c. FIFTY ONE

184 3 0
                                    

Trystan's Point of View 

Piniringan ko sya na agad naman nyang naramdamn kaya nagising. Nagpupumiglas pa nga. Akala nya siguro namapahamak na sya. Sus, as if namang hahayaan ko yun. 

"Don't move. You're safe." 

tapos tinali ko yung panyo ko sa ulo nya. 

"Baka naman pag dilat ko nito, kaharap na nating ang pari. Ikaw ha, hindi pa kita sinagot." 

alam kong nagbibiro lang sya. 

"Parang ganun na nga." 

hinampas naman nya ako. 

"Ay grabe ka! Sige ka, mag I don't ako." 

"Haha kaya mo?" 

kita kong namula talaga ang dalawang pisngi nya. Haha, ang cute nya taaga kahit nakapiring. 

"Ah, I see. Base sa reaksyon mo, hindi mo kaya. Kaya, labas ka na. Don't worry, nandito lang ako." 

lumabas naman sya. Bigla syang napayakap sa kanyang sarili. 

"Bakit ang ginaw? Nasa labas ba tayo ng bansa? Pero bakit, amoy ko pa rin ang Pinas?" 

napailing pa ako sa sinabi nya. 

"Dami mong tanong. Lumakad ka nalang." 

tulak tulak ko sya habang yung kamay ko nasa balikat nya. 

Pagdating namin sa entrance, nginitian ako nung bantay dun saka nag thumbs up. 

Pagpasok namin agad namang nagsimulang tumugtog ang kantang You Are The One , gamit ang violin. 

Medyo napahinto pa si Anasthasiah sa narinig. Kaya tinulak ko pa sya ng mahina papunta sa gitna. 

"Just walk." 

Vanyce's Point of View 

hindi ko alam kong anong maramdaman ko sa mga oras na humakbang ako sa kung saan. Habang nakatugtog pa rin ang background music. 

Ewan ko pero, naiyak ako. Sobrang touch ako dun sa music. Kahit wala akong narinig na kumanta, walang lyrics, still, nagustuhan ko pa rin. At medyo familiar din ako sa kanta. You are the one, kaya mas lalo akong napaiyak sa tuwa. 

Tinanggal na nya ang piring ko saka nagsalita. 

"Open your eyes now." 

sinunod ko naman ang sinabi nya. 

Sa harapan namin, may isang table, na may dalawang chair na magkatapat. May isang bouquet of pink rose din na nakapatong na kinuha naman nya at binigay sa akin. 

"For you." 

Napatingin ako sa paligid ko. At talagang ginawang garden and buong lugar, dahil puro bulaklak ang nakita ko, iba't ibang klase ng bulaklak ang nadudun na nilagay pa sa isang paso. At sobrang ganda ng pagkaka landscape nito. 

Nakaharap kami sa buong syudad ng Cebu. At talagang nilipad lipad ang mahaba kong buhok sa sobrang lakas ng ihip ng hangin. 

Hindi ko alam kong anong lugar ito pero isa lang ang alam ko dito, sobrang romantic ng lugar na to. 

"I know you already loved this place when we had our first night together here in Tops." 

biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ibig sabihin, dinala na rin nya si Anasthasiah sa lugar na 'to noon? Bakit biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig? 

Hindi ko na namalayan, tumulo na pala ang luha ko habang sya nakayakap na sa akin ngayon mula sa likuran. 

"Kaya, dinala kita ulit dito dahil alam kong gustong gusto mong bumalik dito. Pero naisip kong, sa susunod na dalhin kiya dito, paara i-surprise. Kaya ayan, yung mga bulaklak na gusto mong dalhin nung pumunta tayong Hardin de Busay, nasa harapan mo na at pwedeng pwede mo nang i-uwi lahat yan kung gusto mo." 

huminto sya at naramdamn kong ngumiti sya. Naback hug pa rin sya sa akin at lalo lang naman akong naiyak na walang boses. 

"Naalala ko pa kasi nung huling punta natin dun, halos kalbuhin mo na ako sa sobrang inis kasi di ako pumayag na magdala ng bulaklak pag-uwi natin." 

huminto ulit sya saka pinaharap ako sa kanya. Hindi ko tuloy naitago ang sarili ko. Naguunahan pa naman ang mga luha ko. 

"Hey, ayaw mo ba? Di mo ba nagustuhan? Iba na ba favourite mo?" 

umiling lang ako saka subsob sa balikat nya. 

"Tears of joy ito." 

sa totoo lang, galit na galit ako kay Anasthasiah. Inagaw nya ang dapat ay sa akin! Kaya naman, babawiin ko lang! 

Sa nangyari ngayon, dapat ba akong maguilty? Heh! Why should I ? Dapat lang sa kanya yun, dahil yun naman talaga ang nararapat sa mga taong mang-aagaw! 

"Sus, ang oa mo talaga, pero okay lang, kahit oa ka, mahal pa rin kita." 

saka nya ako hinalikan sa noo. 

"Tahan na dyan, kain na tayo." 

inalalayan nya akong umupo. May lumapit naman sa amin na may dalang pagkain. Kaya nilagay ko na yung bulaklak sa ibabaw ng misa sa may gilid lang. 

Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita ko. 

"Favourite mo 'to di ba? Kaya, ayan, lahat ng pagkain na may shrimp na recipe pinaluto ko." 

napalunok nalang ako sa nakita. 

"Sige na, lantakan mo na, alam kong paborito mo yan at takam na takam ka dyan, kaya, kain na tayo." 

pa pikit pa akong kumuha ng di ko alam kong anong tawag. 

** 

maya maya pa. 

"C-cr lang ako ah." 

tumango naman sya saka ngumiti kaya pumunta na ako sa cr. 

"Shit! Ang kkkaaatttiii!" 

sabi na nga ba e! This is bullshit! 

"Fuck this Allergies! Mamatay na sana ito!" 

halos mamula na ang buong katawan ko sa sobrang kati. Kaya naman hinalungkat ko ang bag ko--wait, where's my bag? Shit! Bakit ngayon pa !? Bakit wala sa akin yung bag ko!? Oh great! Nasa sasakyan nya! Just great! 

Hindi pwedeng patagalin ko 'to! Baka mamatay ako nito! Heck!

*see yah! :)

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon