☪ ɦ α ℘ Շ ℯ ℛ 29

565 16 0
                                    

************
Chapter 28- Past

Scarlet Pov

Ayun na nga, hila hila pa din nila ako. Hindi ko alam kung bakit o kung saan nila ako dadalhin.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ko at tumigil sila. Nakatingin lang sila sa akin.

"Chaisey! Nilayo ka lang namin!" sabi ni Heidi at napakunot naman yung noo ko.

"Ilayo? Saan?" takang tanong ko sa kanila. Siguro may sakit itong mga Royals, pati ako dinadamay sa mga kalokohan nila.

"Saan pa? Edi sa bitch!" si Kate at halata ang inis sa mukha nya. Napakunot lalo ang noo ko sa mga sinasabi nya.

"Sino?" takang tanong ko sa kanila at tiningnan nila ako ng parang di makapaniwala.  "Sino nga?" pag-uulit ko sa tanong ko sa kanila.

"Si Krisha!" sabay sabay nilang sigaw. Halos liparin na ako sa lakas ng sigaw nila.

"Krisha is a good girl" sabi ko sa kanila at ngumti. Alam ko na medyo may pagka fake sya kanina at sarcastic pero baka natural lang talaga sa kanya.

"Good girl my ass!" rinig kong sabi ni Kate habang naka cross arm at umisnab pa.

Bigla naman akong hinawakan ni Heidi sa magkabilang balikat ko.

"Chaisey, makinig ka sa akin!Iwasan mo si Krisha! Maybe mabait sya sayo dahil nandun si Jax. Pero kasi, ayaw lang namin na maranasan mo yung ginawa nya sa amin dati" unti unting lumungkot yung mukha nya, gusto ko sanang tanungin kung anong nangyari pero mukhang hindi ito ang tamang panahon.

"Sige, iiwasan ko na lang sya!" sabi ko at ngumiti naman sila. Niyakap ako ni Des at Heidi tapos bigla na lang nila hinila si Kate. Nakita ko naman si Freya na nasa gilid lang at nakangiti. Hinila din sya ni Des.

Nag stay muna kami sa pwesto na yun. Umupo kami sa may ilalim ng puno pero nakita ko yung itsura ni Kate.

"Seriously?" Di makapaniwala na tanong ni Kate. "Are we really going to sit in that thing!" Turo nya dun sa mga damo na nakapalibot sa puno. Napaisnab na lang si Des.

"Ang sarap kayang umupo dito!" Si Heidi habang nakangiti pa "Diba, Chaisey?" Sabi nya habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako pero wala na din naman shang nagawa dahil umupo na sya. Siguro napagod din.

Ang peaceful ng paligid hanggang sa marinig kong tumawa si Des. Wow! Happy?

Nakita ko na may pinapanood sya sa cellphone nya. Hindi sya matigil sa pagtawa kaya na curious na din kami.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Inis na tanong ni Kate at halatang naiingayan sya. Tiningnan namin yung pinapanood nya.

"Its so funny guys, No~ scratch that! Its hilarious" sabi nya tapos tumawa ulit.

Plinay namin yung video at nagulat kaming apat ng makita namin si Jason at isang prinsepe na hindi ko kilala. Nag-aagawan sila sa napkin. What the?

Ng matapos amg video ay hindi namin napigilan ang matawa dun sa dalawa, nagsipaan pa sila eh!!!

"Bakit may hawak silang napkin?" Tanong ni Freya na kanina pa tahimik. Hindi ko pa pala naiitanong sa kanya yung tungkol sa napapansin ko sa kanya.

"Ganto kasi yan...." Blah! Blah! Blah! Ikwenento na nga nya yung nangyari. Baliw din pala ang isang ito eh. Ang lakas ng trip. Maybe I should try it to~ teka! Wala nga pala akong manliligaw.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now