Dollhouse 031

59.9K 3.6K 6.6K
                                    

"Guys, si Prof. Azazel!"

"Why? What happened?"

"..... He's dead."

"What?"

"Natagpuan ang katawan niya sa abandoned building."

"He's all over my news feed. Damn."

"Sinunog at chinop-chop? Totoo ba 'to?"

"Ugh. Kadiri! Bakit ganito?"

"Sino gumawa nito?"

"He deserves it."

"Gunner, ano ba. Bunganga mo nga."

"Totoo naman."

"Isa ka pa, Ichiro!"

"Pansin kong kanina pa tayo pinagtitinginan ng ibang student. Ano meron?"

"Isa daw sa'tin ang pumatay kay Prof. Azazel."

"May mapagbintangan na lang. Mga tao talaga. Tss."

"Kaya nga. Oo, galit tayo sa Prof. na 'yon at halos isumpa na natin siya. Pero wala namang demonyo sa'tin, di ba?"

"......"

"......"

"......"

"Uhmm. Bakit kayo tumahimik?"
 
 

▬▬▬▬▬▬▬
 


 
── ♡├o HERA
  
 
"A-Alpha, no."

Napaluhod si Alpha sa sahig. Malalakas ang kanyang sigaw. Akmang lalapitan ko na siya nang bigla akong hinila ni Ichiro palayo.

"Hera, huwag ka lalapit." natataranta niyang sabi.

"Pero si Alpha!" sigaw ko.

"Tama na!" naiiyak na sigaw ni Flame.

"I told you, one wrong move, he's dead." tumatawa pa rin ang pusa na nasa screen. Palakas nang palakas ang kuryenteng naririnig namin. Kumikislap na din ang bakal sa lakas.

"AHHHHHH!"

Bumagsak na si Alpha sa sahig.

Muli kong narinig ang pang-asar na tawa ng pusa. "You saw everything, Alpha. You were with the killer that night. Why are you so silent? Has the cat got your tongue?"

Alpha saw the killer?

So totoo nga na may nakita siya kaya tinakpan ang mga mata niya?

Desperada akong tumingin kay Gunner. If Gunner is already claiming that he really killed Prof. Azazel, then why are we still playing the dollhouse?!

"Alpha..." naiiyak na sabi ni Java.

Nagulat ako nang lumapit siya bigla!

"Java, huwag!" sigaw ni Ichiro na binitawan ako at sumugod kay Java.

Mabilis ang sunod na pangyayari. Bigla kaming nasilaw sa isang malakas na liwanag na lumabas sa bakal na suot ni Alpha. Huling huli ng mata ko na hinila ni Ichiro si Java palayo kay Alpha na tila nawalan na ng malay. Ang malakas na ilaw mula sa kanya ay nasundang ng isang malakas na tunog ng pagsabog.

Napapikit kami ng mata at napatakip kaming lahat ng tenga sa lakas ng tunog. Tila umalog ang lugar na kinaroroonan namin.

"Alphaaaaaa!" hagulgol ni Babe.

..... Hindi ko kaya dumilat.

Malalakas ang iyak na narinig ko.

I can't.

DOLLHOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon