artista ata 'to dejk hehe.

Pero sa totoo lang, ano nga bang meron sakin?

"Bababa na ako."

"Ano? Bakit?"

"Di ko naman alam kung saan mo ako dadalhin eh! Baka mamaya kinikidnap mo lang pala ako."

"Kidnap? Bakit naman kita kikidnapin?"

"Aba malay ko sayo?! Kayo yung nag-uusap ni Jihoon kanina, bakit di mo sa kanya tanungin." napatigil sa pagbibisikleta si Doyoung, nilingon niya ako at sinamaan ng tingin.

"Di kita maintindihan."

"Mas lalo na kayo, di ko din kayo maintindihan!" sagot ko habang naka-cross arms. Pinag-chichismisan niyo pa ako kanina ah.

"Rinig ko yung tinanong sayo ni Jihoon, 'hindi mo pa ba alam kung anong meron kay Seulbin'. Sino kayo para pag-chismisan ako ha? Ka-lalaki niyong tao!"

Napatawa ng bahagya si mokong. Sa tingin niya ba nakakatuwa 'yon? Parang ewan eh.

"Ang cute mo din eh, no?"

"Cute mo mukha mo, bahala ka diyan." imik ko at saka umalis sa pagka-angkas ko sa bike niya.

Napigilan naman niya agad ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko papunta sa kanya. Hatdog.

"Tsk. Wag mo na isipin 'yon, halika na, may naisip na akong pwede nating puntahan." tinarayan ko lang siya ng tingin at umangkas na lang ulit.

"Siguraduhin mo lang na may pagkain sa pupuntahan natin ah."

"Ahaha, oo naman, basta libre mo."

"Bwisit, sarap niyong pag-untugin ni Aeyan!"

"Ayos lang din kahit masakit, si Aeyan naman 'yon eh." seryoso niya namang sagot sakin.

Sinamaan ko lang siya ng tingin mula sa likod niya, tsk, tanga-tanga. May Jihoon na si Aeyan, at may Aeyan na si Jihoon.

Parang sinabihan ko lang din pala yung sarili ko ng 'tanga-tanga'. Pero at least naman sakin, di na ako umaasa, kinikilig nga lang.

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα