☪ ɦ α ℘ Շ ℯ ℛ 5

911 26 2
                                    

Chapter 5- Piggy Back Ride

Scarlet's Pov

11:30.

11:30 na ng gabi pero di pa din ako makatulog at naisipan kong mag-pahangin muna. Wala akong pakialam kung gabi na! Tutal sabi naman ng headmistress na safe dito kahit gabi dahil mahigpit ang security dito para walang makapasok na mga black wizard para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Nagsuot ako ng short na maong at hoodie na jacket na kulay gray na may picture ng pusa sa harapan.

Inilagay ko sa ulo ko ang hood at ang dalawang kamay ko sa bulsa ng hoodie jacket ko.

Lumabas ako ng kwarto ko at tinahak ang corridor ng girls dormitory. Lakad lang ako ng Lakad hanggang sa makarating ako sa may mini park ng school at naglakad-lakad.

Ilang minuto pa ang nakatayo dito habang nakatingin sa kalangitan ng biglang may narinig akong nag-uusap!!!

"Jax, mahal kita"

"Heidi!"

"Jax, pakinggan mo naman ako!"

Out of my curiosity ay napag-desisyunan kong tingnan kung sino ang mga ito.

And then I saw Heidi begging for Jax at ang hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

Jax and Heidi we're........

KISSING.

Nakatingin lang ako sa kanila ng biglang may naramdaman akong tumakip sa mata ko para di ko makita kung anong nangyayari pero nasa ganun pa din kaming posisyon.

Ilang saglit lang ay hinawakan nya ang wrist ko at sinimulang hilahin papunta sa kung saan!

Tiningnan ko ulit sila Jax at Heidi at nakita ko sila na nagkahiwalay na habang hawak ni Jax ang mag-kabilang pisngi ni Heidi.

Bago ko makalimutan ay naalala kong may humihila pala sa akin at Tiningnan ko kung sino yun.

Ken?

Binitawan nya ako at hinarap sa kanya at tiningnan nya ako na parang sinusuri ang mukha ko at parang may gustong alamin sa akin.

"Ken!" Tawag ko sa kanya para bumalik sya na parang galing sa isang panaginip "May problema ba?" Tanong ko at umiling lang sya bilang sagot sa akin.

"Ikaw okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nya sa akin na naging dahilan para kumunot ang noo ko

"Ako?" Sabi ko at tinuro ang sarili ko bago ulit nag-salita "Bakit naman ako di magiging okay?" Takang tanong ko sa kanya..

"D-dahil dun sa nakita mo!" Sabi nya na naging dahilan para tumawa ako

"HAHAHAHA" malakas na tawa ko at tiningnan ko ang ekspresyon nya.

Nang natigil na ako sa pagtawa ay syaka lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang kanina ko pa gustong ilabas

"Sabihin mo nga sa akin, ano bang meron dun sa nakita ko?" Sabi ko at nag-cross arm pa sa harapan nya. "Nakita ko lang naman na naghahalikan yung si Jax at si Princess Heidi, ano bang dapat kung naramdaman?" Tanong ko at hindi pa din sya nag-sasalita.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon