008. Complex Beings

Start from the beginning
                                    

Dahil doon kaya hindi niya na halos napansin na nagsimula nang magbukas-sara ang mga ilaw sa loob ng computer laboratory. Napagtanto niya lamang iyon nang bigla nang mag-ingay ang mga kaklase niya dahil sa biglang pag-malfunction ng mga computers na gamit nilang lahat, pati na ang projector, ang monitor, at ang mga aircon sa loob. Napatingin siya sa paligid, at pinagmasdan ang pagpapanic ng mga kasama niya sa computer laboratory.

Napatingin siya sa kamay, bago niya dahan-dahang binitawan ang mouse ng computer. Nang gawin niya iyon, saka lamang tumigil ang pagkakagulo ng lahat dahil naging maayos na muli ang mga ilaw, ang mga computers, monitors, projector, at ang mga air conditioning unit.

"Ididismiss ko muna kayo ngayon..." ani ng teacher nila na halatang nag-aalala at natatakot pa rin, "I will get this computer lab checked by the maintenance para masigurado ang safety ng lahat. Magsesend na lang ako ng homework sa mga emails ninyo. Now, calmly vacate the room, okay? Huwag kayong magtutulakan..."

Nang makalabas na si Vladimir ng laboratory, pinagmasdan niya ang palad na nakalapat sa mouse kanina. Wala nang maliliit na mga paso doon, at tanging pamumula na lamang ang mababakas sa balat niya. Dahil sa nangyari, doon niya tuluyang nakumpirma na siya nga ang may gawa sa lahat ng nangyari, kaya agad niyang ipinasok sa bulsa ng unipormeng suot ang mga kamay niya.

Napatingin din siya sa paligid, na para bang naniniguradong walang nakakita o nakapansin sa kanya. Habang naririnig niyang pinag-uusapan ng mga kaklase ang tungkol sa nangyari, mabilis siyang umalis sa lugar na iyon at dumiretso sa loob ng kwarto niya sa Paramount Building.

Halos lumipad na siya para makabalik lang sa silid, at nang makapasok na siya loob ay ini-lock niya ang pinto. Nagdesisyon siyang huwag nang pumasok sa mga susunod niyang klase para sa araw na iyon, at agad siyang pumwesto sa harap ng computer niya para masimulan ang research.

Hindi siya basta aalis doon hangga't hindi niya naiintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya.

********

Nagpangalumbaba na lamang si Jacob habang pinagmamasdan si Sketch na nagbabasa ng libro sa harap niya. Pagkatapos ng regular classes, tumambay muna sila sa Paramount Library habang hinihintay ang pagdating ng class adviser nila para sa pagsisimula ng supplemental class para sa hapong iyon. Hindi pa nila kasama si Nico noong mga sandaling iyon dahil abala ito sa pagtitraining para sa competition nito sa katapusan, pero hahabol rin ito bago magsimula ang mismong klase.

Napabuntong-hininga si Jacob, sinilip ang binabasa ni Sketch, at sumimangot. "Hindi ka pa ba inaantok diyan sa binabasa mo?"

"Hindi..." tugon sa kanya ni Sketch na nasa aklat pa rin nakatutok ang mga mata, "Subukan mo rin kayang basahin 'yang libro sa harap mo. Huwag 'yung nakatulala ka diyan. Magtatanong na naman mamaya si Sir Daniel ng tungkol sa niresearch natin. Bahala ka kapag wala kang maisagot mamaya."

Jacob rolled his eyes and sat comfortably on his seat before placing his feet on top of the table. "Sino ba kasi 'yang Jean Baptist Lamarck na 'yan? Nakakastress."

"Jean Baptist Pierre Antoine de Monet Chevalier de Lamarck is a botanist in 1793, and a founding professor of the Musee National d'Histoire Naturelle as an expert in invertebrates," tugon sa kanya ni Sketch, "Meron siyang prinopose na theory of evolution, which, in a way, contrasts Charles Darwin's theory of natural selection. Sa tingin ko tungkol sa theory niya ang totoong hint na ibinigay ni Sir Daniel sa atin."

Pinaningkitan ni Jacob ang kaharap. "Wow ha. Hindi mo naman kailangang banggitin 'yung full name niya. Wala tuloy akong naintindihan sa mga sinabi mo maliban sa pangalan ni Sir Daniel."

Habang nag-uusap sila, pumwesto naman sa tabi ni Sketch si Leia. Dahil sa pagdating ng dalaga, napaupo nang maayos Jacob at agad na binuksan ang librong nasa harap niya para ipakitang nagreresearch din siya kahit hindi naman.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now