Kabanata 11

8.7K 171 2
                                    

Itong mga nagdaang araw ay ginugol ko ang panahon ko sa pagaalaga kay Samuel. Hinahatid at sinusundo ko pa siya sa kaniyang paaralan.

Kapag nasa bahay ay ginugugol ko ang oras ko sa paglilinis ng bahay. Nahihiya din ako kay Gab dahil ito lang ang kaya kong maitulong sa ngayon dahil wala pa rin tumatawag sa akin.

" Bakla akala ko ba umalis si Sir Hendrix?" Takang takang tanong ni Gabrielle sa akin habang nagluluto ako sa kusina ng hapunan namin.

Si Samuel ay nasa sala kasama si Gabrielle dahil araw ng linggo ngayon at walang pasok.

" Oo nasa US na siya." Sagot ko na hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahil aligaga ako sa pagtitimpla sa tinolang niluluto ko.

" Sorry, did I disturb you?" Muntik ko ng mahulog ang hawak kong sandok dahil sa gulat ng marinig ang pamilyar na mababang boses ni Hendrix.

Namilog ang mata ko at unti unting tumingin sa kanya. With his fresh look, wearing a casual gray plain shirt and a maong pants. In just a month he change a lot.

" Hendrix!" Hindi nawala sa tono ng boses ko ang pagkabigla.

Bakit siya nandito?

Ngumisi siya at inabot ang puting paper bag sa akin. " For you." Aniya.

Kukunin ko na sana ito ng naunahan ako ni Gabrielle. " Wow! Chocolates how thoughtful you are." Maarte pang pahayag nito.

Pinatay ko na ang kalan bago tuluyang ibigay sa kanya ang atensiyon ko.

" Anong ginagawa mo dito? Sabi mo you are staying in US for good?"

" Upo ka muna Sir Hendrix, ano gusto mo? Juice or coffee? Water?-"

" Water will do. Thank you." Parang hihimatayin si Gab ng ngumiti si Hendrix sa kanya.

" O-Okay honey, este Sir Hendrix."

Umupo si Hendrix sa dining area namin. " I already manage my business in US, but I have some issues to settle before I settle down."

" Kailan kapa nandito?"

" Here's your water Sir Hendrix, na may halong pagmamahal." Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan tumawa sa sinabi ni Gab, pinandilatan ko siya ng tingin upang umalis muna at sa sala magstay.

" Damot!" Narinig kong bulong niya bago lumabas ng kusina.

" Yesterday eve. Pupuntahan sana kita, kaso gabi na baka tulog na kayo." Tumango ako. Nakakahiya naman kung ganoon.

Tumingin ako sa kanya na parang may gustong sabihin.

" I'm sorry Sapphira from what happened. Nadamay kapa."

Umiling ako at ngumiti. " It's okay Hendrix, alam ko naman na wala kang ginawa." Umupo ako sa tapat na upuan nito.

" I will talk to Jack later, I know he is still mad. Pero hindi tama ang ginagawa niya sayo. He was manipulating other establishments, para hindi ka matanggap sa trabaho."

Napahinto ako sa sinabi ni Hendrix. Para hindi matanggap sa trabaho?

Napakuyom ako sa aking kamay. Magsimula ng umalis ako sa hotel, wala akong sawang kakapass ng resume ko.

Kahit nga alam kong tumatanggap ng undergrad ay in-applyan ko. Pero ni isa walang tumawag sa akin. O kahit man lang interview. Madalas ay pinapaiwan sa akin ang resume o kaya naman ay tinataboy na ako.

" I'm sorry, I don't have any idea about that before. So I settle all my works before I go back in the Philippines as soon as possible."

Napailing ako, hindi makapaniwala. All this time I questioned my abilities dahil akala ko hindi sapat ang skills ko kaya hindi ako kinukuha. Right now, I felt relieved. Pero bakit pati iyon kailangan nilang gawin?

Owned YouWhere stories live. Discover now