Chapter 3

5.2K 86 74
                                    

Hawak hawak ang calling card, sumakay ng jeep si Gerald patungong Makati. Doon ang nakalagay na address sa likod ng calling card.

Suot ay plaid polo shirt at kupas na maong, ang kaninang puno ng putik na suot at nadungisang mukha, guwapong guwapo si Gerald kahit na nga ba halata sa kanyang suot ang kahirapan. Suot nya ang pinaka-iingat-ingatan nyang sapatos na ginagamit nya lang sa mga espesyal na okasyon.

Oo nga at hindi naman espesyal ang okasyon ngayon, pero hindi naman sya puedeng basta na lang dadating ng nakatsinelas lang.

Presidente pa naman ng isang kompanya ang babaeng pupuntahan nya. Hindi nya alam kung haharapin sya nito pero kung hindi, iiwanan nya na lang ito sa security guard o sa reception. Basta ang mahalaga maibalik nya ang pera, para naman ang napingasang pride nya ay maibalik at mabuo ulit.

Barya lang siguro ang limandaang piso para sa babaeng yon, pero para kay Gerald malaking halaga na ito na hindi basta basta pinamimigay dahil lang sa isang inosenteng aksidente.

Hindi alam ni Gerald sa sarili nya bakit ba sya apektado masyado? Talaga bang gusto lang nyang isauli ang pera o gusto nya lang makita uli ang magandang babae?

Umiling-iling sya habang papalapit na ang lugar kung saan sya bababa.

Ayala Avenue. Yon ang nasa address. Kailangan nya na lang hanapin ang building at ang numero nito.

Naglakad lakad si Gerald hanggang nakita na lamang nya ang sarili sa repleksyon ng salamin ng mataas na building, ito na nga yon..tiningnan nya ang numero at pangalan ng building- ito na nga yon, sabi nya sa sarili nya.

Pumasok sya sa loob at nagtanong sa receptionist.

"Miss dito ba to?" tanong ni Gerald sa babae.

Tiningnan sya ng matagal ng babae na parang di naniniwala na hawak nya ang calling card, "May appointment ka ba sa kanya Mister?" tanong nito.

"Ah wala, hindi ba puwedeng sabihin na may isusuli lang ako sa kanya...o kung hindi sya puedeng makausap, iiwan ko na lang sayo," sabi niya.

Tiningnan ulit sya nito na parang iniisip kung sino ba sya.."Sandali, itatawag ko lang sa secretary nya, ano nga pala yong pangalan mo?" Tanong ulit nito.

"Gerald Angeles, pakisabi yong binigyan nya ng limandaan.." sabi ko pa sa babaeng ito na parang walang tiwala kung makatingin.

Binaba ng babae ang telepono pagkatapos nyang makipag-usap, sabay sabi.."May ID ka ba? Pinapaakyat ka sa opisina..heto yong visitor's ID.."

"Pasensya na Miss wala eh..." sabi ko. Wala naman talaga akong ni isang ID, nagsasabi naman ako ng totoo pero itong babaeng to parang ayaw maniwala.

Umismid ito sabay abot sa akin ng visitor's ID.."O ayan, pinapapaakyat ka naman...ngayon lang ito..malakas ka sa boss...nasa kaliwa yong elevator...nasa 29th floor ang office nya, magpakilala ka na lang pagpasok mo don sa receptionist nila..." sabi pa nito.

"Salamat," sabi niya at naglakad patungong elevator. Pinindot nya ang bilog na kulay pula at bumukas ang elevator, dali daling pumasok sya.

Hawak pa rin ang calling card habang nasa bulsa naman nya ang pera. Hindi naman sya ninenerbyos kanina, pero ngayon bakit parang ninenerbyos na naman sya? Takot ba syang makaharap ang babae? O naiilang lang sya dahil wala sya sa lugar na kumportable sya?

Pinindot nya ang 29 at dahan dahang tumaas ang elevator. Unang beses pa lang nya itong makapasok sa elevator, kahit una nya, alam nya naman itong gamitin dahil sa nakikita nya sa mga pelikulang napanood nya dati.

Nang tumunog at bumukas ang elevator, nakita nya ang opisina at ang pangalan ng kompanya gaya ng nasa calling card.

Pumasok sya at nagpakilala sa receptionist.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon