c. FORTY FIVE

176 2 0
                                    

Trystan's Point of View

Hindi ko alam kung bakit feeling ko dapat ko ng itigil ang panliligaw kay Ana.

Hindi naman sa hindi ko sya mahal. Pero kasi, nadidistract ako sa tuwing nakakapa ko yung keychain sa bulsa ko.

Ayaw ko namang itapon to, para kasing, importante ito.

Parang may nagsasabi sa aking, huwag ko na raw ituloy kasi makikita ko rin naman daw ang nagmamay-ari nito.

Pero may side din sa akin na ituloy lang.

Haaay, naguguluhan ako ngayon.

Bakit ngayon pa?

Bakit hindi ko naman ito naramdaman noon nung nag-aasaran pa kami ni Ana?

Nung mga panahong, ako pa yung laging inaasar nya?

Mali ba talagang mahalin si Ana?

Ang babaw ko, isang keychain lang yun. Pero kasi, dito ako nag kakaroon ng pag-asa na makikita ko rin yung first love ko.

Haay, ang babaw ko nga.

Paano ko naman makikita ang isang taong kahit kailanman hindi nag-e-exist sa totoong buhay?

Sana hindi ka nalang magpapakita 'IamMonokurooBoo'

**

Nababadtrip talaga ako. Parang ang kulang ng araw ko.

Hindi ko kasi makikita si Ana ko.

Grounded daw sya isang buwan, bakit kaya?

Hindi ko nalang sya tinanung, para saan pa't sasabihin din naman nya ang rason.

Nawei-weirduhan din ako kay monkey. Madalang na kasi sya magpapakita dito sa condo ko.

Hindi na din nya ako kinukulit lagi. Pag tinanung ko naman sya, ito lang sasabihin nya . . .

"Oh, namimiss mo na ako nyan? Ikaw ha, baka sa susunod aamin ka na sa aking mahal mo na ako."

kaya hindi ko nalang sya kinulit pa.

Ang kapal din kasi ng mukha nyang sabihin sa akin yun di ba?

Kasing kapal ng mukha ni Ana ko. Pero noon yun. Ngayon kasi, di na sya nang-aasar, madaldal na sya. At laging tumatawa pag nagjo-joke ako. Kahit mababaw. Baliw na siguro yung isang 'yun.

"Oh, anong itsura yan unggoy?"

napaangat ang tingin ko sa may pintuan. Si Monkey pala, kadadating lang. Saan nga ba 'to galing?

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang