Wattpad Original
There is 1 more free part

CHAPTER 7

145K 4.6K 887
                                    

CHAPTER SEVEN




"WHAT'S your plan for your birthday?"

Napasulyap siya kay Howell mula sa kinakain. They are having their dinner at Altaraza Hotel. May iilan silang guest na kasabay kumain. Magkakalayo ang agwat ng mga lamesa kaya naman mas nabibigyan ang bawat isa ng tamang privacy para makapag-usap nang maayos.

The candle lights and glasses of wine above the table makes her feel like they are having a dinner date. Hindi na dapat bago sa kanya ang bagay na 'yon lalo at pangatlong gabi na nilang kumakain nang gano'n ang ayos ng lamesa.

The restaurant of the hotel offers a luxurious and romantic vibes to their guests. Aside from the great foods from an international chef, the hotel staffs services are excellent.

Is it because they are VIP? She doesn't think so. This five star Altaraza Hotel is more than what she expected to be.

"I honestly don't have a plan yet."

Howell smoothly sliced a small amount of meat using a knife. He's wearing a white short sleeved polo that shows the muscles on his arms. The sexy veins on it down to the back of his hand are very hard not to notice.

Nakikita niya na naman ang mga ugat na 'yon sa Kuya Keith niya. Ang pinagkaiba lang ng dalawa, mas marahas ang ugat na nakikita niya sa kapatid, kumpara sa ugat ni Howell na para bang tahimik lang, pero malupit. Na para bang sa klase niyon ay kayang-kaya siyang buhatin nang walang kahirap-hirap.

"It's your 18th birthday. It should be special and memorable."

Sa totoo lang ay hindi na siya makaramdam ng excitement sa 18th birthday niya dahil sa nangyayari ngayon sa kanyang pamilya. Her father left them, her mother is in the rehabilitation center while her brother is somewhere she doesn't know.

Kaya paano niya pa maiisip ang kaarawan niya? Kung wala naman ang mga taong gusto niyang makasama sa espesyal na araw na 'yon. Ang tanging inaasahan niya lang ay uuwi ang Kuya Keith niya sa birthday niya kaya dapat lang din na kahit papaano ay paghandaan niya.

"Wala naman sina mommy at daddy kaya paano magiging espesyal at memorable ang araw na 'yon?" Napabuntong-hininga siya, nalulungkot na naman.

She continued eating her Italian pasta, but she's aware with Howell's stares.

"You can at least tell me what do you want to do on your birthday? Or, where do you like to go?"

Hindi na siguro ito nakatiis sa pananahimik niya at hindi siya tinantanan tungkol sa birthday niya.

"Well... Kuya Keith promised that he will be here on my birthday. Simpleng salo-salo lang, ayos na sa'kin 'yon."

"Paano kung hindi siya makapunta?"

It was just a casual question but it caught her attention. When she looked up at him, he immediately caught her eyes with his. Those deep beautiful serious eyes make her feel uneasy. Behind him is a glass wall and dim yellow lights hanging from the outside, making his aura look darker for some reason.

Sinubukan niyang alalahanin kung may pagkakataon na bang napako ang mga pangako sa kanya ng Kuya Keith niya? Pero ni isa, ay wala. She's very confident that her brother will come on her birthday.

"I know Kuya Keith will be here on that day. He would not miss it."

"Well, yeah. If he promised you that, then, he meant it. But, I was giving you an option. Paano kung..."

"Kung hindi..." she cut him off. "I would not celebrate my birthday. Simple as that." She shrugged her shoulders, telling him that her eighteenth birthday is not a big deal to her.

Pansamantala siyang pinagmasdan ni Howell. Nananantiya ang tingin nito. Sa huli ay mahina itong naglabas ng hangin sa bibig na para bang bigo na naman.

"Are you going to invite me?" he asked. His tone was a bit hesitant! Tapos ay napainom sa wine, naka-iwas ang mata sa kanya.

"Why not? If you're not very busy..."

"I'm not busy," he answered quickly.

Yane nodded her head. "Okay, punta ka sa birthday ko."

Howell cleared his throat before he sipped on his wine again.

"Baka sa condo na lang din ako mag-celebrate. Sasabihan na lang kita," dagdag niya pa.

"Okay." He's back with his cold tone, like it doesn't really matter to him.

Huh, parang kanina lang nag-aalangan ito sa tanong kung iimbitahan niya ba, tapos ngayon ay bumalik ang pagiging masungit.

Now that she expected another visitor for her birthday, it inspired her to feel excited to celebrate it. Kung makakasama niya lang talaga ang buong pamilya niya, mas masaya. Kahit sana makita niya lang ang mommy at daddy niya bago siya mag-birthday, ayos na sa kanya 'yon.

"What are you thinking?"

Wala sa sariling naihinto niya ang paglalaro sa juice sa baso niya sa tanong ni Howell. She wasn't aware that he was watching her moves and it seems like he knows that she was thinking of something.

"Huh?"

"I said, what were you thinking? Hmm?"

"Uh, can I ask for another favor?" She bit her lower lip shyly.

Howell groaned when his eyes went to her lips, before he tilted his head back and closed his eyes as if avoiding the view in front of him, which is her.

"What is it?" His voice was deep.

"Can I visit my mom before my birthday?"

Was it too much to ask? For a favor? Ang sabi sa kanya ng Kuya Keith niya kapag gusto niyang bumisita sa mommy nila ay sabihan niya si Howell.

"Yeah, of course."

"Sasamahan mo ako?" alangang tanong niya at mas lalong nakaramdam ng pagka-alanganin nang matamang tingin lang ang isinukli ni Howell sa kanya. "Hmm, kung busy ka, pwede namang hindi ka sumama. Bigyan mo na lang ako ng permiso para payagan akong makabisita kay mommy."

"Sasamahan kita."

Yane felt like her eyes twinkled when she heard that. Marahil ay kitang-kita sa mukha niya ang excitement na makita ulit ang mommy niya kahit pa palihim lang.

"Thank you! Thank you talaga, Howell!"

She can't help the overwhelming feeling inside her. Halos mapatayo pa siya para yakapin ito kung hindi niya lang napigil ang sarili.

"Now, finish your food and take a rest."

Nang tingnan niya ang plato sa harap ay medyo marami pa pala 'yon, samantalang si Howell ay kanina pa tapos kumain. Nililibang na lang nito ang sarili sa pagsimsim sa wine habang hinihintay siyang tuluyang matapos. May dessert pang paparating at hindi niya 'yon palalampasin.

"It's fine. Take your time," anito nang maramdaman sigurong medyo nahihiya siya sa mabagal niyang pagkain at sa pinaghihintay nito.

"Matagal talaga akong kumain." Napanguso siya.

"I know." He sounds amused.

Sa bagay, sa ilang beses nilang palaging magkasamang kumain, hindi na nakapagtatakang alam nito 'yon. At, mukha namang nasasanay o sinasanay na nito ang sarili sa kakuparan niya pagdating sa pagkain.

Knowing that Howell's time is precious, it made her feel embarrassed for not thinking about how much time he wasted while waiting for her.

"Sorry..."

"No worries. It's cute."

Sinimangutan niya lang ito. Hindi siya sigurado kung totoo ba ang sinabi nitong cute ang mabagal niyang pagkain o pampalubag loob lang sa kanya.

IT FEELS like their short vacation wasn't enough for Yane. Nang gabing inihatid siya ni Howell sa condo unit niya, para bang gusto niya ulit mag-request ng susunod na bakasyon ngunit naisip na rin niyang masyado na siyang maraming pabor na hiningi sa binata at maraming oras na nito ang nasayang para sa kanya.

That time, she didn't let herself to be selfish again. Alam niyang may trabaho si Howell na kinakailangan ng buong atensyon nito at ayaw niyang agawin niya na naman ang atensyong 'yon.

"So, ano ang ginawa niyo?" usisa ni Akira na kausap niya sa kabilang linya.

"Nag-swimming at nag-shopping lang."

"'Yon lang? Hindi ka ba na-bore?"

"Hindi. Gusto ko pa nga sanang mag-extend ng araw kung hindi ko lang iniisip na may trabaho siya."

"Hindi ka man lang ba hinalikan?" Inisnob nito ang sagot niya at mas na-curious pa sa halik ni Howell!

Bakit naman siya hahalikan ng binata? Hindi naman sila magkasintahan!

"Halik? Hindi!"

Ang naaalala niya lang na naging sobrang mas malapit sila ay sa tuwing nagsu-swimming sila sa umaga. Palagi nilang pinanonood ang pagtaas ng araw habang nasa likod niya si Howell na halos nakayakap sa kanya. Bukod do'n, wala nang ibang pangyayari na naging malapit sila.

Kahit na sa tuwing ihahatid siya ni Howell sa hotel room niya, mas napapansin niya ang pagiging distant nito sa kanya na para bang kapag dumampi ang balat niya rito ay may magagawa itong hindi niya inaasahan. They always ended up saying good night to each other before he closed her door.

"Ang hina naman pala ni Doc. Ilang araw kayong magkasama pero hindi man lang nakahalik sa'yo?"

"I am not her girlfriend. Kiss is not needed though."

"Ang inaasahan ko, may makakukuha na ng first kiss mo bago ka mag-eighteen."

Napailing siya sa iniisip ng kaibigan. Ni hindi nga pumasok sa isip niya ang halikan o makatanggap ng halik kay Howell. Even if she found his lips sensual, she avoided thinking about kissing him. She was just curious how many women tasted his lips already.

"Huwag mo nga akong igaya sa'yo, Akira. Hindi na birhen ang labi mo."

"Because I love kissing. Ikaw ha, baka kapag nakatikim ka ng halik ay hanap-hanapin mo."

"No way!" Bumaliktad siya hinihigaan, napaiirap sa topic nila.

"O, baka naman nagsisinungaling ka sa'kin, ha? Baka naman nahaikan ka na ni Doc Howell o may mas higit pa kayong ginawa," paratang pa nito na tinawanan niya.

"Gaga! Ano naman ang gagawin namin? Magkahiwalay ang silid namin 'no."

"Sa itsura pa lang ni Doc, halatang marami nang karanasan sa mga babae. Hindi ba talaga siya sumubok na halikan ka?"

"Hindi."

Ah! Wala talagang ipinakitang interes sa kanya si Howell na gusto siyang halikan. Yakapin, oo, pero hindi halik!

"Paano kung nagpipigil lang si Doc?"

"Anong nagpipigil?" curios na tanong niya, magkasalubong na ang mga kilay.

"You know, maybe he wanted to kiss you but he was controlling himself because you're still a minor."

"Bakit mo ba siya pinag-iisipan nang ganyan? Howell is an honorable man. He would not do such things that would ruin his name."

Hating gabi na at ang topic nilang magkaibigan ang nagpapawala ng antok niya. Sa balcony ay tanaw niya ang maliliit na ilaw galing sa malalaking gusali. Halos tabunan na ng mga ito ang kadiliman ng langit at ang mga masisiglang bituin.

"Bakit hindi ko siya pag-iisipan ng gano'n? Hindi mo ba kilala ang mga kaibigan niya?"

"Not really. But I got to know some of their friends when my brother and I went to D' Club which the owner is also one of their friends. I met one of Altaraza's brother, Carter, if I'm not mistaken."

"Wait, Yane, ha. Wala namang English-an."

Pareho silang natawa ro'n. Nakatatawang isipin na kahit ang babaw lang ay pareho silang natatawa. Magkaibigan nga talaga sila.

"Pwede namang si Colton o Clane ang ma-meet mo, bakit 'yon pang pinakababaero ang nakadaupang palad mo?"

"You know, Carter?"

"Yeah." Halos ma-imagine niya ang pag-ikot ng mata ni Akira.

"Paano?"

"Geez, Yane. You're outdated. Pwede bang maging active ka naman sa social media kahit minsan?"

Umirap siya. The thing is, she is not into social media. Though, she has social media accounts but she doesn't use it. Nakabinbin lang ang mga 'yon at ang dalang niya rin namang bisitahin.

"I will try," she lazily muttered.

"So, heto na nga..." patuloy ni Akira, hindi paaawat sa mga tila balitang nakalap. "Carter is kinda famous in social media."

"Dahil guwapo," patuloy niya at aminadong magandang lalaki nga talaga ito.

"Hindi lang do'n. Marami rin siyang babae!" Halos mandiri ang kaibigan.

"Ay, turn off."

"Yeah. Their friends are all womanizers. That's why I was very confused that Howell treated you good. Samantalang may mga bali-balitang tahimik lang din 'yan kapag may babae. O, baka may girlfriend siya ngayon kaya hindi na rin pumorma sa'yo."

"Wala raw siyang girlfriend." And he doesn't do girlfriends and relationships.

"Sabi niya lang 'yon. Meron 'yan, nakatago lang." Tila pandedemonyo sa kanya ng kaibigan. "Ang fresh ni Doc, di ba? Kahit nagsusuplado? It means, his sex life is active."

Wala yatang maidudulot na maganda sa kanya ang pinag-uusapan nila ni Akira dahil maisip niya pa lang na nagsinungaling si Howell na wala itong girlfriend ay nagngingitngit na ang kalooban niya. Iyon pa kayang isipin niya na active ang sex life nito?

Lalo pa ngayon na napakadalang na mag-text o tumawag ni Howell simula nang matapos ang maiksing bakasyon nila. Maybe he's really busy at work, but right now, her mind told her that he's also busy with his secret girlfriend!

"Kaya pala madalang na siyang magparamdam sa'kin. Baka busy sa girlfriend." Medyo may disgusto sa tono niya.

"Oo, Yane. Siyempre di ba, ang mga doktor palaging pagod sa trabaho 'yan. At ang klase ni Doc Howell na guwapo, matalino at mayaman pa, madali lang makakuha ng sex sa kanya bilang pampatanggal niya ng pagod."

Kung magsalita si Akira, para bang ang dami nitong alam sa mga bagay-bagay. Samantalang ang alam niya, pareho lang silang wala pang karananasan sa pakikipag-talik.

"Ibig sabihin, sex ang pahinga niya?"

"Pwede."

"Saan mo naman nalaman ang lahat ng 'yan?" kaswal na tanong niya kahit na nag-uumpisa nang mag-ngitngit ang kalooban!

"Come 'on, men loves sex. Kahit pagod pa ang mga 'yan, basta may sex, hindi magdadalawang isip ang mga 'yan. Especially that they are with their hot babes who are good in bed!"

Isang mataray na irap pa ang pinakawalan niya bago tuluyang talagang nademonyo ang kaisipan niya tungkol sa bagay na 'yon na ginagawa ni Howell.

"Okay. Bukas naman ulit tayo mag-usap. Inaantok na ako, e," matamlay na paalam niya.

"Alright. Matutulog na rin ako. Good night, Yane. See you soon."

"Night. See you." The line was cut off.

Yane annoyingly typed a message for Howell. Hindi niya palalagpasin ang gabing ito na hindi nasasabi sa binata ang lahat ng bumabagabag sa kanya at nagpapakulo ng dugo niya! She needs to let these all out so she can sleep well.

To: Howell
Kaya pala hindi ka na masyado nagte-text at tumatawag sa'kin dahil busy ka sa girlfriend mo. Ayos lang, basta 'yong usapan natin na sasamahan mo ako kay mommy, sana matupad mo.

Message sent.

Nang ilang sandali na wala siyang natanggap na reply ay mas lumakas ang paniniwala niyang may kasama si Howell na babae lalo at gabi na. Busy na ang mga ito. She then typed another message as if it would lessen the annoying feeling inside of her.

To: Howell
You lied to me. You said you don't have girlfriend, but you have. Kaya pala guwapo ka palagi dahil active ang sex life mo.

Pagkatapos niya mai-send ang mensaheng 'yon ay inilapag niya na ang cellphone sa lampshade table. Sinubukan niyang matulog nang matiwasay pero ang maruruming imahe ni Howell na may kasamang hubad na babae ay siyang nagpapagalit sa kanya at nagpapagising!

"How dare you! Liar!" she kept on murmuring with so much hate and annoyance.

Pinipilit niyang matulog kahit alam niyang hindi siya magtatagumpay, hanggang sa mag-vibrate ang cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Hindi niya pa naman nakikita kung sino ang nag-message pero nagwawala na ang tibok ng puso niya!

Slowly, Yane turned her head to the table. Nakailaw 'yon at tanaw niya ang pangalan ni Howell. Umirap siya at galit na hinaklit ang cellphone para mabasa ang mensahe.

From: Howell
Who told you that?

Nanliit ang mga mata niya sa ka-inosentehan sa message ng binata. Mabilis siyang nag-reply. Nanginginig pa ang mga daliri niya sa sobrang inis!

To: Howell
It's not important. You're such a liar!

When she sent it, she put back her cellphone to the table. Ayaw niya nang maghintay ng reply galing sa binata. Paano kung hindi na mag-reply? Mas nakagagalit 'yon dahil naghintay siya sa wala!

Ilang sandali lang matapos niyang mai-send ang text niya ay muling nag-vibrate ang cellphone niya. This time, it really made her heart go wild when she saw that Howell is fucking calling her!

Sa taranta at galit ay hindi niya na sinagot pa ang tawag at nagtalukbong na lang siya ng kumot! Hinayaan niyang matapos ang tawag.

After the ring, her cellphone vibrated shortly for a text message. Kinuha niya 'yon. Kaya niyang magbasa pero hindi niya kayang makausap si Howell. Baka ratratin niya lang ang binata hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.

From: Howell
Baby... pls, answer my call.

Another text message popped up.

From: Howell
I will go there. Let's talk.

Kumalabog nang husto ang dibdib niya na tila ba nahihirapan na siyang huminga! How dare he show his face again after lying to her?!

She angrily typed a reply.

To: Howell
Wag kang magpunta rito! Magsama kayo ng girlfriend mo! Ayaw na kitang makita!

After she sent her last message, she deleted his number and turned off her cellphone!

Territorial Men 7: Howell BancheroWhere stories live. Discover now