Kabanata 6

9.9K 241 4
                                    

Maaga akong pumasok kinabukasan. Tulog pa si Tross ng magumpisa akong linisin ang kabuuan ng condo niya.

Inipit ko ang mahaba kong buhok dahil sa init na nararamdam dahil sa paglilinis.

Nahigit ko ang hininga ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya kung saan nakatapat ako na kung saan ako nagwawalis. Tumaas ang tingin ko sa inaantok pa nitong mga mata at gulo gulo nitong buhok.

Nakasweat pants siya at gray tshirt. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumabi sa side upang makadaan siya. Nang hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya ay tinignan ko siya na seryosong nakatingin sa akin.

Napalunok ako ng mabilis dahil sa nararamdamang kaba. Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba. Nasapo ko ang dibdib ko ng lumapit siya at ikinulong ako sa dingding gamit ang dalawang mga kamay niya.

" Where did you go last night?" Malamig niyang tanong. Kunot noo ko siyang tinignan at nagtataka sa tanong niya. Lumapit ang mukha niya sa akin kaya mas lalo kong idinikit ang ulo ko sa dingding.

" L-last night?" Paglilinaw ko. Ano ba ang kanyang itinatanong? Yung bang umalis kaming dalawa ni Hendrix? Imposible namang alam niya iyon.

Ngumisi siya na para bang alam na ang sagot sa tanong niya, at negatibo ang tingin ko doon.

Napakurap kurap ako ng agaran siyang umalis sa harapan ko at tumungong kusina. Nakahinga ako ng maluwag at binilisan nalamang ang paglinis ng condo niya dahil sumasakit ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siyang mas malapit.

Umiwas ako ng tingin ng nahuli niya akong nakatingin sa kanya habang busy siyang may kausap sa phone niya, habang nasa veranda siya. Niligpit ko ang mga ginamit ko at hinawakan ang cart na dala.

Sumulyap muli ako sa kanya ngunit nagsisi kaagad ng nakatingin pa rin siya sa akin. Tumaas ang mga kilay niya. Walang salitang lumabas ako ng condo niya dahil pakiramdam ko pulang pula na ang pisngi ko sa kahihiyan.

" Namumula ka." Puna ni Mona sa akin pagkaupo ko sa tabi niya habang kumakain ng noodles.

Tipid ko siyang nginitian at hindi na sinagot dahil hindi ko din alam ang idadahilan ko.

" Nako Sapphira saan ka ba pumunta kagabi? Inis na inis si Sir Jack sa amin dahil hinahanap ka."

Napabaling ako kay Mona na kuryosong tumingin sa akin.
"H-hinahanap ako?"

"Oo!"

" Bakit daw?"

" Ewan ko. " Nagkibit balikat ito. " Baka may ipapalinis sa iyo. E saan ka nga ba kasi pumunta kagabi? Hindi pa tapos yung programme bigla kang nawala."

Umiwas ako ng tingin kay Mona dahil baka akala niya may itinatago ako sa kanya. Hindi na kasi ako nakapagpaalam ng  isinama ako ni Hendrix.

" A-ah may emergency lang sa bahay. Biglaan kasi." Pagdadahilan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng tingin ko ay bumenta naman ang palusot ko. Hindi ko din kasi maaaring sabihin na magkasama kami ni Sir Hendrix, or Hendrix kasi baka mag isip siya ng iba. Mas mabuti nalang din na hindi nila alam, para hindi nalang sila magtatanong.

Ang bilis ng araw at ngayon ay unang pasok nila Samuel, excited siya gayon din ako kaya hindi na ako nagatubiling ihatid siya upang makita kung gaano siya kaexcited pumasok.

Magiisang buwan na din ng huli namin pagkikita ni Hendrix. May usap usapan na tumungo silang Singapore, dahil maging si Tross ay wala.

I was in a hurry when I went in to the hotel. Late na late na kasi ako ngayon, dahil ngayon ang unang klase nila Samuel. Hinatid ko pa siya sa school niya, at hinintay si Gab na palitan ako dahil baka umiyak siya. But he always reminding me that he is now a big boy kaya pwede ko na daw siyang iwan. Pero hinintay ko pa si Gab para bantayan siya.

Owned YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora