Dollhouse 029

66.9K 3.7K 9.3K
                                    


"B-Bakit may dugo ang kamay mo?"

"Flame, huwag mo muna ako tanungin tungkol diyan. Sino sino kayong nandito sa dorm?"

"No. Answer me first. Bakit puro dugo ang kamay mo? Pati ang damit mo? What the hell happened? Why are you shaking?!"

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

"Bakit kayo nagsisigawan?"

"Java, kausapin mo nga 'yan!"

"Gunner, what the hell? Bakit ganyan itsura mo?"

"Java, please, huwag ka dumagdag. Nasaan si Babe?"

"She left our dorm for a week now. Hindi na siya nauwi dito. Geez. You're such a mess. Sino inaway mo?"

"Where's Hera and Dorothy?"

"Huh? Ewan ko. Umalis sila kanina eh---"."

"Fuck."

"Why? What's wrong---- Hey! Gunner, bumalik ka dito! Oy!"

▬▬▬▬▬▬▬

⋈├・oXᓄ

𝙒𝙚𝙡𝙘𝙤𝙢𝙚 𝘽𝙖𝙘𝙠
𝙩𝙤 𝘿𝙤𝙡𝙡𝙝𝙤𝙪𝙨𝙚

── ♡├o FLAME

Anong kalokohan tong nakikita ko?

This set up looks familiar.

Numbers. Ladders. Dice. Snakes.

Hindi ako pwede magkamali. Isa ito sa paborito naming laro. We, Decagon, used to play this board game for dares. Ang tatlong pinakamatagal nakaaabot sa 100 ang uutusan naming pito na nanalo. Ito ang laro namin noong nagkaroon kami ng dare para kay Ichiro na pindutin ang fire alarm sa Lancaster.

Speaking...

Nakita na namin sina Alpha, Babe, Gunner, at Ichiro. Lahat kami ay nakaitim. Kung kaming mga girls ay nakablack sando at mini short, ang boys naman ay black tshirt at shorts din. Mukhang kakalabas lang din ng kahon ng kabilang grupo. Teka. Teka. Bakit nakahubad si Gunner ng pang-itaas?!

Tumama ang mata ko kay Babe. Nagmumugto ang mata niya. Nakapatong sa kanya ang itim na shirt ni Gunner.

Ahh.

Okay.

Si Alpha ay bakal pa rin sa ulo. Si Gunner naman ay namumula ang kamao. Si Ichiro naman ay nakatingin sa grupo namin. Ay. Mali. Hindi pala sa'min. Kay Java pala. Si Java naman ay napatingin din sa kanya. Parehas nilang hawak ang dice. Napalunok si Ichiro nang magtama ang mata nila ni Java. Nagtitigan sila. Luh.

Sana ol.

Napalingon silang walo sa malaking screen na nakasabit mula sa mataas na kisame. May sinasabi 'yong pusa sa screen. Ewan ko. Hindi ko maintindihan. Napairap nalang ako sa pusang yon na nagdudugo na naman ang bibig. Nagkatinhinan sina Hera, Dorothy at Java matapos magsalita ang pusa. Nagusap sila nang masinsinan. Ka-OP ha!

Nagulat ako nang ipinasa ni Java ang Dice sa'kin.

Uhmm...

"Ano gagawin ko dito?"

Nagsensyas si Hera ng parang dice na binabato. Luh. Ako ang maghahandle ng dice? Diba dapat individual ang magbabato ng dice?

▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o HERA

"Ibabato mo lang ang dice. Kaming tatlo ang papasok sa game. Sa'yo nakasalalay ang buhay naming tatlo." sabi ko nang mabagal.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon