c. TWELVE

867 13 7
                                    

PS: please read ang Author's Note ko sa baba. Ang hindi magread, di ko bibigyan ng regalo this christmas! Ahahaha!!

-monokuro boo :) -

************************************

Monique's Point of View

Hi! Pakilala muna ako ah! Wag ng angal!

Btw, kilala nyo na ako sa pangalan ko, pero di nyo pa alam ang buong kwento ng buhay ko.

Una sa lahat, ako po ang nag-iisang anak ng Daza clan. May childhood friend ako, nagkahiwalay lang kami nung lumipat kami ng bansa, sa states kami nanirahan. Maganda sya, syempre naman, maganda rin kasi ako. Maganda yung name nya, kaso sobrang haba, tsaka ayy teka nga lang muna, lumalayo na tayo sa usapan ee. Ahh, nga pala, wag kayong magtataka dahil ako po ay BIPOLAR na tao, kaya pa-iba-iba yung mode ko. Sya nga pala birthday ko na sa december 25 gift ko ah?? Ilang araw nalang mag e-eighteen na ako, at sa bata kong edad na 'to, may nakalaan na kaagad sa aking lalaki. Sa madaling salita, may fiancee na ako. At speaking of fiancee,...

"BABE!"

wait, sino yang kasama nya?? Familiar sya, parang sya yung babae sa airport.. Tama nga ako! Sya yun! Wait, magkakilala sila?

Hmmm, sundan ko kaya.

Sinundan ko sila kahit saan, at sa kasusunod ko, may napapansin na ako kay babe. Panay ang titig nya sa babaeng kasama nya. Sabagay, sino ba naman kasi ang di mapatitig sa mala dyosang kagandahan ng babaeng yan. Head turner talaga sya, kasi ultimo sa paglalakad nya, poise na poise parang rumampa sa miss universe. Tapos sobrang kinis pa nya. At bagay rin sa kanya yung glasses nya, mas lalo tuloy syang gumanda. Pero di naman ganun kagandahan o kabongga yung damit nya, pero magaling lang talaga syang magdala ng damit, pang model ang dating. Ang sexy sexy rin nya. Mukhang matotomboy ako nito.

Naiinggit tuloy ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya, naalala ko kasi yung childhood friend ko. Kailan kaya kami ulit magkikita nun. Ganun rin kasi sya kahit bata pa, tini-train ng mamu nya palagi. Yung mamu naman talaga ang laging nagbihis sa kanya nun. Namimiss ko na tuloy si Alyssa, yung childhood friend ko. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Alyssa noon, kasi magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Hayyy namimiss ko na tuloy sya. :((

Nagulat nalang ako sa kasunod na ginawa ni Babe, hinila nya kasi ang kamay ni magandang babae, tapos isinandal ito sa pader at hinalikan sya sa LIPS pa!. Teka lang ah, yung phone ko. Para may pang-aasar na ako sa babe ko. Hahaha! Humanda ka talaga sa akin. Di ako nagseselos dahil wala akong karapatan magselos, dahil alam kong ganyan na sya. Wait, asan na ba yung phone ko?? Aha ito na pa--- *BAAAAAMMM*

uwaaa!! Yung iPhone5 koo!! :'((

langya 'tong hinayupak na lalaking 'to! Kainish!

"IKAW!?"

lahat kami nagkatinginan sa isa't isa. Ee kasi naman, nagkasabay kaming apat sa pagsigaw!

Ilang segundo rin ang titigan namin. Hanggang sa ...

"BESTFRIEND?!"

------------------------------------

oy oy! Hahaha!! Anong kaganapan yun??

Ganun ang peg nila!

O sha'2 comment kayo sa mga reactions nyo! Negative o positive tatanggapin ko! Ehehehe!!! Bawal KJ! Dapat magsalita na kayong mga silent dyan! Wag yung basa lang kayo ng basa, paalamin nyo naman ako sa mga reactions nyo, para malaman ko kung dapat ko pa bang ituloy 'to. Ehehehe!!

Xoxo~

monokuro boo

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Where stories live. Discover now