Kabanata 28

7.8K 206 5
                                    


" Ate Ysabelle sino iyong naghatid sa iyo?" Biro ko kay Ate na kakagaling lamang niya sa trabaho.

Isang accountant si Ate sa isang kilalang hotel dito sa Bulacan. Matanda siya sa akin ng limang taon habang ako ay kasalukuyang nagaaral sa kolehiyo at kumukuha ng business ad.

" Ano ba bunso, wag ka ngang maingay marinig ka ni Mama." Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya.

" Manliligaw mo Ate?"

" Shhh." Tinakpan nito ang bibig ko at napailing. Namula ang mga pisngi nito at mahilis na umiling.

Maraming nagsasabi na magkamukha kami ni Ate Ysabelle, maputi, makinis ang balat at maganda ang katawan. Isa kasing Amerikano ang tatay namin. Kaso lang iniwan kami noong bata palang at nalaman nalang namin na namatay na ito at hindi man lang kami nakadalaw. Wala din itong sustento kaya nagsumikap si Mama na makapagtapos kami. Wala akong galit kay Papa kahit na iniwan niya kami nina Mama.

Si Mama ang nagtaguyod sa amin hanggang sa paglaki, ngayon na may trabaho na si Ate siya na ngayon ang nagbibigay suporta sa akin dalawang taon nalang din kasi magtatapos na ako. Balak kong magpatayo ng sarili kong negosyo, nagiisip nga ako na isang restaurant ang ipupundar ko. Pero bago yun magaaral muna ako ng culinary after ko sa college.

" Ate ang daming bulaklak!" Nagulantang ako ng isang araw may naghatid ng madaming mga iba't ibang kulay ng rosas sa bahay halos mapuno na ang sala namin sa dami nito.

" Umamin ka nga sa akin Ysa, may nanliligaw na ba sa iyo?" Nagkatinginan kami ni Ate at hindi makatingin kay Mama.

" Ma! Binasted ko naman po." Sagot nito.

Ayaw pa ni Mama na magkaboyfriend si Ate saka na muna daw kapag nakapagtapos na ako. Baka daw mabuntis kaagad ito tulad ng mga naging kaklase niya noon.

" Girl ikaw na ilalaban ng section natin sa Ms. BA, go tayo dyan." bulong sa akin ni Gabby habang nagsasalita ang prof namin.

" Ayoko nga sabi! Gastos yun ayokong makadagdag pa sa gastusin. Saka manahimik ka nga dyan, baka mapagalitan tayo."

Hanggang sa paguwi ay kinukulit ako ni Gab, na siya daw bahalang magayos sakin at walang bayad basta lang daw ay umoo ako.

Umiling nalamang ako at naglakad na kami pauwi. Dadaan muna daw siya sa bahay dahil namimiss na niyang kulitin ang mama ko. Siraulo talaga.

" Girl hindi ba si Ate Ysabelle yun?" Napahinto kami ni Gab sa paglalakad ng hatakin niya ako.

Tumingin ako sa tinuturo ni Gabby at nakita ko nga si Ate Ysabelle na may kausap na lalaki, nakasuot ito ng black suit habang si Ate naman ay nakauniporme.

Isang kanto nalang bago ang bahay namin. Kumunot ang noo ko ng napagtanto na hindi siya nagpahatid sa bahay dahil baka makita siya ni Mama.

" Gosh bakla! Bmw pa yung sasakyan, yayamanin." Hinampas ko siya sa balikat at hinabol si Ate na naglakad na patungo sa amin hindi niya kami nakita dahil nakatalikod ito sa amin.

" Akala ko ba binasted mo?" Nakita ko ang pagkabigla ni Ate at humarap ito sa amin ni Gabby.

Nanatili akong tahimik sa mga nalaman ko. Hangga sa isang araw ay umuwi si Ate na umiiyak. Hindi umiimik nagtago lang siya sa kwarto namin at ang alam ni Mama ay may lagnat siya. Tinatanong ko kung niloko ba siya noong lalake pero wala naman siyang sinasabi.

" Ysabelle!" Nanlalaki ang mata ko ng may malakas na kumakatok sa pintuan namin. " Please talk to me." Hindi pamilyar na boses ng lalaki ang nasa labas at tinatawag nito ang Ate ko.

Owned YouWhere stories live. Discover now