" You, are getting married." May tumusok sa dibdib ko ng sinabi ko iyon at umiwas sa kanya.

" Yes!" Bumalik ang tingin ko sa kanya at unti unti itong tumango na mas lalong ikinalubog ng pagasa ko para sa aming dalawa.

No! I should not be hoping like this.

Inayos ko ang buhok ko at binalot ng maigi ng comforter ang hubad kong katawan. Napahinto ako sa pagtayo ng hinawakan nito ang nanlalambot kong katawan at hinila ang aking bewang palapit sa kanya. Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng maramdaman ang mainit nitong kamay sa aking likuran.

" I love you." Kumabog ang dibdib ko sa mga salitang binanggit nito.

" Tro-Tross.." mas humigpit ang yakap nito sa akin kaya hindi ako makawala. " Ikakasal na kayo ni Trinity!" Inis kong sabi.

" Who told you?" Bulong nito.

I hissed in disbelief.

" Diba nga pumunta siya sa office mo para pagusapan niyo iyong kasal niyo?!" Inis kong tanong. I rolled my eyes in frustration.

" Are you jealous?" Nahagip ko ang hininga ko at hindi nakapagsalita. " Did I make you jealous?" Maagap na muling tanong nito.

Akmang iaalis ko ang yakap nito pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang yakap niya kaya nakapatong ang ulo ko sa kanyang balikat.

" Tell me?" Mariin na sabi nito.

" Tsk!" I hissed dahil hindi naman ako nagselos, ang akin lang dapat sa bahay nila pagusapan ang bagay na ganoon. Kapag nasa trabaho, work lang dapat!

I rolled my eyes again.

" I'm not!" Inis na sagot ko. Humalakhak ito, kaya napaawang ang labi ko.

" You're jealous!"

" Ano ba! Hindi nga sabi!" Inalis nito ang pagkakayakap niya at iniharap ako sa kanya na mas lalo akong nainis kasi nakangiti ito.

" That's what you get," napatili ako ng inihiga niya muli ako sa kama. " For making me so jealous Sapphira."

" A-Ano?" Kunot noong tanong ko at halos hindi marinig ang sinabi dahil sa malakas na tambol ng aking dibdib.

Napahinto kami ng may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kami ni Tross, at muli nanaman itong kumatok.

" Damn!" Bulong nito bago ito tuluyang tumayo.

Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ito sa pagkapatong sa akin at naglakad palabas ng kwarto. Wala siyang saplot na pangitaas at iniwas ko ang paningin ko ng makita na tanging boxer short lang ang suot nito.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Luminga ako sa buong kwarto at hindi ito pamilyar sa akin. Wala kami sa bahay niya at hindi naman ito ang unit niya na nililinisan ko noon. Napansin ko ang damit ko na nakatupi sa malaking sofa.

Sumulyap ako sa saradong pintuan na wari ko ay bathroom. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang aking mga damit. Pagsara ko ng bathroom ay narinig ko ang pagpasok niya. Malaki ang bathroom kung saan my walk in closet pa. Nagshower na ako sa loob at inayos ang sarili upang makauwi na, nagalala ako bigla na baka hinahanap na ako ni Gabby.

Napangiwi ako ng makita ang punit kong dress. Napahawak ako sa aking ulo at napiling. Good thing at hindi nasira ang aking underwear. Lumabas ako upang maghanap ng damit sa walk in closet at halos mamangha ako sa dami ng paperbag na malalaki na nasa cabinet. Tinignan ko ang mga ito isa isa at halos mamangha ako sa mga damit na nakita.

Nakaramdam ako ng pagkainis, naisip ko na baka dito niya dinadala ang mga babae niya. I groaned in frustration at kinuha ang isang kulay peach na straight dress na mukhang kakabili lang. I rolled my eyes again, and I'm feeling so sick. Kailangan ko na talagang umuwi, ayoko na sanang suotin to sa kadahilanang iyon ngunit wala naman akong ibang choice!

Owned YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon