Dollhouse 059

57.9K 3.7K 6.6K
                                    

here's the first update.
mamaya isa pag-uwi ko.
around 10 or 11 ulit ung isa.

Quick recap tayo lol

- day 06 started

- pairs: gunner and java, alpha and babe

- nalaman ni gunner na posibleng masaktan ang mga bata

- sinabihan niya agad sina alpha at java

- kinukulit sila ni steel a.k.a. king of clubs na paaminin na ang killers para matapos ang laro at walang masaktan na bata

- si babe naman ay nagtataka bakit siya laging hindi sinasama sa ng tatlo

✦ ◉ •

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE
 


 

── ♡├o BABE

"Let's start the game, Dolls."

Nagsibalikan na sa tamang silya ang mga bata pati ang mga bantay ng grupo. The jokers explained the mechanics once again para maintindihan ng mga bata pati na rin namin.

"What do we call this game?!" pasigaw na tanong ng joker. Pasimple kong nilingon ang tatlong decagon. Nakasalumbaba lang si Gunner, mukhang nakikipagtalo si Java sa king sa group nila, at si Alpha naman ay pinaglalaruan ang hawak na tinidor.

"Sardines!" sigaw ng mga bata.

Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa tatlo. Nag-usap usap silang tatlo kanina pero hindi talaga nila ko sinama.

Gusto kong maiyak ulit pero ang sama ng tingin sa'kin ng king ng grupo ko.

"Stop glaring," sabi ko na lang.

Napailing siya saka ibinalik ang tingin sa jokers.

"Alright! Kids, before we begin, let's make a quick recap if you can still remember the game. Ang magkaka-team ay ang group?"

"Diamonds - Hearts at Spades - Clubs po!" sigaw ng mga bata.

"Good job!"

"At ilan ang taong magtatago?!"

"Four!" sagot ng mga bata ulit na sumisigaw kasi excited na maglaro kanina pa.

"Awesome! Now, ano gagawin niyo if nagtago na kunyari ang... hmm... King of Spades?!"

Napalingon kami kay Gunner. Muntik na naman siyang magtaas ng kamay at magpakita ng dirty finger, buti ay naawat siya ng queen sa group. Kaso natuwa ulit ang mga bata kay Gunner at nagtaas na naman ng kamay. Pinagilatan agad sila ng jack at ace sa spades.

"Hahanapin po ng... Diamonds at Hearts!"  sagot ng ibang bata.

"Magaling! Magaling!" sabi ng joker.

"If nahuli ng isa mula sa diamonds at hearts ang kalaban na si King of Spades, ano gagawin niyo?!"

"Sasama po sa kanya tapos magtatago rin po!"

"Good job! At ano ang rule kapag nahanap na si King of Spades?"

"Bawal mag-ingay. Bawal umalis ng pwesto. Magsiksikan habang hinahanap ng iba!" sagot ng mga bata.

"Hmm. Paano kung 15 na lang kayo at ang hirap na magtago? Paano kung sobrang dali niyo na mahuli kasi ang dami niyo na? Pwede ba kayo umalis?"

"Hindi po!"

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now