Kabanata 22

7.4K 142 6
                                    

Simula kaninang umagang paghatid ko kay Samuel, ay hindi mawala ang tingin ko sa orasan. Pakiramdam ko ang bagal bagal ng oras.

Hawak kong ang invitation na bigay sa akin ni Trinity kahapon, ngayon nga ito at mamayang alas sais ng gabi na. Ito ba yung gustong ipakita sa akin ni Hendrix? He also knew na ngayon na?

" Oh wala kang pasok?" Takang tanong ni Gabby paggising nito.

" I resign ." Tipid kong sagot.

Mas okay ng umalis ako sa trabaho kaysa naman isipin pa nila na pinakiusapan ko si Tross na ipasok ako doon. Malapit na ang kaarawan ni Samuel. Oo nga pala, kailangan ko ng pera at kailangan mag ipon lalo na sa nalalapit na kaarawan ng anak ko. Pero ayoko naman maapakan ang pride ko, makakahanap pa naman ako ng iba.

" Oh bakit? Akala ko ba maganda doon?"

" Okay naman, ang kaso kaibigan pa ni Trinity ang may ari." Sagot ko at nagkibit balikat.

Napaawang pa ang labi nito bago napagtanto ang sinabi ko. " What?!"

" Hindi mo ba ako narinig?" Naiinis na tanong ko at  sumulyap sa cellphone ko na walang kahit anong tawag galing sa kanya.

I sighed, kasama pa rin ba niya si Trinity? Kagabe hindi ako makatulog kakaisip ko. Bakit sila magkasama? Sumisikip ang dibdib ko kapag iniisip na sila lang dalawa.

Mula kaninang umaga ay hindi ko na binitawan ang cellphone ko dahil baka tumawag siya at hindi ko nasagot.

" Dapat lang na umalis ka! Baka akala pa non napakadukha mo!" Naiinis na sabi ni Gabby. " Dito ka muna sa bahay, tutal maganda naman ang kita ngayon sa bar club. Ako na bahala sa handa sa birthday ni Samuel."

Kunot noo akong tumingin kay Gabby, at magpoprotesta pa sana. " Para naman din makampante ka dahil para lalo mong mamomonitor si Samuel." Dugtong niya.

Napabuntong hininga ako. Siguro tama nga si Gabby, kailangan ko munang bantayan si Samuel. Sa dami ng iisipin ko, may obligasyon pa ako sa anak ko. Hindi pa muling nagpakita sa akin si Atty. Sandoval, wala akong ideya kung umalis na ba siya ng bansa.

Alas kwatro palang ay nandito na si Hendrix, mas maaga sa napagusapan namin. Kaya naman dali dali akong nagayos habang nilalaro niya pa si Samuel.

Sa huling pagkakataon ay muli ko siyang tinawagan ngunit nakapatay ang cellphone niya. Kinakabahan man sa desisyon na sumama kay Hendrix pero siguro karapatan ko din ng kasagutan. Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Maong pants at sleeveless lang ang suot ko, habang si Hendrix ay casual ang suot.

Ayokong magbihis ng engrande dahil hindi naman ako dadalo, gusto ko lang kausapin si Tross. Tama nga ba ang desisyon ko? Napahinto ako sa naisip. O tanggapin nalang lahat ng to?

Do I am brave enough to see him promised to other woman?

Iniisip ko palang ay nanlalambot na ako.

Kabado akong nakaupo sa passenger seat ni Hendrix habang papunta kami sa hotel kung saan gagampanan ang party.

Hindi ako mapakali at kada minuto ang titig ko sa phone ko. Habang panay naman ang sulyap ni Hendrix sa akin, naka kunot ang noo at mukhang malalim ang iniisip habang nagmamaneho.

" Pwede naman hindi na tayo tumuloy."

Basag nito sa katahimikan at mukhang napansin ang pagkabalisa ko. Nanunuyo ang lalamunan ko sa hindi maintindihang kaba.

Umiling ako ng mabilis. I just want to know, kapag confirm ko na siguro ako na mismo ang lalayo.

" O-Okay lang Hendrix."

Owned YouWhere stories live. Discover now