Chapter 48

489 17 0
                                    

Chapter 48- Meet My Dad

Ayun na nga. Huwebes na ngayon tapos lutang pa din ako sa kakaisip kay Jax. Akala ko kasi susundan nya ako tapos susuyuin, yun pala hindi. He choose to stay with Krisha. Nakakaasar sya. Hmpp. Hindi ko sya papansinin.

Naglalakad na ako papunta sa room namin. Mag- isa lang ako. Hindi ko na kasi nakakasabay si Shido. Magkaiba kasi ang schedule namin.

"The Princess is Alone" napatingin ako sa gilid ko. Si Kiel. Matagal na din noong huli ko syang nakausap.

"Not anymore" sagot ko na lang sa kanya tapos tumawa lang sya. Nakasarado na yung room namin. Haytss. Late na naman. Bubuksan ko na sana ito pero may nauna na. Tsk. Nilagpasan lang ako. Arghh. Kaasar ka Jax!.

Bigla na lang kasi syang dumaan sa gitna namin ni Kiel tapos binuksan nya yung pintuan. Sumunod na lang kami sa kanya. Buti na nga kang at hindi terror yung teacher namin ngayon.

Uupo na sana ako sa upuan ko pero napansin ko na wala sya sa tabi ko. Lumipat sya ng upuan. Nandun na sya sa may tabi ni Aye. Hmpp. Nakita ko naman yung katabi ko. Hindi ko sya masyadong close. Unique ata ang pangalan nya. Hahaha. Kakaiba pangalan nya eh. Sya yung nerd na lalaki dito. Pero kung titingnan mo naman ay gwapo sya.

Nagtuloy- tuloy lang yung kasi ni Sensei. Medyo lutang pa din ako. Nakakaasar kasi si Jax eh. Sya na nga yung may kasalanan, tapos sya pa yung may ganang hindi mamansin.

Nasa kalahatian na si Sir ng pagtuturo ng bigla na lang may nag excuse na estudyante.

"Sir! May iaanounce lang po" sabi mung estudyante. Minister student yata sya. Halata kasi sa suot.

"Go" sabi lang ni Sir tapos umupo sya dun sa table nya. Hinihintay din nya yung sasabihin nung minister student.

"To all Royals student, you have a meeting at exactly 8:30 am. The meeting will be held in your private room" sabi nung minister student tapos umalis na din sya. Tiningnan ko yung oras at nakita ko na 8:27 na pala. Medyo malayo layo pa naman yung meeting room na yun eh.

"Chaisey! Tara na" tawag ni Heidi tapos tumango lang ako. Paglabas ko ng room ay nakita ko na hinihintay ako ni Jax at Heidi. Hindi pa din makatingin sa akin si Jax. Hmpp. Dapat nga ako yung magtampo eh.

"Jax! Magteleport na lang tayo" sabi ni Heidi tapos tumango lang si Jax. Wahh. Ayaw ko muna syang lapitan.
Medyo naiilang pa din ako sa kanya eh.

"Mauna na kayo! May kukuhain lang ako sa kwarto ko" sabi ko.na lang at tumango lang si Heidi. Tumakbo na ako. Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Jax.

Ang too nyan ay wala talaga akong kukuhain. Maglalakad lang talaga ako. Ayaw ko kasi munang lumapit sa kanya. Ayos ng ma late ako kaysa naman~ arghh. Basta!

8:34 na din ako nakarating sa meeting room. Butin na lang wala pa ang headmistress. Kasama kasi sya eh. Alam ko naman na mahalaga ito.

Lumawak yung ngiti ko ng makita ko si Freya. Royal na nga pala din sya. Kahit prinsesa sya ng Harikan ay maituturing pa din syang prinsesa dito.

"Ate Rose! Bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Des.

"May dinaanan pa kasi ako" sabi ko na kang tapos ngumiti sa kanila. Hindi na din naman sila nagtanong eh. Nakita ko na bakante yung upuan dun sa tabi ni Jax.

"Jason! Pwedeng palit tayo?" Napakunot noo naman sila sa sinabi ko. Hindi pa kasi nila alam yung nangyari sa amin ni Jax eh. Ayaw ko din naman sabihin sa kanila.

"Ah sige" yung lang yung sinabi nya. Umupo ako sa tabi ni Des. Nakita ko naman na nagtataka sila sa ikinikilos ko. Sino ba kasing hindi? Kahapon lang ay ang sweet namin ni Jax tapos ngayon ay hindi na kami nagpapansinan.

The Mysterious Princess (COMPLETED) Where stories live. Discover now