Chapter 53

497 12 2
                                    

Chapter 53- Revelations

Bumalik na kami ni Jaxrille sa loob. Sobrang saya ko na hanggang ngayon, kasama ko pa din sya. Yung lalaking nag- papasaya sa akin. Yung lalaking palaging nasa tabi ko.

Pumunta ako kayla Heidi. Lahat sila masaya na din. Si Ken at Heidi, Si Jason at Des,si Hades at Kate at higit sa lahat sila Kite at Freya. Matapos ng madaming pag- subok na dumaan sa buhay nila, andyan pa din sila. Stay strong.

"Asan si Shido?" Tanong ko tapos parang nag- hanap din sila kung nasaan nga si Shido.

Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala wala si Shido. Gusto kong mag- tampo sa kanya kasi birthday ko tapos wala sya. Hmpp. Gusto ko nang maiyak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maging malungkot dahil wala sya eh.

"Hey, babymhe, bakit parang ang lungkot mo?" Napansin agad ni Jaxrille ang pag- babago ng mood ko.

"Wala kasi si Shido eh" sabi ko sa kanya tapos nakita ko na parang umasim yung mukha nya. Parang nag- seselos naman sya. Sus, ano pang aasahan ko dyan, lagi naman yan seloso eh. Pero kahit pa, mahal ko pa din ang mokong na yan.

"Tsk" napangiti ako. Kahit kailan talaga ang lalaking ito.

"Selos ka na naman?" Sabi ko sa kanya at sumimangot lang sya.

"Paano naman kasi, hinahanap mo na naman yang Shido na yan" sabi nya tapos nag- cross arm pa.

"Diba, sinabi ko naman sayo na mahal kit. Kaya bakit ka pa mag- seselos sa kanya?" Sabi ko sa kanya tapos niyakap ko yung braso nya. Napatingin naman sya sa akin. Hindi mo naman ako matitiis.

Napangiti naman sya. Tingnan nyo, marupok din ang babydhe ko. Hahaha. May paselos selos pa hindi naman pala nya ako kayang tiisin. Ako din naman eh, hindi ko din syang kayang tiisin.

"Kung hindi lang kita mahal eh" sabi nya tapos niyakap ako sa harap ng mga kaibigan namin.

"Ang daming langgam, aray kinagat ako" sabi naman ni Heidi tapos nag- acting pa sya na parang kinakagat nga sya ng langgam. Natawa naman kami.

"Nakakatakot pala mainlove." Sabi ni Hades tapos nakatanggap lang sya ng isang masamang tingin kay Kate "At the same time, masaya din" bawi ni Hades sa sinabi nya kanina. Mukhang takot naman sya kay Kate. Hahaha. Buti nga sa kanya.

"Si kuya naman masyadong takot" pang- aasar ni Heidi. Tapos tumawa naman kami.

"Akala ko pa naman matapang ka Hades. Kambal ko lang pala ang katapat mo" natatawang sabi naman ni Kite. "Pero seryoso ako, wag mong sasaktan si Kate" pag- babanta ni Kita kay Hades tapos sumaludo lang si Hades sa kanya.

"Patawa ka Hades" sabi ni Ken tapos tumawa ng tumawa.

"Seryoso din ako! Wag mong sasaktan yang Li'l sister ko" si Ken naman ngayon yung sumaludo. Nakakatwa silang tingnan.

"Sana all may kapatid" nag- katinginan kami ni Jax ng sabay naming sabihin yun. Tapos sabay sabay kaming natawa.

Nakakainggit din kasi sila. Ang saya siguro ng may kapatid. Hindi ko naranasan mag- karoon eh.

"Yow Yow" napatingin naman kami sa bagong dating. Halos lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Lumapit sya sa amin ng makita nya kami "Hi, Happy birthday" sabi nya sa akin tapos yayakapin nya sana ako pero hinarangan agad sya ni Jax na ikinatawa lang nya.

"Nakakahiya ka, kuya" sabi ni Freya kay Kill. Tapos sinamaan sya ng tingin ni Freya.

"Ano pa bang aasahan mo dyan?" Parinig naman ni Kite kay Kill.

"Hoy! Narinig ko yung pag- babanta mo dyan ka Hades" sabi naman ni Kill. Mukhang alam ko na kung saan patutungo ang usapang ito.

"Ano naman ngayon" sabi ni Kite tapos uminom ng wine.

"Anong ano naman ngayon! Binabantaan din kita na Wag mong sasaktan yang kapatid ko" sabi ni Kill kay Kite at natahimik naman si Kite. Mukhang narealize nya na may karapatan nga si Kill na pag- bantaan sya kagaya ng pag- babanta nya kay Hades.

"Alam nyo, pare prehas lang tayo ditong gustong protektahan ang mga kapatid natin" sabi ni Kill tapos ngumiti naman sya. Dati gusto nya akong patayin tapoz ngayon naman naging kaibigan namin sya. Iba din talaga mag- laro ang tadhana eh.

"Dyan na nga kayo, hahanap pa ako ng partner ko" sabi nya tapos umalis na din. Natawa naman kami habang napapailing.

Bigla na lang tumigil yung tugtog ng biglang may pumasok na tao mula sa pintuan. Lahat ay natahimik sa pag- pasok nya. Parang may kakaiba sa kanya. Parang ibang tao ang kaharap ko.

"Shido" banggit ko sa pangalan nya at napatingin naman sya sa akin. Lumapit sya sa akin tapos ngumiti.

"Happy birthday, my princess" sabi nya tapos hinalikan ako sa noo. Medyo nagulat pa nga ako ng gawin nya yun.

Naramdaman ko naman na gumalaw si Jax sa tabi ko kaya agad ko syang hinawakan. Alam ko naman na mag- seselos sya dahil dun pero kailangan ko syang pigilan.

Umalis na si Shido at nag- tataka ko syang tingnan ng mag- lakad sya papunta kay Dad.

Napatingin ako kay Dad ng makita na nang- lalaki ang mata nya. Parang hindi sya makapaniwala na nasa harapan nya si Shido. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan eh. Kung mag- tinginan sila ni Dad parang matagal na silang mag- kakilala.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Dad pero imbes na sumagot ay sumilay ang ngisi sa mga labi ni Shido.

Nakapamulsa syang lumapit kay Dad.

"Hindi mo ba ako babatiin, King Nathan?" Tanong ni Shido kaya lalo lang akong nag- taka. Teka? Ano bang nangyayari? Gumugulo na isip ko sa mga nakikita at naririnig ko.

"At sino ka para batiin ko?" Sabi naman sa kanya ni Dad. Mukhang galit na si Dad "My daughter is the only one who celebrating her birthday today" sabi ni Dad tapos tumingin sa akin si Shido. Ngumiti muna sya akin bago ulit nilingon si Dad.

"For many years, kailan mo ba ako kinilala?" Parang nanghuhusga na tanong sa kanya ni Shido. Kahit si Mom ay halatang naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ano bang pinag- sasabi mo?" Inis na tanong sa kanya ni Dad.

"Tinago mo ako sa loob ng mahabang panahon, ngayon na nag- balik na ako, hindi mo pa din ako maituring na anak mo? Nakakalungkot naman, birthday pa naman namin ng kambal ko" dun parang gumuho ang mundo ko. Is this true? Kambal ko sya? Si Shido, kambal ko?

This can't be.......




*************************
A/n: Sorry po sa pagiging lame ng story ko.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now