Dollhouse 060

63.1K 3.6K 14.4K
                                    

Second update for today. #kunyarimasipag 😉 Live comments from real people ang sunod niyong mababasa. Enjoy reading 💞

▬▬▬▬▬▬▬

LIVE COMMENTS

- Bakit kailangan madamay mga bata? They're too young for Peter's madness.

- baket ganon si alpha??? huhu pero sige, iintindihin ko na lang kase nga baka killer si babe pero bat parang oo na hinde?? ay ewan, nakakabobo talagaaa

- Kung mamamatay si babe dito, isa lang ibig sabihin non. Well, para na din naman siyang pinapatay. Iniwan na siya ng lahat. Pati yung lalakeng akala niya sasamahan siya hanggang huli, iniwan na siya.

- Nasasaktan na ako ng sobraaa para kay babe? Kung hahayaan ni Alpha na manalo sila gunner kasi friend niya pano naman si babe?

- Don't you guys think Alpha is acting weird? He used to be on Babe's side/Babe's companion or something like that pero bakit parang umiiwas siya ngayon kay Babe #BABEPROTECTIONSQUAD

- BAKIT KAILANGANG MANDAMAY NG INOSENTE KUNG HUSTISYA LANG NAMAN HANAP NI PETER. DI BA NIYA KAYA NG WALANG IDAMAY NA IBA? IS THIS REALLY ENTERTAINING FOR HIM LIKE AKO NA LANG MAG-ENTERTAIN SAYO

- Dko maintindihan Kong anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon...  Iniisip ko kaseng mabuti kung paano matutuloy ang laro ng d masasaktan ang mga bata..  Wala silang kaalam alam sa nangyayari sa paligid nila wala pa silang muang sa kasalanang ginawa ng mga kasama nila pero ano nadamay pa din sila lupit talaga ng unggoy na Peter na to sana lang makonsensya na yung killer umamin na kayo please kawawa yung mga bata..  Wag nyo naman ipagkait sa kanila yung karapatang mabuhay..  Gaya ng pagkakait nyo sa inosente nyong kaibigan.

- I feel so bad for the kids. Kung hindi deserve ng decagon na mapunta doon, mas lalong hindi nila deserve yun. #SaveTheKids

- vlooks like Alpha is ready to sacrifice his life for Gunner and Java. and he will bring Babe with him since partners sila. Omg ang gulo huhu >.<

- grAbe Ang lakAs Ng WiFI siguro Ni PetEr hehehe di nauudlot ung live e>_<

- Anniversary ng TENDER JUICY HOTDOG NGAYON. Ipasa mo to sa 10 tao bago magtapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka. Wag kang tumawa ‘yung tita ko hotdog na. Ayaw kitang maging hotdog. Pls pass.

- Even if umamin sila, just imagine the nightmare they will get kung makalabas sila dyan. I mean, it's too late e. Dami nang namatay na kaibigan nila, and just imagine the guilt they have to live with kung aamin sila syempre 'yong kaibigan nilang killer maiiwan.

- hindi ko na alam sino ang totoong killer. sa ibat ibang theories sa isipan ko, idagdag mo pa theories na nilalapag ng marami, wala na kong tiwala sa natitira. kahit sino sa kanila pwede na maging killer. or baka,,, lahat talaga sila

- Peter gawin mo ng free pag-stream sa Dollhouse mayaman ka naman, nauubos data ko yawa

- I don't think may sense pa kung aamin ang killer. I mean, maghihintay pa siya na maubos mga kaibigan niya? Mas better na kung mamamatay silang lahat diyaan. They are all selfish lalo na yung mga nakakaalam kung sino ang killer. They deserve to die in that dollhouse. #KillThemAll

- This dollhouse event really says alot about the reality of today's world.

- buti na lang wala na nagsasabi na prank 'to, pag talaga may nakita akong magcomment na "iSsA pRaNK 'tO" mananampal talaga ako

- Hindi ba natatakot yung mga bata sa mask na sinuot nila? Like its a sign na pwede sila mamatay sa loob.

- Sabi ko na nga ba wrong idea tong Albabe team eh 😭😭 Pero baka maganun din kay Gunner pero uwu ayaw ko padin :<<

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon