Chapter 30

569 13 0
                                    

Chapter 30- Jealous

Kasalukuyan na kaming nakaupo ni Freya dito sa may hall. Dito daw kasi gaganapin yung seminar eh. Parami na ng parami yung mga dumadating na tao. Medyo nahihiya na nga ako eh! Paano ba naman kasi sa tuwing papasok sila ay bigla na lang sila titingin sa gawi naman. Sino bang hindi maiilang.

Napatingin ako sa direksyon ni Freya. Nakayuko lang sya tapos parang may malalim na iniisip. Kanina pa ako nagtataka sa mga ikinikilos nya. Parang may problema sya na ewan. Kanina ko pa din gustong tanungin eh.

"Freya" tawag ko sa atensyon nya. Napatingin sya sa akin at ngumiti. Alam ko na pilit lang yung ngiti nya. "Ahmm! May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya. Alam ko naman na meron pero gusto ko lang maconfirm. Hindi ko na lang sya kinulit at hinintay na lang yung pagdating ng mga professor.

Ilang saglit lang ay nandito na lahat ng mga sasali sa seminar. Medyo marami rami din.

"Good morning, bago tayo mag start. May mga bisita pala tayo na tutulong sa akin na turuan kayo" sabi ni Sir na hindi ko alam ang pangalan. Sino kaya yung mga bisita?

Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung mga prinsepe at prinsesa. Oh my ghad! Bakit sila nandito?

"Hindi ata umattend yung iba eh" sabi ulit ni Sir habang nakatingin lang sa mga Royals. Ang nandito lang ay sila Des,Heidi,Kate, Jason,Ken, Hades,Ash,Yugo,Aeros,Kaeros,Kiyan,Jax at Krisha tapos yung isang prinsepe na nakaaway ni Jason. "Maaari ko bang maitanong kung nasan sila?" Tanong nung professor sa kanila.

"Boring daw kaya hindi na pumunta yung kapatid ko!" Sagot ni Krisha. Sa tuwing nakikita ko sya ay napapaisip ako kung masama ba talaga ugali nya? Mukha namang hindi eh! Pero mag sisinungaling ba sa akin sila Heidi?

"Same as my sister" sabi ba naman ni Kiyan at sunod sunod na sabi nila na boring daw yung mga kapatid nila kaya hindi nag punta.

"Oh sige! Start na natin ang session!" Sabi ni Sir kaya naexcite ako. May naramdaman akong nakatigtig sa akin. Nakita ko si Jax na nakatigtig sa akin pero umiwas din sya ng tingin tapos nakipag kwentuhan na sya dun kay Krisha. Napaisnab na lang ako at parang hindi ko na naririnig yung mga sinasabi ng nagtuturo. Teka! Ano bang nangyayari sa akin? Nag seselos ba ako?

"Okay! Prince Kiyan pwedeng mag Manipulate ka ng mga weapon dito" yun kang yung narinig ko mula sa professor namin! Hala! Ano ng gagawin. Hindi kasi ako nakikinig eh! Aysttt! Isang malaking katangahan mo yan Scarlet. Bwesit!

"Titingnan natin kung anong weapon ang nababagay sa inyo. Kusa na lang lalapit ang mga weapon na yan." Sabi nung Sir. Oh my ghad! Sana wag baril yung mapunta sa akin. Alam mo naman na takot ako sa mga putok eh.

Nagsimula ng lumutang yung mga weapon. Kinakabahan ako.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang lumapag sa harapan ko yung katana! Pwede bang baril na kang? Kung takot ako sa mga putukan. Mas takot naman ako sa mga matatalim. Hahaha. Sinong na GM? Chos. Nanginginig na hinawakan ko yung katana at tiningnan itong mabuti. Sa sobrang talas nito ay nakikita ko na ang sarili ko sa blade nito.

"Mga prinsepe! Pumili na kayo ng tuturuan nyo at mga Prinsesa, kayo naman ang gagawa ng meryenda" natatawang sabi nung professor. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sya takot sa mga Royals.

"Pero Sensei" reklamo ni Des. Ahhh. Sya pala yung nagtuturo sa kanila dati.

"No more buts" sabi nya at iwinestra pa nya yung kamay nya na parang itinataboy yung mga babae. "Pakitawag na din yung ibang prinsepe, kulang kasi yung mga magtuturo eh! Kung ayaw pumunta sabihin nyo na paparusahan ko sila" padabog na umalis sila Kate

"Dapat hindi na lang din ako pumunta eh!" Sabi pa ni Krisha habang naglalakad palabas.

"May sinasabi ka, Krisha?" sabi pa ni Sir sa kanya.

"Wala po" mataray na sagot nito at padabog din na umalis.

Wala pa din na lumalapit sa akin na magtuturo. Nakita ko na lumapit yung Kaeros kay Freya.

"Ako na lang magtuturo sayo, pwede ba?" Tanong nito at tumingin pa sya sa paligid nya. Parang may hinahanap sya tapos tumingin ulit sya kay Kaeros syaka sya tumango. Tumayo na sila at sa tingin ko ay pupunta na sila sa may training area. Napatingin naman ako kay Kite na nakatingin sa dalawa. Is he Jealous? Mukhang alam ko na yung problema ni Freya ah! Tsk! Sabi na may something sa dalawang ito eh. Hindi nyo ako mauuto dyan.

"Tara na!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jax. Anong tara na?

"Saan?" Nacucurious kong tanong. Hindi ko alam kung saan ito nag aakit eh! Mamaya, gahasain ako nito.

"Edi sa training area" sabi nya. Ano? Pag wala si Krisha sa akin ka? Tsk!

"Dun ka na sa Krisha mo" napatakip naman ako ng bibig ko ng masabi ko yun! Teka! Amg tanga mo talaga! Hindi ko dapat sasabihin yun eh dapat sa isip ko lang yun. Walang hiyang bibig ito! Pahamak sa buhay. Now I look a bitter. Ano ba yan. Napatingin ako sa kanya ng bigla na lang sya tumawa. A sexy smile. Tapos ngumiti pa sya sa akin.

"Are you Jealous?" Tanong nya na agax ikinainit ng pisngi ko! Nagseselos ba ako? Teka! Hindi ko alam eh.

"H-hindi ah" sabi ko at yumukk. Ano ba yan? Bakit ang init dito.

"Sige na nga! Kunwari naniwala ako" sabi nya at hinawakan yung wrist ko. Lalo atang uminita yung paligid eh! Tapos hinila na nya ako. Habang naglalakad kami ay nasa may bandang likudan nya ako tapos napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko na unti unti nyang binaba yung pagkakahawak nya hanggang sa masakop nya yung palad ko. Intertwined kung baga. Napangiti lang ako sa may likudan nya.

Minsan lang ang pagkakataon na ito. Hinayaan ko na lang sya at hindi ko mapigilan na kiligin. Hala! Bakit ako kinikilig? Aysttt! Malala na talaga ito! Hindi ko man aminin sa sarili ko pero tanggap ko na...

Mahal ko na sya....





**********
A/n: So kamusta yung chapter?  Hindi ko alam kung ano ang naisipan nung mga parasite sa utak ko at binigyan nila ng Sweet Moment Yung NaxRille eh! Bahala na sila dyan. Anyare na eh!!!! Nakakaproud dahil umabot na ako ng 30 chapter. Itong story na iti ay dapat hanggang 30 lang pero kung ano anong scene ang pumapasok sa utak ko eh.

**********
Joke time. (Part 1)

One time ng pag meeting yung adviser ng Math at Science club sa amin. Hindi naman kami kasali sa club na yun ng mga kaibigan ko kasi nga nasa English club ako tapos sila ay nasa TLE at ESP club pero.pinapasok pa din kami nung sir namin. Sa classroom namin ginanap yung meeting. Tapos adviser pa namin yung namamahala sa Science club.

Edi pumasok kami tapos dun lang kami pumwesto sa likod kasi nga hindi naman talaga kami kasali dun. Edi tawa lang kami ng tawa.

Ma'am: asan ang Grade 7?

*nagtaas yung isa kong kaibigan*

N: Ma'am Height lang. Hahaha

Ma'am: Grade 8?

*nagtaas yung mga grade 8*

Ma'am: Grade 9?

*tumaas kami ng kamay*

Ma'am: Grade 10?

Pagkatawag ng grade 10 ay sabay sabag kami nag taas ng kamay ng mga kaibigan ko. Tapos napatingin yung iba sa amin.

Iba: Grade 10 daw po, hindi grade 9

Kami: May crush lang po sa grade 10.

Sabi namin tapos tawa. Hahaha.

Wala lang guys. Share ko lang. Nakakatawa kasi talaga. Mababawa kaligayahan ko eh.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now