Wattpad Original
There are 3 more free parts

CHAPTER 5

150K 5K 574
                                    

CHAPTER FIVE




YANE finished packing her clothes to bring to Altaraza Hotel. Habang lumilipas ang mga araw ay nasasanay na siyang mamuhay mag-isa.

She admits that being alone most of the time isn't a good feeling. Iba pa rin talaga kung sa bahay niya sila nakatira. Kaya lang ay iba na ang ikot ng mundo ngayon. Hindi na tulad ng dati ang buhay niya.

Sa parte niya, palagi na lang nagbabago ang takbo ng buhay niya. Palagi na lang may mga bagay at pangyayaring hindi niya inaasahan na darating.

Ito na nga siguro ang kapalaran niya... ang mabuhay nang walang katiyakan na mananatili sa kanya ang mga bagay o kahit tao pa 'yan na naging bahagi ng kanyang buhay.

Parang agos ng tubig sa ilog na kailangan niyang sabayan at hintayin kung saan ba talaga ang hangganan ng lahat ng ito, o kung may hangganan nga ba?

Muli siyang napapikit nang dumampi sa kanyang mukha ang maligamgam na tubig, pababa sa kanyang leeg at hubad na katawan. Hindi siya sigurado kung ilang minuto na siyang nagmumuni-muni sa loob ng shower room. Hinihintay niya ang pagdating ni Howell upang sunduin siya.

Noong isang araw ay umalis na ang Kuya Keith niya matapos maipasok sa rehabilitation center ang mommy nila. Kaya naman mas labis niyang nararamdaman ang pagiging mag-isa talaga. Mas nananaig ang kalungkutan sa loob niya dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay niya.

"KAILAN ka babalik?" malungkot na tanong ni Yane sa kapatid.

Keith carried the black duffel bag on his right hand like as if it wasn't heavy as fuck. Sinubukan niyang buhatin iyon kanina kaya lang ay sumuko rin siya dahil sa bigat.

"I will be here on your birthday."

"Ilang buwan pa bago ang araw na 'yon, kuya."

"Wag mong bilangin para hindi ka mainip."

Inilagay nito ang duffel bag sa compartment sa likod ng sasakyan nito, pati na rin ang travel bag pack, bago bumalik sa driver's side kung nasaan siya nakatayo. Kulang na lang ay sumama siya sa kapatid.

"Tatawagan mo ako? Magbabago ka na naman ng number?"

Namaywang ito, itinagilid ang ulo at binabalanse ang tingin sa kanya.

"Tatawagan kita."

Gusto niyang bigyan ang sarili ng assurance na tatawagan talaga siya ng kapatid, kaya lang ay kailan? Gayong alam niyang hindi ito nagbibigay ng araw o oras pagdating sa pakikipag-komunikasyon sa kanila.

"Saan ka ba ngayon madedestino?"

"I don't want you to know my whereabouts, Yane." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "But, I will try my best to keep my eyes on you."

"Paano mo naman gagawin 'yon?" paduruda niya.

She's not that very stupid to know that her brother is in military and working there is very risky. Pero ang bumabagabag sa kanya ay bakit tila may itinatago ito sa kanya tungkol sa totoong trabaho nito? Sa totoong posisyon nito sa militar? He doesn't even have a picture of him wearing his military uniform. Or, maybe he kept it?

Napailing ito. "I have my resources, Yane. So, you better be good here while I am away."

"Paano kapag may nanligaw sa'kin?" Pilya niya itong nginisian. "Hindi mo malalaman. Kahit gusto ko man ipaalam sa'yo, paano? Wala akong number mo at hindi ko alam ang totoong email address mo. You're very secretive, Kuya Keith." I hate that! She almost said that.

"Maganda ka at normal lang na may manligaw nga sa'yo. Pero... hindi pa kita binibigyan ng permiso na magkaro'n ng boyfriend."

"Kapag... eighteen na ako, pwede na akong mag-boyfriend, di ba?" she trailed off.

His eyes narrowed. Then, he pursed his lips, like as if he disagrees.

"Hindi naman kita pipigilan, Yane. Pwede ka nang mag-boyfriend sa edad na 'yan." Sa paraan ng matiim na tingin nito, nakapagtatakang payag na ito sa bagay na 'yon. "Ang gusto ko lang ay ipakilala mo sa'kin kung sino man ang tarantadong magiging boyfriend mo para mabalatan ko nang buhay-"

"Kuya!" Nanlalaki ang mga mata niya, na tinawanan lang nito.

"Anyway, I have to go."

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. Tapos ay napabuntong-hininga ito.

"Mag-iingat ka, kuya." Pinilit niyang ngumiti kahit na naluluha na siya.

"Yeah. You too."

Muling yumakap sa isa't-isa ang dalawa bago ito tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang buwan niya na namang hindi makikita ang pinakamamahal na kapatid. Masasanay din siya.

NAGMAMADALING nagtapis si Yane ng tuwalya sa hubad na katawan nang marinig ang dalawang magkasunod na doorbell. Napasarap ang pagmumuni-muni niya sa ilalim ng tubig at hindi na namalayan na may bisita pala siyang hinihintay.

The way the doorbell rings, it was urgent.

"Heto na, po!"

Dali-dali siyang napatakbo sa pinto at sinilip sa peephole kung sino ang nasa labas. Nang makita na si Howell 'yon ay binuksan niya kaagad ang pintuan.

"H-Hi, sorry, naliligo kasi ako." She forced a cute smile when she saw his grumpy face.

Marahil ay kanina pa ito naroon at nagdo-doorbell, hindi niya lang napansin dahil masyadong okupado ang isip niya. Lalo na at nakikita niyang nahalinhinan ng pag-aalala ang guwapo nitong mukha.

"Hindi ko kaagad narinig 'yong door... bell..." Bumagal ang pagbigkas niya ng mga salita nang mapansin niya paglunok nito. His Adam's apple bobbled up sexily.

Nang mag-angat siya ng tingin ay halos maabutan niya ang mga madilim na mga mata nitong dumaan sa dibdib niya.

Yane bit her lower lip. She felt like her cheeks were burning. Pasimple niyang tinignnan ang kalagayan niya. Yakap niya ang puting tuwalya, upang hindi iyon bumagsak. Ang ibabaw ng dibdib niya na dinadaluyan ng mumunting tubig galing sa basang buhok ay nakasilip, tila nanghahalina.

"U-Uh." She panicked.

Howell cleared his throat casually. Para itong nahimasmasan sa panandaliang pagkawala sa kinakatayuan.

"You better go back to the shower room, Yane."

Dinaan niya sa maiksing tawa ang hiya at kaba.

"O-oo nga. Pasok ka." Pagkasabi niyon ay mabilis siyang tumalima.

Pagbalik niya sa loob ng shower room ay labis ang pag-iinit ng kanyang buong mukha lalo at nakita niya na ng harapan ang sarili. Kaunting galaw lang ay mahuhulog na ang tuwalyang nakatapis sa kanya at talagang nagpakitang gilas ang cleavage niya!

Gusto niyang sambunutan ang sarili pero mas nanaig ang dapat niyang gawin... ang kumalma at humarap kay Howell na para bang hindi niya ito sinalubong nang halos makita na ang buong kaluluwa niya!

Hindi naman siya mukhang nang-aakit, di ba? Though, para talagang nang-aakit ang sitwasyon niya kanina. Hindi niya ginustong humarap nang gano'n ang ayos sa binata. It's a shame to act like that in front of the honorable, Doctor Howell Banchero.

Makalipas ang ilang minutong pangkakastigo sa sarili, lumabas si Yane sa silid niya suot ang simpleng kulay beige na dress. Manipis ang strap niyon at ang haba ay hanggang sa itaas ng kanyang tuhod.

After what happened a while ago, she became more conscious about how she represents herself to Howell.

Nang mga unang araw ay hindi na talaga siya komportable sa presensya ng binata, ngayon pa na nakagawa siya ng palpak sa paraan ng pakikiharap niya kanina. Ikinahihiya niya talaga ang sarili sa kilos niyang 'yon na hindi pinag-isipan.

Tumayo si Howell mula sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong siya. Madaragdagan pa sana ang kaba niya sa paglapit nito kung hindi lang lumayo kaagad pagkatapos kunin ang suitcase na hila niya.

"Shall we go?" he asked.

"Yes."

Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Kung bakit ay nababanaag niya pa rin ang tila pilit na itinatagong iritasyon sa mga mata nito.

Nauna siyang naglakad kay Howell, hindi dahil excited siya kundi dahil gusto niya nang makawala sa mga tahimik at nananantiyang tingin nito sa kanya.

Hanggang kailan kaya siya masasanay sa mga magagandang matang 'yon? Na kung tumingin ay para bang hindi pa siya nagsasalita ay alam na ang tumatakbo sa isip niya.

"How many days do you want to stay in the hotel?" Howell asked her the moment they entered his black tinted Range Rover.

She really doesn't care about luxury cars. She's fine with simple one but she can't deny the fact that being inside Howell's car is kinda impressive. She could almost smell his scent inside. Bakit hindi? Masyado silang malapit sa isa't-isa kaya hindi na nakapagtatakang maamoy niya ang binata.

She's starting to get familiar with his scent. Medyo nakababahala na baka maghangad siyang maamoy ito palagi pagdating ng araw.

"Hanggang kailan ba ako pwede mag-stay do'n?"

Sinulyapan siya nito at napansing hindi pa siya nakapagsi-seatbelt. Bago pa ito makaisip na ito pa ang magsuot niyon sa kanya ay inunahan niya na. Hindi lingid sa kanya na masyado itong maingat. Gano'n ang mga doktor, hindi ba? Their priority is the safety of the people, their patients.

"Kung hanggang kailan mo gusto."

"Hindi ko pa alam. Ayos lang ba sa'yong samahan ako?"

Ngayon ay nag-aalangan na siya. Paano kung magustuhan niya sa hotel at magdesisyong manatili roon ng ilan pang araw? Sasamahan pa rin kaya siya ni Howell? Kung hindi, ayos lang sa kanya.

"Ayos lang."

"Hindi ka ba busy?"

Her eyes went down to his veiny arms. Now that he's wearing a white polo shirt, his veins are visible to her eyes.

Malinis ang kutis nito na nagpi-pink pa. Mahihiyang tumabi ang mga may hindi kaputiang balat.

"I can manage my schedule. Just let me know how many days do you want to stay."

Napasandal siya sa inuupuan. Itinuon niya ang tingin sa kalsada sa harap.

"How about four days and three nights?"

"Okay."

"Is that really okay?" paninigurado niya pa. "Hindi ka hahanapin ng mga patient mo?"

Howell glanced at her. His eyes told her that he can always do something just to be available... for her. Tama ba ang interpretasyon niya?

"Don't worry about that."

Still, she's not convinced. How hectic is his schedule again? Tight like a virgin pussy? She remembered those bold words from her brother. That made her cheeks burn.

"Ibig sabihin, sa hotel ka rin matutulog?" Ah, bakit niya pa ba tinanong 'yon? Halata naman ang sagot.

"Yes, I will stay in the room next to yours."

Tumango-tango siya at nanahimik na.

Makakasama niya ang binata ng ilang araw? Hindi kaya sila ma-bore sa isa't-isa? Hindi naman sila close. Ano ang pag-uusapan nila? Tama ba itong desisyon niya?

Pakiramdam niya nga ay nakai-istorbo siya kay Howell. Imbes na nagtatrabaho ito, heto at sasamahan siya sa pagliliwaliw niya sa sarili.

ALTARAZA HOTEL is one of the luxury hotels in the Philippines. She's lucky enough to have a VIP pass and to have a brother who's friends with the Altarazas. Aside from that, she's with Howell. She learned that he's also close to the Altarazas.

Nang makarating sila sa hotel ay kaagad silang inasikaso ng mga staff. Halatang kilala na si Howell ng mga empleyado. Marahil ay madalas ito sa lugar.

"Good afternoon, Doc Howell. It's an honor to see you again here," the pretty receptionist politely greeted him. But the man beside her did not say a thing. He just nodded like as if the woman understood his silent treatment.

"Here's your room key, Doc." The woman handed him the gold key card, then her eyes went to her and smiled. "You must be Sir Keith's sister? Ma'am Yane?"

"Yes," she answered and she smiled back.

"Here's your room key, ma'am."

"Thank you."

When she looked at the gold key card, her brother's name was written on it. It's personalized and exclusive for very important guests.

The hotel staffs assisted them. Ang mga ito ang nagdala ng gamit nila hanggang sa makarating sa tamang palapag. There are so many closed doors until the staff stopped in front of the door at the corner.

"This is your room, ma'am." Binuksan nito ang pinto at awtomatikong bumukas ang ilaw at sinalubong sila ng lamig.

There's a balcony and she can almost see the busy city. The king sized bed is too big for her but she's very fine with it.

"If you need anything, you can call us with this number." Panay ang paliwanag sa kanya ng staff na tinatanguan niya lang.

"No, I'm not gonna stay here." Howell suddenly stopped the other boy who's walking inside, carrying his bag.

"Oh, sorry, Doc." Sabay balik sa labas, dala ang bag.

"Kindly bring it to my room." And he gave his key card to the other boy.

Nang makaalis ang dalawa ay bumalik ang pakiramdam niyang hindi mapakali kasama ang binata. Yane walked towards the large bed and made herself comfortable by sitting at the edge of it. Habang si Howell naman ay naglakad papunta sa balcony upang buksan pa nang bahagya ang makapal na kurtina para pumasok ang liwanag sa loob.

He's against the light. His wide and muscular built is very hard to ignore. His polo shirt hugs his body sinfully and damn boy, he has a sexy round butt!

What? Did she just praise his butt?

She's shamelessly ogling at that part without him knowing it!

"Are you okay with this? Or you want it dark?"

Howell suddenly turned around, giving her the full view of the bulge between his thigh! His a bit tight khaki pants is not helping though!

Mabilis na iniwas niya ang tingin sa parteng 'yon ng katawan ng binata. What a shame, Yane?

"H-Ha? Yeah, yes. Ayos lang sa'kin ang liwanag." Halos kapain niya pa ang sagot niya.

Nang hindi sumagot si Howell ay unti-unti niyang ibinalik ang tingin dito. His index finger is in his lower lips, slightly pressing it, as if he was thinking on something while staring at her.

Did he catch her ogling at his sexy butt? At hindi niya sinasadyang matingnan din ang umbok sa pagitan ng mga hita nito. Bakit ba kasi bigla bigla na lang humaharap? She felt so guilty.

"Why are you looking at me that way?" She sounds so defensive!

Uh, pakiramdam niya tuloy ay ang laki ng kasalanan niya at pinagtatakpan niya. Ang likot likot naman kasi ng mata niya.

"You, naughty girl."

"I... hindi ko sinasadyang tumingin sa ano mo." Uminit ang pisngi niya. Bakit ba siya nagpapaliwanag?

"Oh?" He's nodding his head, amused now.

Humalukipkip siya. Kailangan ay depensahan niya ang sarili. She lifted one of her eyebrows.

"Kung hindi ka biglang humarap... hindi ko, hindi ko naman matitingnan 'yan." Pinilit niyang huwag nang tingnan ang parteng 'yon, imbes ay umirap siya.

"It's my fault, then?"

"Yes!" she answered quickly.

"Well, this part of me is really..." He did not finish his sentence. "Anyway, I will see you at dinner."

"Okay."

Humakbang ito palapit sa kanya. Nagbigay lang ng sapat na distansya sa pagitan nila. Ngunit hindi niya pa rin ito magawang tingnan nang deretso. Sa kabilang panig siya nakabaling na para bang makagagawa na naman siya ng kasalanan kapag tiningnan ito.

"At, huwag kang basta-basta magbubukas ng pinto nang..." Naghintay lang siya ng susunod na sasabihin nito. "... nang ganoon ang itsura mo kanina."

Okay, she got it.

"Hindi ko na naisip ang itsura ko kanina. Ayoko kasing maghintay ka..." Humina ang boses niya. Pero iyon ba talaga ang dahilan? O, sadyang nataranta lang talaga siya?

"I'm willing to wait, Yane." His voice was raspy.

Umusli nang bahagya ang labi niya. Sa susunod, hindi na siya matataranta magbukas ng pinto kung ganoong handa naman pala itong maghintay?

"Paano kung hindi ako ang nasa labas kanina?" Medyo kritikal na ang tono nito na para bang may sablay na naman siyang ginawa. "Paano kung ibang lalaki? You need to be more careful."

"Ikaw naman ang nasa labas kaya binuksan ko."

"I know, but..."

Nang mag-angat siya ng tingin ay naabutan niya itong parang na-stress na napapikit. Gano'n na ba ka-grabe ang problemang nagawa niya para sa reaksiyon nito?

Then he let out a breath. Tila ba sumuko ito sa bagay na ito lang ang nakaaalam. Nang magmulat ito ng mga mata ay may iritasyon pa rin, ngunit may dilim at bigat ang lapat ng tingin sa kanya.

"....But baby, you can't just open a door for me wearing only a piece of towel."

Mas lalong humaba ang nguso niya, pinipigil ang ngiti. Nagugustuhan niya na talaga ang endearment nito sa kanya. She felt like she's his baby and he cares for her. That endearment gives so much impact on her.

"Magdadamit na ako sa susunod. Okay?" She playfully wiggled her eyebrows at him, convincing him that she will do what she says. "Wag ka nang ma-stress sa'kin. Sigurado akong sanay ka namang makakita ng babaeng halos walang saplot."

Yes! He's a doctor. Wala lang dito ang mga hubad na katawan ng tao. What's the big deal in seeing her with only a piece of towel then? He's used to it.

"Your case is different. You better be very, very careful next time, or else... I may lose control."

Though, she did not really get the real meaning of his message, she nodded her head to agree with it.

"Okay. I will be very, very careful next time, Doc."

"You better be." His deep beautiful eyes stared intently at her.

"Paano pala kung hindi?" she innocently asked with innocence written on her face.

Oo nga naman. Paano kapag nataranta na naman siya? Hindi sa lahat ng oras ay maayos ang pag-iisip niya kapag natataranta na.

"Then, I would have what I feel is mine."

"What's yours?"

A ghost of a small smile escaped his lips which then turned into a sexy smirk.

"That is... for you to find out and for me to work on," he meaningfully said.

Territorial Men 7: Howell BancheroWhere stories live. Discover now