Dollhouse 075

Depuis le début
                                    

"Then, change the floor into woods!" sagot ni Peter.

"Lagi kang nagrereklamo na ang pangit tingnan. You once mentioned that your house turned into a bahay kubo after we changed JUST THE FLOOR."

Peter waved his hand.

"Alright, alright, let's keep the carpets."

"Everyone just witnessed how clumsy you are."

Napalingon si Peter sa camera. "Damn. Can we cut it?"

"This version is a live broadcast, remember?"

"This is why use people in my behalf. Tsk."

Tahimik ko lang silang pinapanood nang tiningnan ako ng naka-scarecrow mask na lalaki.

"Stop watching him. Eat."

. . . . . . . . . .

Napilitan akong kumain dahil sa nakakatakot na lalaking katabi ko. This guy wearing scare crow mask. Tititig siya nang nakakatakot kapag natigil ako ng nguya kaya kahit ayaw ko kumain ay naubos ko ang hinanda sa 'kin.

Natapos na 'ko kumain pero abala pa rin si Peter.

Tiningnan ko siya na nakataas ang paa sa upuan habang nagph-phone na naman at nanguya ng chewing gum. Natatawa siya mag-isa habang may binabasa....

"Please, don't blur your face."

"Bakit blurred mukha mo sa broadcast?"

"Face reveal, Peter! Tsk. Why do girls treat me like a celebrity?"

"Why do I feel like you look so young?"

"Peter, pa-ampon!"

"Feeling at home. T-shirt at short lang ang soot. Geez. This is my house. Do they expect me to wear tux?"

"Patayin mo na si Babe. Oooh. That's harsh."

"Palalabasin mo ba si Babe? Hmm."

"Kayo na lang ni Babe. Oh. No, thanks."

"Peter, ilang taon ka na? Love, why do you wanna know?"

"Mahuhuli ka rin ng pulis. Nice joke. They can't even track me. Also, I transfer to my different houses every day so how?"

"Do you read our comments? Obviously."

Ilang minuto siyang gano'n, nagbabasa na may ngiti sa mata, hanggang sa mapansin niyang seryoso ko lang siyang pinapanood. Napataas ang isang kilay niya at napabuga ulit ng hangin saka binaba ang phone. "---And a lot of thirsty comments for me."

Is he gonna kill me too?

"Why do the winners like to stare at my face?" inis niyang tanong.

Akala ko... akala ko matanda si Peter. Akala ko matanda na nakakatakot siya. Akala ko parang baliw na mahaba ang buhok, may salamin, at kung anu-ano ang soot. This man in front me is so young for this kind of madness.

"I almost forgot that you prefer older guys," bulong niya saka iniwas ang mukha niya sa paningin ko. His device is illuminating his innocent but serious face again.

Pinindot niya muli ang maliit na remote at naglabasan na naman ang mga litrato namin ng Decagon sa likod niya. Ang dami. It looks like a presentation of polaroid pictures. Iba't-ibang eksena ang nasa litrato. May litrato na magkakasama kami, litratong nagtatawanan, nagtatalo, pati litrato ni Azazel ay nadamay na rin.

DOLLHOUSEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant