"Ma may problema ba?" Tanong ko, when suddenly she stopped talking.

"M-May bisita lang anak. Sige tawagan nalang kita mamaya."

Nakaramdam naman ulit ako ng kaba. Kaya imbes na lumabas na ako ng ospital para hanapin si Zyrone ay balak kong pumunta sa kwarto ni Kyara.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa axiety na baka may pumasok na armadong lalaki sa kwarto na kinalalagyan ng anak ko at tinutukan si Mama ng baril kaya pinutol niya agad ang tawag, tapos pagkatapos ay si Kyara naman ngayon ang kukunin. Hindi ako mapakali kaya binilisan ko nalang ang lakad papasok sa room ng anak ko.

Good thing dahil may mga bagong damit akong nakita sa sofa ng kwartong kinalalagyan ko kanina kaya agad muna akong nagpalit at iyon ang sinuot ko. Dahil kung hindi ay baka nerbyosin na lalo ang Mama ko dahil pati ako ay naka-hospital gown din. Base kasi sa mga kwento nila kanina ay wala silang alam na pati ako ay naisugod sa ospital kaninang madaling araw.

I and Kyara were in the same hospital kaya agad akong nakarating sa kwarto ng anak ko.

Pero ikinatigil ko iyon sa paglapit sa kanya when I saw Zyrone carrying Kyara habang ang anak ko naman ay nakayakap sa leeg ni Zy, at nakasiksik ang ulo nito sa leeg ng Daddy niya.

I'm like a crazy woman who's smiling and crying at the same time.

Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. It's possible by now that Kyara knows Zyrone as his father na ilang taon din nilang tinatanong sa akin at hinihintay siyang umuwi galing ibang bansa dahil iyon ang sabi ko.

I felt like I was a horrible mother for hurting my twins for making them wait this long and as well as their father. Na puro kasungalingan nalang ang lumalabas sa bibig ko kapag nagtatanong sila about sa Daddy nila.

Maluha-luha akong tumingin kay mama. Tumango lang siya sa akin at wala namang sinabi.

Kyara looked at me at ngumiti. "Mama!" She excitedly said, lumingon naman sa akin si Zyrone at madilim ang kanyang tingin, pinasadahan niya pa ako mula ulo hanggang paa, maybe shock din dahil nakapunta ako rito kahit na nasa kwarto ko lang ako kanina. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya at lumapit sa kinaroroonan nila.

Kyara immediately lift her hands para kargahin ko siya. And I did. Nasa sa akin pa rin ang malalamig na titig ni Zyrone. Gusto niya siguro akong pagalitan kasi bakit ako nandito ngayon pero hindi niya magawa sa harap ni Kyara.

"How are you baby?" I whispered. Napalitan na ang oxygen mask niya ng isang nasal cannula kaya nakakapagsalita siya ng malinaw at maayos.

"I miss you," she answered.

"I know and I miss you too, baby Kyara. Magaling ka na ba?" I asked. Tumango-tango siya. Pero kahit na sabihin niyang magaling na siya ay kailangan niya pa ring mag stay for days para maging okay na talaga siya. Hindi pa naman sinabi ni Mama sa akin kung kailan siya pwede ng makauwi, baka kasi hindi pa tapos ang treatment niya.

"Thank you," she said habang nakangiti.

"Para saan?" I kissed her cheek.

"Kasi nandito na si Daddy!" Parehas kaming lumingon kay Zyrone. "Diba Daddy hindi ka na ulit pupunta sa malayong lugar at iiwan kami?" Tanong niya.

Tumungo ulit ako nang saglit siyang tumingin sa akin ng madilim at agad ding iniwas at pinukol ang tingin kay Kyara and his expression shifted immediately. Masaya siya na malungkot na naiiyak. Madami madaming emotion ang nakikita ko sa mukha niya, lalo na sa mga mata niya.

"I won't go anywhere. Daddy won't leave you and Akira," he smiled at Kyara.

"Promise?" Kyara asked.

"Promise."

"I love you Daddy!" She screamed. At nang tumingin ako kay Zyrone ay may namumuong luha sa mga mata niya.

And once again my heart breaks because of this scene. Masyado ko siyang nasaktan dahil sa pagtatago ko sa mga anak ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na he'll show love for them, ikinatatakot ko rin na baka itanggi niya silang hindi niya sila anak pero kabaliktaran ang nangyari. He accepted them. He loves them in an instant.

"I love you too baby," he whispered, his lips trembling. He tried not to cry in front of Kyara. "I'm sorry dahil matagal bago ko kayo nakasama. Daddy is so sorry but I promise that from now on, hinding hindi na kayo malalayo sa akin," he held Kyara's head and kissed it. Kahit ako ay naiyak sa sinabi niya. Isinandal ko nalang ang ulo ko sa braso ni Kyara at niyakap siya ng mahigpit.

Would he still want to be with me after what I've done? O ang mga anak ko lang ang gusto niyang makasama kasi hindi niya na ako kayang patawarin dahil sa ginawa ko?

Makakaya ko ba?

How can I let them go if I love them so much?

Hindi ba pwedeng we'll start anew? Hindi ba pwedeng kami at ang mga bata nalang ang magsama pagkatapos ng lahat? Would he even forgive me and love me like he used to before? Kasi kung ako ang tatanungin gustong gusto kong bumalik kami ni Zyrone sa dati, now that we have twins. Kung pwede lang sana.

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now