Chapter 37 (Special Chapter)

579 18 1
                                    

Kate is on the media

**********
Chapter 37- (Special Chapter)  Promises To Fulfill

Kate's Pov

Nakaupo pa din ako dito sa may table namin. Medyo nabobored nga ako kasi naman. Ano bang special dito? Awarding lang tapos nakakainis pa kasi nakikita ko yung barbie na yun.

"Can we talk?" Napatingin ako sa nagsalita. It was Hades.

"Sure!" Sabi ko na lang. Kaysa naman maiwan ako dito. Ang boring kaya.

Hahawakan ko sana yung kamay nya pero naglakad lang sya. Tsk! Asshole. Sumunod lamg ako sa kanya. Papunta pala kaming veranda.

Medyo malamig din. Pero sanay naman ako. Ice kasi kapangyarihan ko eh.

"Had a crush on Aeros?" Panimula nya at tumaas naman yung kilay ko. Sabi na nga ba.

"For all this years, you still into me" sabi ko at tumawa. Nakita ko naman na nanahimik sya. It supposed to be a joke but I think its serious.

"Yes! How about you?" Buong loob na tanong nya. Ako naman ngayon ang nanahimik. How about me? Did I still into him? Hindi ko din alam eh.

Habang iniisip ang kasagutan sa tanong nya ay unti unting bumalik sa akin ang nakaraan.

FLASHBACK

Day passed at lalo kaming naging close ni Hades.

Hanggang sa maging high school na kamk at lagi kaming nagkikita.

Nanligaw na din sya sa akin.

"Kailan mo ba ako sasagutin?" Natatawa ako sa itsura nya. Ang cute nya.

"Gusto mo ngayon din"  sabi ko at naestatwa sya.

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong nya tapos ngumiti. Tumango lang ako syaka nya ako niyakap. "I promised you na hindi kita sasaktan."

14 years old lang ako pero may gwapo na agad akong boyfriend. Hahahaa.

"Secret muna ha!" Sabi ko at tumango lang sya. Baka kasi magalit si Kite sa akin. Ayaw nya kasing mag boboyfriend muna ako.

Dumaan ang ilang buwan at nanatiling sekreto ang relasyon namin. Hangang sa napag-isipan naman na sabihin na sa mga kaibigan namin.

Akala ko hindi nila kami tatanggapin pero tinanggap nila kami. Tapos si Kite naman ay nagtampo lang. Gusto nya kasi ay sya yung unang makakaalam pero bakit daw sabay sabay nilang nalaman?

****
7th monthsary na namin tapos may dala akong cake. Isusurprised ko sya eh.

Pagliko ko ng pasilyo ay nakita ko syang may kahalikan na babae. Ang sakit.

Nakita nya ako tapos bigla nyang itinulak yung babae. Nabitawan ko yung cake tapos umalis sa lugar na yun. I hate it. Mahal ko pa din sya kahit na sinaktan nya ako.

Nakipag-break na din ako sa kanya. Ayaw ko na! Gusto nyang magpaliwanag pero hindi ko sya hinayaan. Para saan pa?

Hindi ko sinabi sa iba na yun ang dahilan ng pakikipag break ko. Hindi nila alam. Wala silang alam.

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam na may tumutulo na pa lang luha mula sa mga mata ko.

Pinahid ko ito tapos nagbitaw ng isang napakalalim na buntong hininga.

"I gotta go" sabi ko at nagsimula ng maglakad papasok sa loob pero hinawakan nya ying wrist ko.

"Wait lang" sabi nya at parang may sasabihin sya. Ayan na naman! Yung puso ko.

"Ano pa bang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. He is my first boyfriend and my first heart break.

"I need to explain" sabi nya. Ayan na naman sya sa explanation nya.

"No need! Manhid naman na ako. Imagine. Lahat ng naging boyfriend ko niloko ako. Mas malala nga lang yung sayo, first heartbreak kita eh" sabi ko at pinunasan ang mga luhang umaagos. Kailan kaya ako mauubusan ng luha?

"Afril" napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Pinagmamalaki mo pa talaga sya ha? Afril was your first kiss right?" sabi ko at lalo lang umagos ang luha ko. Ayaw ko nang umiyak. Hindi naman kasi ako iyakin eh. Pero dahil sa lalaking ito ay naging iyakin ako.

"Afril had a mental disorder!  Bipolar sya. Kinakapatid ko din sya. Her mother died at hinabilin sya sa akin ng mama nya bago ito namatay. I know that she had a feelings for me. Pero hindi ko kayang suklian yun dahil ikaw yung gusto ko. That day na nakita mo kaming nag kiss. It was a mistake. Sabi nya, she will comitted a suicide if I did'nt kiss her. Sya ang nag first move. Natakot ako! Hinabilin sya ng mama nya. Natakot ako na hindi ko matupad yung pangako ko. You know how much I hate breaking promises"

Lalo lang akong naiyak sa huli nyang sinabi?

"You hate breaking promises? But you don't even know that you did break your promise to me" sabi ko at lalo lang akong naiiyak. "You fullfil your promise to others but you break your promise to me" sabi ko pa kaya lalo akong naiyak "Now tell me, how much do you hate breaking promises?" Sabi ko at unti unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa wrist ko. Nakita ko na umiiyak na din sya and it breaks my heart. Again.

"I'm sorry! Please forgive me"  nakita ko syang lumuhod sa harapan ko. Napatingala ako dahil ayaw ko syang makita na mag makaawa. "Sorry for breaking my promise" sabi nya at nag mamakaawa na talaga sya. Ayaw ko na!

"Your sorry does'nt change anything" sabi ko at umiyak ng umiyak sya sa harapan ko. Seeing him crying and begging breaks my heart.

"I know! But ~

"Stop it!" Sabi ko at pinipilt syang bumitaw sa akin. Bumitaw? Matagal na nga pala kaming bumitaw sa isa't isa. "Please Hades! Get off" sabi ko at lalo lang akong napahagulgol sa iyak.

"Forgive me! Mahal mo pa ako diba?" Natahimik ako sa tanong nya. Oo mahal ko pa sya. Pero ano bang magagawa ko! Pero hindi na ako babalik sa kanya . He breaks my heart once and once is  enough.

"Yes! I love you" sabi ko at napatingin sya sa akin "Pero hindi na ako masaya. Ayaw ko na! Hindi na saya ang nararamdaman ko. Alam mo kung ano? Takot. Takot ako na maulit lang yung dati" sabi ko at lumuhod din sa may harapan nya. Hinawaka ko ang mukha nya at nanginginig pa ako habang ginagawa ito. "Hades! Ang pagmamahal ay hindi nabubuo dahil sa mahal natin ang isa't isa. Kailangan masaya din tayo at yun ang hindi ko maramdaman" sabi ko at nakatingin lang sya sa akin "I'm sorry" yun na lang ang sinabi ko.

Ilang segundo din syang tahimik hanggang sa mag salita na sya.

"Can I atleast make it up to you?" Sabi nya at pinunsan ang luha nya.

"Do whatever you want, but I can't promise you that I can love you once more" sabi ko at parang binibiyak ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now