Kabanata 35

11.1K 253 3
                                    

Huling kabanata ng Tross, maraming salamat po sa pagtangkilik. Sunod ay wakas. ♥️

Nakatayo ako ngayon sa harap ng malaking ref, masyado akong naglula sa dami ng pagkain dito. Bakit pa siya nagorder kahapon ng food if we can cook? I shook in disbelief.

Sumulyap ako sa nakasarang kwarto kung saan ako nanggaling, masarap pa ang tulog niya at nagpasya na akong tumayo dahil baka hindi nanaman kami makapagbreakfast, ako nalang ang magluluto .

Napangiti ako sa isipang iyon, I never expect this moment to come. Pagkatapos kong nagluto ay hindi pa din siya lumalabas ng kwarto kaya nagpasya akong maglinis ng living room. Binuksan ko ang tv upang maibsan ang katahimikan.

" Breaking News! Family Montenegro confirm the death of their son who finally saw his lost body after more than five months of missing..." napahinto ako sa aking ginagawa at parang tuod na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa screen ng tv.

Kumabog ang dibdib ko ng lumitaw ang letrato ng pamilyar na mukha. Napaawang ang labi ko ng makita ang seryosong mukha ni Adam. Nanlambot ako sa balitang narinig at hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Pribado ang searching operation nila sa paghahanap sa katawan ni Adam, ngayong nakita ko sa mismong mga mata ko ang ama ni Adam na nagsasalita at kinumpirma sa mga media ang pagpanaw nito ay alam kong totoo nga ito.

Kumabog ang dibdib ko at sumulyap sa pintuan ng kwarto. Gigisingin ko ba siya para ibalita ito? Sumikip ang dibdib ko sa isipang iyon, hindi ko man nakasama at nakilalang mabuti si Adam pero alam ko kung gaano kalalim at haba ng pinagsamahan nila ni Tross. Nagulat ako sa biglaang pagbukas nito at nakita ko siyang kunot na kunot ang noo, at namumula ang mga mata. Wala itong mga luha pero kitang kita ko ang gulat at kalungkutan.

Sumulyap ito sa akin bago nilipat ang mga mata sa tv, nakatapat ang cellphone nito sa tenga niya at mukhang kanina pa may kausap dahil nakabihis na ito. Tumango tango pa ito at seryosong nakikinig.

Pinagsalikop ko ang aking mga palad.

" Ah, gi-gising kana pala." Nauutal na pahayag ko at hindi alam ang sasabihin.

Sumulyap ito sa akin na seryoso ang mga mata. " Ku-Kumain ka mu-muna."

" I have to go." Tipid na sagot nito na naglakad sa living room.

" Susunod ako." Sabi nito sa kausap sa cellphone bago nito patayin ang tawag.

Napabuntong hininga ako at hindi alam ang sasabihin sa kanya ngayong nasa tapat ko na siya.

" A-Alam mo na ba?" Kunot noong tanong ko, na pinagsisihan ko dahil halata naman at bago pa magtapos ang balita ay narinig niya pa ito. Baka iyon din ang dahilan ng pagtawag sa kanya sa telepono. Marahil ay ibinalita na ito sa kanya.

Marahan itong tumango sa akin at nagtangis ang mga bagang. Bigla ko siyang niyakap at niyakap niya din ako. Humigpit ang yakap nito sa akin.

" He is a good friend, Sapphira. It so sad that you didn't even met him." May tono ng lungkot sa kanyang boses.

" Pero nagkita na kami before..." he cutted me off and shook his head.

" When you're still working at the bar. It's different now Sapphira." Inalis nito ang pagkakayakap sa akin at seryoso itong tumingin sa akin. Hinaplos nito ang aking pisngi at ginawaran ng halik sa noo.

" A-Aalis ka ba?" Marahang tanong ko. Napangiti ako ng haplusin nitong muli ang pisngi ko.

Tumango ito ng marahan. " Oo."

" Pwe-Pwede ba akong sumama?" Kunot noong tanong ko.

Mabilis itong umiling. " Saka na muna, kailangan mo munang magpahinga. Napagod ka kagabe hindi ba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at unti unting naginit ang aking pisngi.

Owned YouWhere stories live. Discover now