Kabanata 7

10K 228 9
                                    

Tuliro ako habang tinitimpla ang gatas ni Samuel, maaga ko siyang ginising dahil pangalawang araw niya ito sa paaralan. Excited naman siya dahil marami na daw siyang mga bagong kaibigan.

Paguwi ko kagabi ay gising pa siya at hinihintay ako. Inayos ko na ang mga damit niya na susuotin mamaya. He was taking a bath now, he always kept on reminding me that he is now a big boy. Minsan napapaisip ako kung saan nagmana si Samuel, he's young but he already knows his responsibility.

Kapag sinasabi niyang kaya niya, kahit nakikita ko siyang nahihirapan hindi siya humihingi ng tulong. He do his duties on his own, minsan napapangiti ako dahil alam ko na he can do things without me. Pero minsan napapaluha dahil baka dumating yung araw na binata na siya at hindi niya na kailangan ng tulong ko.

" Layo ng iniisip Te? Saan naba tayo nakarating?" Sumulyap ako kay Gab na ngayon ay papaupo sa tapat ko.

" Aga mo yata nagising Gab?" Nagkibit balikat ito at tumingin sa akin.

Sa suot niyang ripped jeans at fitted na damit. Nakaayos pa ang mukha niya. Sa lagay niya ay mukhang may lakad.

" May pupuntahan lang ako ngayon, mamaya nga pala maaga tayong aalis dahil sobrang daming tao ngayon sa bar."

Napangiwi ako sa sinabi ni Gabrielle, naalala ko nga pala hindi ko pa nasabi sa kanya na may pasok ako ngayon sa hotel, at hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sakit ng buong katawan ko ng dahil sa paglilinis ko kahapon.

" Hindi ako pwede e, pinapapasok ako ngayon. "

" Akala ko ba every other day iyang pagiging housekeeper mo Bakla?"

" Eh kulang kasi kami ngayon, dahil naka leave yung ibang mga taga linis, saka yung iba nasa kabilang building sa casino."

Lumabas si Samuel sa kwarto at bihis na bihis na. Natawa pa ako dahil nahihirapan siyang suklayin ang buhok niya.

"Good morning Nay! Good morning Tito Gab!"

" Aba! May binata na yata tayo Ira." Natatawang pahayag ni Gab at hinalikan sa pisngi si Sam. Ganoon din ako.

Tinulungan itong umupo ni Gab at nagkatinginan kami.

" So, ako maghahatid kay Samuel?" Aniya at bumaling sa anak ko.

Nilagyan ko ng pagkain si Sam sa kanyang plato.

" Ihahatid ko, ikaw nalang sumundo?"

" Oh sige. Mabilis lang naman ako." Aniya habang tumatango.

Pagkatapos nga naming kumain ay hinatid ko na si Samuel sa paaralan niya. Hindi naman gaanong malayo sa amin pwede naman lakarin. Pero para hindi na siya kaagad mapagod ay sumakay pa kami ng jeep.

" Nay, ang dami ko na pong friends." Sabi niya habang nasa jeep kami.

" Talaga? Mabait ba sila sa'yo?"

" Hm." Tango niya.

" Ano ginawa niyo sa first day niyo?"

Nalukot ang mukha ni Samuel. Yumuko ito at pinagsalikop ang mga kamay. I find him cute with his little bagpack on his back.

" Nagpakilala po kami Nay, t-tinatanong po nila kung bakit daw po wala akong Tatay." Pabulong niya sagot.

Parang pipigain ang puso ko ng makita ko ang lungkot sa nga mata niya. Hinawakan ko ang maliit niyang mga kamay.

I know my son is strong, but when it comes to family? He will always like this. If I can do impossible things in life, ibibigay ko ang magpapasaya sa kanya. Ngunit tulad niya puro nalang lungkot ang bumabalot sa puso ko, sa twing iisipin ko na hindi na kayang ibalik nino man ang nakaraan. But I need to be strong for him.

Owned YouWhere stories live. Discover now