✧ 028

473 32 18
                                    

S E U L B I N ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S E U L B I N ' S

Nag-ring na ang bell, meaning uwian na namin. Sumilip ako sa labas, nakita ko si Jihoon mula doon. Naka-upo lang sa isang bench.

Mukhang nag-cutting ata. Tsk.

Last subject na nag-cutting pa, bakit di pa siya umuwi?

Bigla siyang tumayo at kinuha ang bag na nasa tabi lang niya din. Dahan-dahan siyang naglakad sa direksyon ng building namin. Napansin niya ako at tumitig sakin.

Shit. Bakit para akong kinakabahan? Kilig ba 'to o ano? Aish. Baka mahalata niya!

Gusto kong ialis ang tingin ko sa kanya, kaso ayoko din.. Ngayon niya lang ako tinitigan, tinignan. Kahit na yung titig niya, halatang blanko lang. Walang halong emosyon.. He looks like staring to a stranger.

And I'm the stranger.

Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Napatingin na lang ako sa desk ko. Hindi ko alam ang iisipin, feeling ko ang lutang-lutang ko ngayon. Tama lang siguro 'to, na hindi niya ako mapansin.. Sila din naman ni Aeyan ang gusto kong magkatuluyan, diba?

Syempre hindi.

"So anong balak mo diyan?" agad akong napatingin sa may pintuan ng room, nakasandal doon si Aeyan. Napatawa naman ako ng mahina.

"Halatang-halata na may iniisip oh. Nakatulala nanaman." imik niya ulit at pumasok na ng tuluyan sa room namin.

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ako.

"Crush mo nanaman ako."

"Doyoung lang 'to, sorry."

Umiling na lang ako at saka nagsimula na mag-ayos ng gamit. Tinulungan niya na din ako magdala ng mga gamit ko. Alalay ko nga pala guys, joke hehehe.

"Nakakaabala ba ako?" biglang tanong ng isang boses na panlalaki. Nilingon ko siya, nagkatinginan ulit kami pero umiwas na lang agad ako.

Bakit nandito 'yan?

"Uy, nandito ka na pala Jihoon."

Jihoon gave her a warm smile, a smile he can only give to her. And not to a stranger. Napangiti naman ako ng pilit.

"Hello.."

"Hi, Seulbin!"

Hinila ako ni Aeyan papunta kay Jihoon, tuwang-tuwa si gaga. Akala ko ba ayaw niya na kasabay 'yan?

"Punta lang kaming locker niya, Jihoon."

"Sige lang."

Pagdating sa locker ko ay agad akong nagtanong sa kasama ko habang nakakunot ang noo.

"Akala ko ba ayaw mo na makasabay si Jihoon? Eh bakit nandito 'yan?"

"Oh parang galit ka nanaman.."

"..Sabi ko naman sayo, ayoko na kami lang dalawa ni Jihoon ang magkasama pauwi. Tsaka, dare niya 'tong sabay kami tuwing uwian for three weeks, wala akong magagawa."

"Ang third wheel ko sa inyo. Di na lang ako sasaba―"

"Hindi, sumabay ka! Kahit man lang twice a week mo kami sabayan, ok na sakin. Please.. Kahit ngayon lang?"

Tinignan ko lang siya at nag-ayos ng locker ulit. Ayoko namang humindi, nakakaawa na tignan si Aeyan. Parang paiyak na eh, jusko.

"Tara na nga." sabi ko sa kanya, ngumiti siya sakin at sumakbit sa braso ko.

Habang naglalakad sa hallway ay nakita ko sa kalayuan si Doyoung, nakitingin samin. Nakatingin kay Aeyan na tuwang-tuwa at nakangiti pa din. Napangiti din si Doyoung.

Nawala sa paningin ko si Doyoung ng biglang humarang ang presensya ni Jihoon sa tinitignan ko. Nakangiti siya, pero dahil din sa kasama ko..

Sinilip ko ng onti si Aeyan.

Andaming nagmamahal sayo.

Sana sakin din..

may next pa po ito,, di ko lang nilagaydito kasi baka masyadong mapahabananaman hehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

may next pa po ito,, di ko lang nilagay
dito kasi baka masyadong mapahaba
nanaman hehe

TWEEDLE TWINS 'ʲⁱʰᵒᵒⁿ 'ᵈᵒʸᵒᵘⁿᵍWhere stories live. Discover now