Dollhouse 057

61.3K 3.7K 7.7K
                                    


── ♡├o THIRD

SPADES ♠️

"King..."

Ang kaninang natutulalang si Gunner ay muling bumalik sa realidad. A stunning woman, probably on the same age as him, tapped his arm. Inis niya itong nilingon habang nakasalumbaba. Kanina pa siya tinatawag nito na hari at iritang-irita na siya.

"Psst. King..." ulit ng babae.

"Hindi niyo 'ko hari. Tumigil ka na!"

Napairap ang babae.

"King---"

"Stop calling me King!"

Napahiyaw si Gunner nang sinipa siya bigla nito sa kanyang iniingatan. Tila umuga ang mesa sa lakas ng pagkakasipa sa kanya.

"Bitch---" naputol ang sinasabi niya nang hilahin ng babae ang kwelyo niya sa damit.

"King of jerk, you need to chill your ass. Ayokong may masaktan na bata dahil sa'yo. Kung ayaw mong tanggalin ko 'yong sinipa ko, umayos ka." the Queen of Spade ordered her King.

"Queen, the kids are watching." babala ng Jack.

Queen released Gunner from her hold and then she flashed the sweetest smile to the kids.

"We're just playing, kids." aniya habang nakangiti, nauto naman agad ang mga bata. Si Gunner naman ay namimilipit pa rin dahil sa pagkasipa sa kanya. Tuwang-tuwa ang mga bata habang pinapanood sila.

"Kith! Kith! Kith!" bulol na sabi ni 7 of Spades.

"Kiss daw. Pfft." natatawang sabi ng Ace.

May ibang eksenang naalala si Gunner...

"Kith! Kith! Kith!" ulit na naman ng mga bulol na bata.

Napairap ang Queen. Ang Jack ay naririndi na. Ang Ace naman ay inuudyok lalo ang bata.

"Kiss na kasi, King at Quee---"

Tinaas ni Gunner ang gitnang daliri niya kay Ace na ayaw tumigil, tinawanan lang siya nito. Tila kumislap naman ang mga mata ng bata nang makita siyang nakapakyu kay Ace. Agad na binaba ni Gunner ang kanyang kamay nang sinipa siya ulit ng Queen nila!

"Stop kicking my balls. Tangina." Namilipit na naman siya sa sakit.

'Yong mga bata naman ay tuwang-tuwang tinaas ang mga kamay nila habang ginagaya si Gunner.

"We team Spade yeah." sabi nila habang iniingit ang kabilang grupo na hearts at clubs sa kanilang natutunan.

"This is our sign!" tapos iwinagayway pa ng mga bata ang kanilang maliliit na kamay na parang watawat.

Laglag ang panga ng tatlong grupo nang makita ang grupo ni Gunner at ang mga maliliit na kamay ng mga bata na nakataas.

"You will be a bad parent." inis na sabi ng Queen.

"Oh. Bad news for you, Queen. I'm gonna die here. I will never be a parent." sagot ni Gunner. Sabay na napatango ang Ace and Jack sa narinig.

"Tss. That sucks, then."

"Ang sabi ko ibaba niyo mga kamay niyo!" sabi ng Jack na bugnutin din gaya ng hari niya sa mga batang nakapakyu pa rin ang kamay sa ere.

Pinagtatawanan lang sila ng mga nasa clubs.

Dahil sa sigaw ng Jack ay nag-iyakan ang mga bata sa Spades. Mas lalong naging problemado ang Ace na kanina pa nilalaro ang mga bata. Gaya-gaya ang mga bata. Umiyak rin ang iba kahit hindi nila alam kung ano ang nakakaiyak.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon