Kabanata 29

8.2K 192 11
                                    

Hinaplos ko ang maglilimang buwan na tyan ni Ate Ysabelle. Ngumiti ito sa akin.

" Ate hindi niyo pa ba ipapacheck kung ano gender niya? Excited na ako sana babae!" Tili ko at mas lalong tumawa si Ate.

" Naku malamang kapag babae yan kamukha mo! Sobra yata kung maglihi sa iyo ang Ate mo." Singit ni Mama.

Ngumuso si Ate kaya natawa ako. Noon kasing naglilihi si Ate ay halos hindi ako makapasok dahil nagtatampo ito kapag umaalis ako sa tabi niya. Kapag nandyan naman si Kuya Alex ay hindi niya pinapansin, kaya nagseselos sa akin si Kuya.

" Magsasaing lang ako." Ani Mama at lumabas sa kwarto namin ni Ate.

Muli kong hinaplos ang tyan ni Ate. " Ate bakit mo minahal si Kuya Alex?" Wala sa sarili kong tanong.

Sumulyap si Ate Ysabelle sa akin at ngumiti. " Anong klaseng tanong yan Sapphira.."

Nagkibit balikat ako. Maraming nanliligaw kay Ate noon pa, pero ni isa wala akong nabalitaan na sinagot niya o pinayagan niyang manligaw dahil inuuna niya ang pagaaral niya gaya ng pangako niya kay Mama.

" Ang daming nanliligaw sa iyo non Ate, pero bakit si Kuya Alex? Tapos napaka komplikado pa ng relasyon niyo."

Ngumiti si Ate Ysabelle, kapag ngumingiti siya mas lalong lumalabas ang ganda niya kahit na buntis siya. Hinaplos ni Ate ang kamay ko na nakahawak sa tyan niya.

" Hindi naman kasi pinipili ang minamahal Sapphira, minsan kung saan mo pinipigilan, doon mas lalong nagiging agresibo."

Kunot na kunot ang noo ko. " Anong ibig mong sabihin Ate?" Tumawa si Ate at umiling.

" Malalaman mo din yan kapag nagmahal ka na." Tukso nito. " Bakit ang balita sa akin ni Gabby marami daw nagbibigay sayo ng love letter ah!" Ngumisi si Ate at napanguso ako dahil ako naman ang tinutukso niya ngayon.

" Ih Ate wala! I mean, I'm just curious. Bakit mo pinili yung relasyon na ang daming bawal?"

Tumawa si Ate ng malakas. " Ako magtatanong sa iyo nyan kapag may tinitibok na yang puso mo." anito at tinuro pa ang dibdib ko.

Ngumuso lalo ako dahil hindi man lang niya sinagot ang tanong ko. Minsan napapaisip ka nalang bakit pinipili ng iba yung relasyon na inaayawan ng lahat. Why they want complicated relationship, if they can have a better one?

" Hi Sapphira..." kumaway ako sa matangkad na lalaking nakasuot ng jersey na dumaan sa harapan ko. Ngayon ko lang ito nakita sa school namin.

Hindi ko ito kilala pero sanay na ako na binabati ako kahit na hindi ko naman talaga sila kilala.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Gabby sa bewang ko.

" Ano?" Nalilito kong tanong.

" Mukhang bet ka nung apo ni Gov ah!" Kunot noo akong tumingin sa kanya na ngayon ay hindi maipinta ang mukha niya. " Wag mong sabihin hindi mo kilala?"

Umiling ako ng mabilis. " Gaga ka talaga, kung makakaway ka kala mo close kayo."

" Nakakahiya naman kung hindi ko pansinin diba?" Umismid si Gabby.

" Hello girl! Kapag pinansin ka ng lalaki type ka! Napaka manhid mo naman!" Anito at binilisan ang lakad.

" E malay ko ba!" Sabi ko at binilisan ang lakad upang maabutan siya.

Owned YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon