Chapter 10

3.9K 68 9
                                    

Hinatid ni Gerald si Sarah sa bahay nito.

Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan para sa dalaga,"Salamat Ge ha..I had a fun time.." she said.

"Naku Ma'am..este Sarah wala yon, ako nga ang dapat magpasalamat. Ang daming pagkain akong dala at may mga bagong damit pa ako..Salamat uli," Sabi ni Gerald sa dalaga.

Kinuha ni Gerald ang mga shopping bags, at humabol sa dalagang binubuksan ang pinto ng kanyang bahay.

"Gusto mo bang magkape Ge, pasok ka muna.." anyaya ni Sarah sa binata.

"Ah naku gabi na at hindi naman ata magandang tingnan na may lalake sa bahay mo sa ganitong oras," paliwanag ni Gerald.

"Napaka-Conservative mo pala Ge..haha okay sige...para ka namang pagsasamantalahan eh...joke lang..ok goodnight see you tomorrow Ge,"sabi ni Sarah sabay abot ng mga shopping bags, habang inaabot nya ang mga bags hindi sinasadyang nagtagpo ang kanilang mga daliri.

Parang nakuryenteng nahablot ni Sarah ang kamay sabay pasok sa bahay, para namang napaso si Gerald at napaigtad ng konti.

Bago isara ng dalaga ang pinto, "Goodnight uli Ge.."

Ngumiti si Gerald at kumaway,"Goodnight din...Salamat uli," sabi pa nito.

Pinaandar na ni Gerald ang sasakyan para makauwi na sya.

Pagdating nya sa bahay, tuwang tuwa sina Ikay at Janus pati ang nanay Nya.

"Ang sasarap naman nito Kuya, ang suerte natin Kay Ate Sarah noh?" sabi ni Ikay.

"Oo nga Kuya Ge, ngayon lang tayo nakatikim nito," sabat naman ni Janus.

"Mukhang kinagigiliwan ka masyado nitong boss mo ha Gerald?" sabi naman ng Nanay sa nanunuksong tono.

"Hindi naman nay, mabait lang talaga si Sarah," sabi ni Gerald.

"Kuya! Sarah na lang ang tawag mo..at iba ang pagkakasabi mo ah,may lambing sa dulo!" tukso ni Ikay sa kapatid.

"Heh...Kung ano ano ang napapansin mo Ikay- kunin ko kaya yang manok na pinapapak mo!" ganting biro ni Gerald sa kapatid.

"haha si Kuya defensive masyado...in fairness lalo kang gumuguapo in love ka na ba Kay Ate Sarah?" sabi pa ni Ikay.

Pumasok si Gerald sa kuarto,"Magpapahinga muna ako...enjoy kayo sa food- Minsan Lang yan haha," sabi Nya bago sinara ang pinto.

Habang nakahiga si Gerald, Kahit Hindi pinipilit- ang mukha ng magandang boss ang pumasok sa isip nya- ang ngiti nito at ang pagka-bossy nito, na gusto naman nya.

Napakagat sa kuko si Gerald habang ngingiti ngiti,"Tama nga yata si Ikay? Naiinlove na nga ba ako sa'yo Sarah? Hindi dapat...masasaktan Lang sya...dahil sa akin," saloob loob nya.

Nakatulog si Gerald na si Sarah ang laman ng isipan....at puso, nang di niya namamalayan.

Heaven By Your Side (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon