✧ 062

441 25 34
                                    

DOYOUNG'S

Magkasama nanaman kami ni Jihoon ngayon. Ganito naman kami palagi AHAHAHA away-bati, away-bati.

"Tiktok tayo pre."

"Nye, nakiki-uso. Ayoko non!"

"Eto naman kj! Parang sasayaw lang eh!"

"Ikaw na lang! Videohan kita."

"Ayoko! Dapat dalawa tayong sasayaw!"

"Ikaw na lang―"

"Doyoung!" parehas kaming napalingon ni Jihoon sa tawag ng isang babae. Ay, Doyoung ka din kuya?

"Sabay.." napatigil siya at napatingin sa kasama ko. Nagkatinginan na lang din kami ni Jihoon. So ano 'to, staring contest?

"Sige. Hanapin ko na lang si Seulbin, kain na kayo―"

"Sumabay na kayo samin." yaya ni Jihoon, nuks atapang atao naman pala.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang presensya ni Seulbin sa likod ni Aeyan. Napatigil siya at napatingin sa aming dalawa. Alam kong parehas kaming gwapo pero pwede bang wag masyadong ipahalata?

Nakakasawa na din kasi, lagi na lang sila ganyan samin hays.

"Tara." sabi ko. Hinawakan naman ni Aeyan sa braso si Seulbin at saka hinila siya para lumakad. Nauna na samin si Jihoon.

Habang naglalakad ay tumabi ako kay Aeyan, hehe hi crush.

Pasimple-simple lang ako tumitingin sa kanya. Di pa din ako makapaniwala, gusto niya din ako hshs. Maiinggit kayo, crush ako mg crush ko :p Joke wag natin batiin baka di tumagal.

Nilapit ko ang mukha ko sa likod ng tenga niya.

"Ok na si Seulbin?" bulong ko, mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko. Namula agad yung tenga eh, ang cute.

"Ah.. O-Oo.. Ayos na siya." sagot niya. Nauutal pa AHAHAHA.

Crush na crush talaga din ako oh.

Napatingin naman ako kayna Seulbin at Jihoon. Nasa likod lang ni Jihoon si Seulbin, nakatingin lang sa labas ng glass wall ng hallway. Si Jihoon naman, nakikita kong pasimpleng lumilingon sa likod. Anong meron sa dalawa na 'to?

Nasa cafeteria na kami ngayon, nakapila. Nasa harapan ko ulit si Aeyan, hanggang baba ko lang siya AHAHAHA. Cute nanaman hays.

Nasa likod ko lang si Seulbin tapos si Jihoon naman sa likod niya. Si Seulbin parang wala lang pake kay Jihoon, yung isa naman panay ang tingin sa kanya.

Sabay kaming kumukuha ni Aeyan ng fork and spoon. Napatingin siya sa pila kung nasaan nandoon pa sina Seulbin at Jihoon.

"Nakakapanibago, hindi pinanapansin ni Seulbin si Jihoon ngayon." napalingon din ako.

"Oo nga eh, etong si Jihoon lagi ko na lang nahuhuling nakatingin kay Seulbin."

"Wow, baliktad naman na sila ngayon." imik ulit ni Aeyan at saka natawa ng mahina.

Napangiti na lang din ako dahil sa kanya.

Bumalik ang tingin namin parehas sa kinukuha naming fork and spoon kaso..

"Uh.. Doyoung.. Yung kamay ko." HSHSHSHSHSHSHSHIT.

"A-Ay, sorry! Akala ko tinidor."

"Tinidor?" yung mukha niya, mukhang nagtataka na nagulat sa sinabi ko.

Amputa Doyoung, tinidor? Tinidor?! Jusko. Bakit kasi hawak-hawak ko yung kamah niya, hayop. Di ko naman alam na kamay niya na pala 'yon!

Kumukuha lang naman ako ng tinidor tsaka kutsara eh, bakit kamay niya pa yung nakuha ko? Parang tanga huhu.

Inalis ko na ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Mabilis siyang kumuha ng fork and spoon at saka umalis at pumunta sa isang table. Shet.

Kumuha na lang din ako ng kutsara't tinidor at sinundan siya.

Pagkaupo ko, wala na ulit umimik saming dalawa. Ang awkward namin gago.

Dumating na din yung dalawa at tinabihan ako ni Jihoon, katapat niya naman sa kabilang side si Seulbin. Tinitignan niya nanaman 'to. Napunta naman ang tingin niya saming dalawa ni Aeyan.

"Oh, bakit ang tahimik niyong dalawa bigla?" tanong niya, napatingin din samin si Seulbin.

Nagtinginan lang kami ni Aeyan. Pansin kong namumula nanaman yung mga tenga niya. Napangisi ako, kinikilig naman pala.

"Di niyo naman sinabi sakin na double date pala 'to." napalingon kaming lahat sa nagsalita, si Hyunsuk at nasa likod niya na yung buong Treasure.

Buti na lang at dumating na aagad 'tong mga 'to, di na kami magiging ganon ka-awkward.

Buti na lang at dumating na aagad 'tong mga 'to, di na kami magiging ganon ka-awkward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

sorry, nasa klase ako habang
sinusulat 'to kaya medyo lutang
AHAHAHAHAHAHAHA

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon