✧ 059

458 20 19
                                    

JIHOON'S

Naglalakad na ako papasok, 7:42 am na, late na ako ng 12 minutes. Nasa may street pa din namin kami.

Katulad ng dati, matamlay pa din ako. Iniisip ko kung pano ako makakapag-sorry kay Seulbin pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sa kanya. At iniisip ko din kung paano ako makikipagbati kay Doyoung, sa bagay madali lang naman paamuhin 'yon, bigyan mo lang ng pagkain bati na kayo.

Kaso pano si Seulbin..

Napahinga na lang ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa makarating na ako sa tapat ng school, napatigil ako bago tumawid. Ang gulo-gulo ng buhay ko dahil sa mga crush crush na 'yan. Wag na lang kaya ako manligaw next time..

Tatawid na sana ako ng biglang may nakabangga sa akin mula sa likod na babae, parehas silang tumatawa ng kasama niya.

Nilingon niya ako ng nakatawa pa rin at nag-sorry, bumalik agad ang tingin niya sa kasama at patuloy na nakikipagtawanan. Nagkikilitian pa sila ngayon habang tumatawid.

Napangiti na lang din ako.

Good to know that she's happy again.

Break time, kakalabas ko lang para mag-locker. Wala akong nakikitang ni isang anino ng mga kaibigan ko, alam ba nila yung mga nangyari samin ni Doyoung?

Di ko din nakikita si Doyoung, baka iniiwasan ako..

Pagkarating ko sa may locker ay agad akong nag-ayos ng mga gamit. Mabigat pa din ang pakiramdam ko, andaming nangyayari pero sana tapos na lahat. Kaso pinoproblema ko pa din kung paano ako makakapag-sorry kay Seulbin.

"Aish." bulong ko ng mahulog ang mga notebooks ko sa lapag.

Sabi ko nag-aayos ako pero parang mas kumalat, hng. Buti na lang at nasa cafeteria na halos lahat ng estudyante ngayon, walang masyadong tao dito sa hallway.

Pupulutin ko na sana yung isa kong notebook na nasa gitna ng hallway kaso biglang may nakasipa nito. Napasunod na lang ako ng tingin sa notebook ko at saka tumingin sa babaeng nakasipa non.

Lumingon siya sakin pero ng ma-realize niya kung sino ako ay bigla siyang tumalikod ulit sa akin at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Seulbin!" tawag ko. Napatigil naman siya sa paglakad..

"I'm sor―"

"Ayos lang 'yon, Jihoon.." bigla niyang imik habang nakatalikod pa din sa akin.

Hindi ko makita ang reaksiyon niya, galit ba siya sakin? Umiiyak ba siya? Ayos na ba talaga siya?

"Wala na tayong kailangang pag-usapan pa." dagdag niya at saka tuluyang lumakad papalayo.

Naiwan ako doon, nakatayo at pinapanood siyang umalis.

Dapat nakinig na lang ako sayo nung sinusubukan mong itanggi lahat ng binintang ko sayo noon.

Kung nakinig lang ako, edi sana magiging ayos tayong lahat..

Napasilip ako sa glass wall ng hallway namin kung saan makikita mo ang daan papuntang cafeteria. Nakita ko ulit doon si Seulbin na kakababa lang mula dito sa second floor, kasabay niya ulit si Aeyan katulad ng nakasanayan nila. They both look happy.

At least, masaya sila.

Masaya siya.

Kahit na hindi na ako ang dahilan.

Kahit na hindi na ako ang dahilan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon