Dollhouse 044

63.4K 3.6K 14.3K
                                    

⋈├・oXᓄ

WELCOME BACK TODOLLHOUSE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

WELCOME BACK TO
DOLLHOUSE

── ♡├o Update:
Voting officially ended.
Thank you so much for
your participation.

Nominated Dolls:
● DOLL06 - FLAME
● DOLL07 - GUNNER
● DOLL08 - HERA

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- lumabas na results!!!!!!

- seryoso to?!

- BAKIT SIYA?!!!!!

- gusto ko sumigaw ng masasamang words!!

- ayoko na manood jjbghzjshdbsnwjdjdn

- bakit ba kasi may mga nagvote?!!!!

- parang tanga, wag nga sabi magvote eh!

- may mga naniniwalang prank to. sila panigurado ang bumoto kasi akala nila palabas lang -.-

- for entertainment purposes kaya nag vote?!

- ung iba kunyari hindi bumoto eh bumoto din naman

- ^ bumoto spotted

- ung mga naboto dapat mapunta sa dollhouse eh tsk

- sige magsisihan pa kayo!

- oh no they are now activating the cameras

- #savedacahon

- typo (⊙-⊙)

- #SaveDecagon

▬▬▬▬▬▬▬

Activating Cameras...

▬▬▬▬▬▬▬

✦ ◉ •

DOLLHOUSE

Cameras Activated: 70/100
Site: ONLINE
Current Task: None
Dolls Awake: 1/7
 

 
 

── ♡├o FLAME
 


 
   
 
Bakit....

Bakit ako nakahiwalay?

Nagising akong naka suot na ulit ng dress na parang pang manika na naman. Napansin kong nakatux ulit ang mga lalaki at nakadress na kaming lahat na mga babae. Ang pinagtataka ko, malayo ako sa kanila.

Napakagat ako ng labi.

Sabi na nga ba...

Nandito kami sa isang malaking kwarto na puro unan at kutson. Literal na walang sementong makikita dahil maski ang lapag ay gawa sa kutson na puro pastel ang kulay. Kada tapak mo ay tila lulubog ang paa mo sa lambot ng mga unan. Gaya ng mga naunang kwarto, sobrang laki ng kinaroroonan namin ngayon. Puro tela, kurtina, unan, kutson, at cute na stuff toy ang makikita. Kulay pink, baby blue at cyan ang kulay ng buong paligid. Amoy candy din dito sa loob.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon