Chapter 42

533 17 0
                                    

Chapter 42- Meet the Princess

Scarlet Pov

Nakatulala pa din ako sa lugar kung saan nawala si Freya. Hindi ako galit sa kanya dahil lang sa isa syang dark wizard. Nag-aalala pa nga ako sa kanya eh. Gusto ko syang tulungan pero anong magagawa ko?

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Jax. Tapos napatingin ako kay Kianna. She's crying.

"Mahal na prinsesa! Prinsesa! Nasan ka na po?" Nagiiyak na si Kianna dun sa may field. Napaluhod pa sya habang umiiyak. Naisipan ko sya na lapitan.

"Kianna" tawag ko sa kanya at niyakap naman nya ako. I hugged her back too. Tapos hinagod ang likod nya.

"Tulungan nyo sya! Iligtas nyo sya!" Nagmamakaawa na sya sa amin. Nakita ko na nandito na din ang mga royals. Nakita ko si Ash na galit na galit. Alam ko naman na may something sa kanila ni Freya eh.

******
Isang araw na ang nakalipas mula noong nangyari yun. Nalaman na din ng ama't ina ko ang nangyari pero katulad ng inaasahan ko ay alam ko naman hindi pupunta si Ama. Ngayon na nila ako, officially na ipapakilala.

Sa wakas ay nakarating na din kami ni Jax dito sa gymnasium. Halos nga lahat ng estudyante ay narito. Ang mga namatay naman ay binigyan ng maayos na libing.

Umupo na kami dito sa may harapan. Katabi ko si Jax at nandito na din ang ibang royals. Hinihintay na lang nila ang Ina ko. Nakasuot na din ako ng pang royals na damit. Madami ngang nag sasabi na bagay daw sa akin.

"Ladies and Gentlemen! Please welcome! The Queen of Alchemia, Queen Sasha Stanford." Napuno ng palakpakan ang buong hall. Medyo kinakabahan pa nga ako eh. Pagkatapos kong ipakilala ay sisimulan na namin ang plano para mailigtas si Freya. Ang ilang estudyante ay galit sa kanya at ang ilan naman ay nag-aalala. Gusto ko sanang sabihan yung may mga galit kay Freya eh. Hindi naman kasi nya kasalanan yun eh.

Nakita ko na pumunta sa may unahan si Mama. Napatingin pa sya sa gawi ko tapos ngumiti.

"Madami sigurong nagtataka dito hanggang ngayon at hindi pa din makapaniwala! Hindi ko naman kayo masisisi eh." Sabi ni mama at ngumiti. "Wala naman sigurong nang-away sa anak ko diba?" Sabi pa ni mama tapos napatingin naman ako sa katabi ko. Ito pong katabi ko. Hahaha. Joke. "By the way! Para matapos na ito! Please welcome my Daughter, The mysterious Princess of Alchemia! Princess Natasha Scarlet Stanford" umakyat ako sa taas. Nakita ko pa si Jax na ngumiti sa akin. Pagka-akyat ko ay bigla na lang akong niyakap ni mama.

Mahigit isang oras din ang tinagal ng event. Kasalukuyan kong kasama ngayon si Mama dito sa bago kong kwarto. Bawal na daw kasi akong maging servant.

Nagkwekwentuhan kami ng bigla na lang may kumatok. Alam ko naman na si Jax yan! Sabi nya kasi ay ipapaalam na nya kay mama yung tungkol sa amin.

"Ma! Buksan ko lang" sabi ko at tama nga ako. Nakita ko sya na parang kinakabahan.

"Wag kang kabahan! Mabait si Mama" sabi ko at ngumiti ako. Tumango lang sya at sumunod na sa akin.

"Ma! May sasabihin po kami!' Sabi ko at naramdaman ko na hinawakan nya yung kamay ko. Gusto ko sana syang tawanan kasi ang lamig nang kamay nya eh.

"Gusto lang po namin na sabihin na~

"Welcome to the family iho!" Napakunot naman ang noo ko ng sabihin iyo ni mama. Hindi na kasi nya pintapos sa pagsasalita si Jax.

"Po?" Tanong ni Jax habang yakap yakap sya ni mama. Ang epic ng itsura nya.

"Alam ko naman na kayo na eh! Halata kayo kanina" sabi ni mama tapos nag taas baba pa yung kilay nya. Si mama talaga.

"G-ganun po ba?" Nahihiyang tanong ni Jax! Wahhh. Namumula ba sya? Ang cute ng baby dhe ko.

"Pero Ma! May problema po" napatingin naman silang dalawa sa akin tapos hinihintay nila yung sasabihin ko "Paano po si papa?" Tanong ko at napasimangot naman si mama.

"Wag kang mag-alala dun! Ako na bahala dun" sabi ni mama at ngumiti. "Takot naman yun sa akin" dugsong pa nya tapos tumawa ulit

"Talaga po?" Tanong ko sa kanya at tumango lang sya. Niyakap nya ako at niyakap ko din sya.

"Ikaw ha! Wag mong sasaktan ito" sabi ni mama kay Jax at tumango lang si Jax. Niyakap sya ni mama.

Pagkatapos ng yakapan moment ay umalis na din si mama. May aasikasuhin pa sya sa palasyo eh. Naalala ko na malapit na pala ang debut ko. Sa Saturday na yun! Gusto kong sa debut ko ay nandun si Freya. Naging malapit na din kasi sya sa akin eh.

"Paano ba yan! Legal na tayo" rinig kong sabi ni Jax. Nakaupo na sya sa sofa. Ang ganda nga ng kwarto ko eh. Pink and White but more on sa white ang kulay.

"Dito ka na talaga, titira?" Medyo may lungkot na sabi ni Jax. Kasing laki lang ito ng kwarto ni Jax. Kami nga lang dalawa yung nasa floor na ito eh. Isang wall lang naman pagitan namin.

"Kasama ko naman si Dhalia" sabi ko sa kanya at nag pout sya. Servant ko na ulit si Dhalia. Tapos si Jax naman ay servant nya ay lalaki na. Ayaw daw nya ng babae baka daw.pag-selosan ko. Eh sya nga yung seloso sa aming dalawa eh.

"Ano pangalan ng servant mo?" Tanong ko sa kanya. Ang pogi din kasi. Naisip ko lang na baka, pwede silang dalawa ni Dhalia. Gusto ko lang kasing maranasan ni Dhalia na may makasama man lang iba. Hindi yung puro ako na lang.

"Dylan! Bakit, nagwagwapuhan ka ba sa kanya?" Dudang tanong nya. Wahh. Mapag-tripan nga ang mokong na ito.

"Oo eh! Ang pogi nya" sabi ko at tama nga ako maiinis sya. Hindi na naman nya ako pinansin. "Uy! Hindi ko naman sya gusto. Baka pwede lang na ireto ko sya kay Dhalia" napatingin naman sya sa akin. Yey. Pinansin na nya ako. Wahh. I'm so happy na!

"Tara! I ship natin sila" tingnan mo itong isang ito! Kanina galit tapos ngayon, parang batang tuwang tuwa.

"Siguraduhin mo lang na good boy yung servant mo" sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya.

Magkwentuhan na lang kami dito ni Baby dhe. Hapon na nga sya bumalik sa kwarto nya eh. Excuse kasi kami dahil kailangan namin mag pahinga. Bukas na kasi namin kukuhain si Freya. Alam.namin na mahirap pero kakayanin namin.

Naawa na din kasi kami kay Kianna. Hindi na yun nakakakain ng maayos dahil sa pag-aalal kay Freya. Tapos si Kita naman ay ilang araw na ding walang tulog.

Nasabi na din nya sa amin na naging sila. Hindi ko naman alam na nag break din sila eh.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora