☪ ɦ α ℘ Շ ℯ ℛ 4

951 29 0
                                    

Chapter 4- My Bodyguard?

Scarlet's Pov

Nakatingin pa din ako sa lalaking nakatayo sa unahan at magsisimula ng magpakilala.

Teka! Paano nya nalaman?????

Muling bumalik sa reyalidad ng magsalita na sa unahan ang lalaking-di ko naman talaga kilala-

Anong silbi ng ginagawa nyo ngayon kung hindi mo pa rin sya makikilala?. Pang babara ng inner voice ko.

"He-" di pa nya natatapos ang sasabihin nya ng magtilian agad ang ang mga babae dito na agad nyang tiningnan ng masama kaya tumigil ang mga ito "Hello everyone, As you all know me- except to miss Flores!!" Ewan ko kung talagang may alam sya dahil inemphasized pa talaga nya yung fake Surname ko "I'm Prince Jaxrille Klein Pendleton, only son of queen Aimme and King Kaede" Teka yun lang ang pakilala nya??? Buwesit Prinsepe pala ang isang ito!!! Kaya pala napakasama ng ugali eh!!! Akala mo kung sinong gwapo- oo gwapo sya- pero napakasama talaga ng ugali eh!!!!!

Nagpakilala pa ang iba hanggang sa Matapos na ang first class namin kaya pumunta muna ako sa cafeteria para kumain.

Buti na lang at maaga akong nakapunta dito dahil mukhang wala pang pila. Matapos kung umorder ay bigla na lang may umupo sa harapan ko. Tiningnan ko kung sino yun at nakita ko ang isa sa mga kaklase ko na si Kianna.

"H-hi" ramdam ko ang pagkailang at pagkahiya ng batiin nya ako. Isang matipid na ngiti lang ang binigay ko sa kanya "Ah A-ano...May gusto sana akong itanong!" Napatingin ako nung sabihin nya yun

"Ayos lang sa akin, ano ba yun?" Pagbibigay ko ng permiso sa tanong nya

"Gusto ko sanang malaman kung interesado kang sumali sa school committee?" Tanong nya at naisip ko saglit na masaya sigurong sumali dun "Kailangan kasi ng may representative ang mga bawat antas ng estudyante at naisip namin na ikaw na lang ang isali para sa mga Servant" nakita nya siguro ang pag-aalinlangan ko na sumali kaya mabilis ulit syang nag-salita "Wag kang mag-alala nandun naman ako! Ako kasi ang representative ng Duke" base na rin sa suot nya ay isa nga syang Duke, ang pangalawa sa mataas ng antas.

"Si-sige" sagot ko at agad kuminang ang Mata nya sa sobrang tuwa

"By the way I'm Kianna Alexine Perez" natutuwa ako sa kanya dahil sya unang estudyante dito na nakipag-usap sa akin "Can we be friends?" Tango lang ang isinagot ko sa kanya

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now