c. FORTY FOUR

137 3 0
                                    

Vanyce's Point of View

Everything is PERFECT!

Nililigawan na ako ni Trystan, three weeks na din ang lumipas.

Pero still, di ko pa rin sya sinagot. Dahil, pakipot nga kasi muna ako!

Aaminin ko. Sa lahat ng pinaggagawa nya, lalo lang akong nahulog sa kanya.

Araw-araw nya akong binigyan ng bulaklak.

Haharanahin din ako sa tuwing uwian.

At lagi rin kaming lumalabas sa tuwing gabi.

Yung gabing lagi akong pupunta sa bar. Sa ibang lugar kami pupunta.

Kunting push pa, sasagutin ko na 'tong isang 'to.

Until one night, pagdating ko sa bahay galing sa date namin ni Tan.

*SLAP!*

isang malutong na sampal ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung sino ang gumawa dun kasi madilim ang paligid.

Biglang lumiwanag ang kabuuan ng sala.

At nanlaki na lamang ang mga mata ko sa nakita.

"M-mom?"

tawag ko kay mommy na nasa harapan ko. Siya ang sumampal sa akin.

Naka-upo lang si daddy sa mahabang couch. Samantalang si mamu naman umiinom ng kape sa kabila.

"Kailan ka pa natutong lumabas ng bahay ng walang paalam at des oras na ng gabie ha!? Tapos madaling araw ka pa uuwi! Halika dito! Umupo ka! Upo!"

sa tanang buhay ko, ngayon lang ako sinigawan ni mommy ng ganito. Tumulo tuloy ang luha ko.

"Hon! Kausapin mo nga yang anak mo!"

sabi nya kay daddy. Lumingon naman si daddy sa gawi ko. At swear! Nanlamig ata ako! Ang cold ng tingin nya sa akin!

"I'm very disappointed on you Anasthasiah. Hindi ka namin pinalaki ng ganyan. Wag mong idahilan ang palaging wala namin dito. Dahil alam mo namang para sa kinabukasan din ninyo 'to. At nandito naman si mamu para bantayan kayo."

sabi ni daddy na ngayo'y nagbabasa na ng dyaryo. Hindi man lang nya ako tiningnan.

"Bakit di mo nalang gayahin si Vanyce? Mabait na bata. Masunurin. At higit sa lahat, hindi lakwatsera."

saad din ni mommy. Lihim akong napapangiti sa sinabi nya. Pero nung maalala kong nahihirapan din pala ako sa buhay ko. Biglang napawi ang ngiti ko ng palihim.

Parang anytime, sasabog ata ako sa harapan nila. Nagawa nila akong pasunurin sa lahat na hindi man lang inisip ang naramdaman ko. Wala akong kalayaan noon. Naikuyom ko nalang ang mga kamay ko.

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Where stories live. Discover now