c. THIRTY

219 3 0
                                    

Anasthasiah's Point of View

As I entered the room, I can feel that I've got there attention. Pero saglit lang yun at nawala din kaagad. As usual.

'Araw-araw naman akong pumapasok ah, di pa rin ba sila nasanay sa kagandahan ko?'

napaismid nalang ako sa naisip ko.

Himala ata at di ko trip mamansin ng mga lalaki ngayon.

Kasi naman, habang tumatagal, naiinis na talaga ako sa baklang finacé ko kuno. Hindi naman ako manhid para di ko maramdamang unti unting nahuhulog na sya sa akin. Sabagay, yun yung plano ko tapos kong malaman na may pinaplano pala sila ng kambal ko sa akin.

Halata sa mga kinikilos nya na nahihirapan na syang magpapangap. At panigurado akong nagkikita sila ng kambal ko pa minsan minsan. And I guess, sinabi na nya ang mga pinagagawa ko.

I bet, hindi kakayin nang kambal kong makikipaglandian sa mga lalaki. You know, anghel na may sungay.

At kahit ilang taon kaming di nagkakasama or should I say 17 yrs na nasa iisang bubong nga pero di ko sya nafefeel, plastik kasi yun e. Pero kahit ganun, alam ko ugali nyan, hindi yan talaga magtatagal makasama ang isang lalaki kahit pa isang oras lang, pwera nalang kung si Tan yung childhood friend daw namin pero di ko naman talaga yun kilala, may isang babae pa nga nun e. Nakita ko kasi sila unang beses nung bata pa ako. Kaya I doubt talaga na magagaya nya ko. Yeah, I know her plan, gagayahin nya 'ko or more like magpapanggap na ako para makuha ang freedom na meron ako ngayon. The fuck is with her right!? Gahaman sa freedom? Tss! Inggitera talaga kahit kailan.

"Hi Adrian."

nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang pangalan nya. Tiningnan nya lang ako tapos nginitian ko sya. Lumapit sya sa akin, kaya ako naman ay todo ngiti sa kanya.

"Hi daw oh. Pansinin mo naman yung sisiw."

bulong ko kaagad nung makaupo na sya. Yes, inasar ko sya para kunwari bakla sya at ayaw nya sa mga babae. Natawa na lamang ako ng mahina, kasi yung itsura nya nasusuka sya na ewan.

Sus, pretentious jerk! I'm better than you uy!

"Ang swerte talaga ni Princess no?"

bakit ba sila princess ng princess? Wala ba silang ibang pag-usapan kundi ako lang?

Tiningnan ko yung nagsalita. Ayun, tahimik. Badtrip talaga. Isama mo pa 'tong katabi ko.

Napansin ko namang parang may dalawang paris ng mata ang nakatitig sa akin.

Tiningnan ko yung bandang sulok. Nagkatitigan kami pero agad ko ring binawi ang tingin ko.

'bakit ba kaklase ko pa 'yang isang yan sa isang subject ko? Lalo akong nabadtrip.'

"Kilala mo si miss Myers?"

tanong ni pekeng AJ.

"No."

"You sure? Sabi kasi nya sa akin noon, kilala ka daw nya. So I bet baka magkakilala kayo? Di ba?"

"Aarrruuy aaarrruuyy, tsismosang bakla ka din pala noh? Haha, hindi ko kilala yan."

at pinagsisihan ko pang nakilala ko yan.

Nagkibit balikat naman sya at kunwaring baliwala na. Pero kita sa mga mata nya na di sya na-convince sa sinabi ko. Para bang, may gusto pa syang malaman.

'Ilang sikreto ba ang meron ka AJ?"

Napansin nyang nakatitig lang ako sa kanya, kaya naman para di sya magduda agad ko syang hinalikan sa pisngi na ikinagulat naman nya at namumula pagkatapos.

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Where stories live. Discover now