Dollhouse 036

61.6K 3.6K 7.2K
                                    

✦ ◉ •

𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠
𝙩𝙤 𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚


── ♡├o FLAME

Nakain lang ako nang tahimik nang masama akong tiningnan ni Gunner. Ang talim ng tingin niya. Heck. May sinasabi na naman siya ngayon. Ilang araw na, hindi ko nga siya sabi marinig. Tsk.

Nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa'kin. Bigla niya kinuha 'yong pagkain ko tapos binato sa inidoro na nasa malapit sa pwesto niya. Galit ang mukha niya. Edi nagalit din tuloy ako. Hindi pa ko tapos kumain!

Argh!

Ang sarap niya imudmod sa bowl!

"Mamamatay na ko sa gutom!" sigaw ko.

May sinabi silang lahat pero hindi ko marinig! Mas lalo akong naiirita tuloy. Padabog kong binato yong basong may tubig na nasa tapat ko din. Nakakairita! Ayoko na dito!

Inabot ni Ichiro 'yong plato niya sa'kin na may pagkain--- kaso sinipa na naman ni Gunner 'yong plato!

Tumilapon ulit lahat ng pagkain sa sahig. Parehas kami ng reaksyon ni Ichiro habang tinitingnan ang pagkain na sinipa lang ni Gunner. Kumalat ang kanin at ang pritong manok sa tiles ng banyo. Iritang bumangon si Ichi at sinugod si Gunner sa galit.

Edi 'yon nagsapakan silang dalawa! Ay nako! Go, Ichiro! Pilit silang inaawat nina Hera at Babe. Si Babe naman ay aksidenteng natulak ni Gunner dahil sa kakaawat at 'yon nadulas siya bigla, nauntog pa sa pinto. Mukhang masakit 'yon, in fairness. Nagulat silang dalawa ni Ichiro kaya napatigil sandali. Tapos 'yon sinuntok niya ulit si Gunner kasi nadulas si Babe. Si Hera naman pilit pa ding inawat ang dalawang lalaki. Oh diba ang saya?

Irita ko lang silang pinanood saka umupo nalang ulit sa tiles at kinain ang pagkain ni Hera.

"Bahala kayo diyan..." bulong ko.

Tiningnan ko ang screen at pinanood si Alpha at Java na nasa ibang kwarto. Duguan na sila dahil sa saksak nila sa kamay. Then may dalawang unggoy doon. 'Yong isa ay nakakandong parin kay Alpha, 'yong isa naman ay pasimpleng ginugupit buhok ni Java.

Wala. We are hopeless. Ilang araw na ay wala pa ding nakakahanap sa'min. I think mamamatay nga kaming lahat dito. Inis akong napabaling doon sa isa....

Tsk.

Kasalanan niya 'to eh.

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA

"Bitawan mo ang buhok ko." Inis kong sabi sa babaeng nakamaskara ng unggoy na ginugupit ang buhok ko paunti-unti kanina pa. Tumawa ang babaeng nakakandong kay Alpha dahil sa sinabi ko.

"It's just a hair. Chill." aniya.

Pinagpatuloy ng katabi ko ang pag-gupit sa aking buhok ko. Naririnig ko bawat gupit na ginagawa niya. Sinubukan kong igalaw ang kamay kong may nakasaksak na kutsilyo para pigilan siya kaso masakit!

"I like rebels like Gunner but I also like soft guys like Alpha." sabi ng babaeng nakakandong kay Alpha sa katabi ko. Nagulat ako nang hinaplos niya pa ang pisngi ng kaibigan ko.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon