Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

PROLOGUE

287K 6K 777
                                    

PROLOGUE




IT'S A FORMAL engagement party in Altaraza Hotel. Sa isang bilog na lamesa ay kasama ni Howell ang mga kaibigan, pero ang isip niya ay tumatakbo sa malayo, o mas mainam na sabihing iniisip ang isang partikular na tao.

"Sino na lang ba ang single? Ah..." ani Zyron na inisa-isa silang tingnan. "Kielton, Carter... Where is Carter by the way?"

"Baka nambabae na naman." Si Kielton ang sumagot. "Itong si Doc, single pa."

Nag-angat siya ng tingin sa mga kabigan galing sa screen ng iPhone.

"Kailan ka mag-aasawa, Howell?" kaswal na tanong ni Zyron.

Hindi katulad sa magkakapatid na Altaraza, ang mga lalaking kaharap niya sa mga sandaling iyon ay hindi niya pa ganoon katagal na kabigan, pero ganoon pa man ay itinuturing niya nang matagal nang kakilala at pinagkakatiwalaan niya.

Sa magkakaibigan, hindi talaga mawawala 'yong mga feeling close na close sa'yo. Na kahit pribadong buhay mo ay uusisain katulad na lang nitong si Zyron.

"Can you just please spare me with that question, Fuentes? I'm tired of hearing it."

Napasipol ito.

"Masusungit talaga ang mga doktor, ano? Pero bakit sina Clane at Dwaye, hindi naman doktor pero ang susungit din."

"Wag mo kasing igaya si Doc sa'yo, Zy. Ang pag-aasawa, pinag-iisipan nang mabuti 'yan. Hindi 'yan parang kanin-"

Iwinasiwas ni Zyron ang kamay para patigilin ang nagsasalita.

"Sa'yo pa talaga manggagaling ang kasabihang 'yan, Kielton?"

"Why not? I'm fucking single and I know when to settle down."

"Hindi ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo hangga't hindi ka tumitigil sa pambababae!"

"Tumigil na nga kayong dalawa," saway ni Dwaye. "O kaya umalis na lang kayo rito sa lamesa namin. Ang iingay parang mga bata."

"Sorry na, Kuya Dwaye," sabay na sabi pa ng dalawa na halatang nang-aasar lang.

"Focus, brute," Drake meaningfully muttered to them.

"Oh."

Lahat sila ay pasimpleng inilibot ang tingin sa kabuuan ng venue. The party has just started and everyone is enjoying already.

His phone vibrated. Hindi pa man din niya nababasa kung kanino galing ang mensahe ay napigil niya na ang ngiting gustong kumawal sa labi. How crazy.

From: My Baby
I just woke up. Nasa party si Kuya Keith, di ba? Ayos lang ba siya?

There was urgency in Yane's text message. Bahagyang kumunot ang noo niya at inangat ulit ang tingin para tingnan kung saan nakatayo si Keith.

At the back of the wide closed door, Keith was there, standing straight. Nang tila maramdaman nitong may nkatingin dito ay kaagad na lumipat ang deretsong tingin sa kanya. Sumaludo ito sa kanya, matigas na nakaangat ang isang sulok ng labi. Tanging tango lang ang kanyang naging tugon.

Before he could even type a reply to Yane to tell that Keith is fine, another message popped up.

From: My Baby
Ang sama ng panaginip ko. Ayos lang ba si kuya? Tinatawagan ko siya pero hindi sumasagot. Nag-aalala ako.

He quickly typed a reply.

To: My Baby
Keith is fine. Stop worrying, baby.

Ilang segundo lang ay nag-vibrate ulit ang iPhone niya para sa isang tawag.

"Excuse me," he muttered to his friends and he left their table.

Howell went to the hallway near the rest room because that's the only place where he can clearly hear Yane's voice.

"Hey."

"Where's Kuya Keith? Can I talk to him?" Yane's voice was shaking.

"Baby, breathe. Keith is here, he's fine. You can calm down now."

"No, Howell! I can't calm down. I... I saw him full of... b-blood."

"Okay, pupuntahan ko siya para mapanatag ka."

"S-Salamat."

Isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapunta sa dereksyon niya ang maliksing mga mata ni Keith na tila ba sa dami ng taong naroon ay kaya pa rin nitong i-monitor ang bawat galaw ng mga bisita.

"Your sister wants to talk to you."

"Tell her I'm fine," Keith said in a flat uninterested tone.

Napabuntong-hininga siya.

"I don't know what's really going with the both of you, but... can you just talk to her and tell her you're fine so she will stop worrying about you?"

Kinuha ni Keith ang iPhone niya at pinatay ang tawag. Pagkatapos ay ibinalik ito sa kanya.

"Brute, whatever is happening between you and my sister, I respect that. Just don't fucking mess with her feelings, because if you do, I will break you." It was like a threat, but he chose to ignore it.

Yane's name popped on his screen again for a new message.

From: My Baby
Ayaw niya akong kausap?

Nahihirapang na-imagine niya ang nakausling labi ng dalaga, malungkot.

To: My Baby
No. He's just busy. He's assigned to guard the visitors.

Howell went back to their table.

Ilang sandali ang lumipas at nangyari na ang inaasahan nilang magkakaibigan.

Namatay ang ilaw, bahagyang nagkagulo ang mga bisita at nang lumiwanag ulit ay binalot ng pag-aalala ang mga panauhin lalo na ang pamilya Altaraza dahil nawawala si Clane at ang anak nitong si Cole.

The kidnapping is really happening.

"Mom, dad." Mabilis na pinuntahan niya ang magulang na naroon din. "Are you both okay?"

"Goodness! What just happened? Let's get out of here!" His mommy grabbed his arm together with his father.

"Sir, Madam, we will bring you to the Altaraza mansion for your safety." One of the guards escorted his parents.

"I will stay here."

"No, come with us, son. Delikado riyan."

"I will be fine, mom. Go and rest."

Wala nang nagawa ang magulang niya kundi sumunod sa guard at iwan siya.

Hinanap niya ang mga kaibigan. Bawat pamilya ay may naka-asssign na gwardiya para dalhin ang mga ito sa kanya-kanyang silid.

Ang pamilya ng mga kaibigan niya ay sa mansyon din dinala. Silang magkakaibigan at iilang bodyguard ang naiwan sa venue.

"This is very risky," he said.

"Yes, but we can't stop Clane."

Sa ilang minutong paghihintay ng balita tungkol sa lokasyon ng mag-ama, hindi niya na napansin ang maraming missed calls galing kay Yane.

He became occupied thinking of the fact that Clane, Cole and Keith's lives are in danger.

Then, Yane's shaky voice suddenly echoed around his ears and her dreams about blood.

"Let's go! Let's go!" Brooke's voice is urgent.

Nawala si Howell sa malalim na pag-iisip nang pumarada ang puting SUV sa harap nilang magkakaibigan at nagsipasukan ang mga ito.

He was always calm but Yane's bad dreams and the way she worried for Keith bothers him for some reason.

Muli niyang kinuha ang iPhone at nakita ang maraming hindi nasagot na tawag at hindi pa nababasang mensahe.

From: My Baby
Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

How's Kuya Keith?

Are you still there? Please reply.

Where are you, guys? Can I go there? Hindi na ako makatulog. Naiisip ko ang dugo. Nakatatakot.

And there's more text messages about Keith and how she was fucking worried.

Hindi pa siya nakapagre-reply nang mag-vibrate ulit ang iPhone niya para sa isang tawag galing kay Carter.

He showed his friends the screen before he answered it and pressed the loud speaker button.

"Hello-"

Carter groaned at the other line.

"I... I barged into your clinic. Can you fucking come here, Doc? Hindi ko makuha 'yong bala."

"Can't you just do it to yourself? Clane did it before."

"Unfortunately, I'm not my brother, brute. Just fucking come here because I'm gonna die losing a lot of blood."

"Masaya kaming malamang buhay ka, Carter," ani Zyron na hindi niya alam kung seryoso o nang-gagago na naman.

"Stop the car."

The car automatically stopped. Napatingin sa kanya ang mga kaibigan.

"I don't want someone to die inside my clinic." Howell shrugged his shoulders.

Binuksan ng isang bodyguard ang pinto at sinenyasan ang isang sasakyang nakasunod sa kanila para maisakay siya.

After a few minutes, he arrived at his clinic. It's still dark and when he turned on the lights, everything is in a mess.

Naabutan niya si Carter na nakadausdos sa sulok, sapo ang duguang ang tiyan. Pati ang mga kamay nito ay nabahiran na rin ng pulang likidong iyon.

"Altaraza, may ilaw dito sa clinic ko baka nakalilimutan mo."

Kumuha siya ng gloves bago lumapit dito upang i-check kung gaano kalalim ang tama ng bala ng baril.

"Do you really think I have time to turn on the lights? Ang hirap-hirap pumasok dito sa clinic mo-ahh!" daing nito nang bahagya niyang buksan ang sariwang sugat gamit ang daliri. "Putang ina, Howell. Doktor ka ba talaga? Mapanakit ka!"

Masama ang tingin nito sa kanya, napangingiwi.

Tumayo siya at kumuha ng anesthesia. Inayos na rin niya ang mga gagamitin sa pag-alis ng bala sa tagiliran ni Carter.

"Anesthesia, huh. I don't need that."

"Oo nga pala, manhid ka na," sarkastikong sagot niya. "But of course, you still need this."

Howell squatted in front of his friend before he slowly started working with Carter's bullet in his stomach.

Napapapikit na ang kaibigan. Malalim ang tama nito na kinailangan niya pa itong alalayan pahiga sa nag-iisang hospital bed na naroon para na rin mas maliwanag.

He was always careful with his patients and even though he knows that Carter is strong and brave enough for this kind of mess, still, he can see that he's struggling a bit. Maybe because he already lost a huge amount of blood.

At isa pa, nakikita niya na ang pagod sa mukha nito bukod pa sa mga gasgas.

"I can't feel anything. Am I in heaven or what?"

The anesthesia he put on Carter can also make him dozy.

"You better sleep, brute. Wag mo nang panlabanan."

"Fuck you, Banchero."

"Thank you very much, Altaraza."

Howell expertly removed the bullet, then he cleaned his wound before he started stitching it.

Carter is already closing eyes. Wala na itong malay.

Pagkatapos niyang linisin ang duguang tiyan at mga kamay ng kaibigan ay saka naman muling nag-vibrate ang iPhone sa kanyang bulsa.

Colton is calling...

Why the fuck does he always feel that whenever someone is calling him, it means emergency?

"Yes, brute?"

"Come here in the hospital. We are here. Hurry!"

Ang isang kamay niya ay napahilot sa sintido.

"Who's with you?"

"I'm with Keith. Masama ang lagay ni gago. Come on, brute. Hindi ito magpapagamot sa ibang doktor kung hindi raw ikaw."

"Fuck. Tell the nurses there to assist him. I'm leaving now."

Iniwan niya si Carter sa clinic. Naiwan din ang isang tauhan ng mga ito roon upang magbantay. Pagkapasok niya sa sasakyan ay kaagad na umandar iyon papunta sa maliit na branch ng BMC sa lugar na iyon.

For a moment, he thought about Yane and her rights to know what is happening to her brother.

He typed a text message.

To: My Baby
Keith is in the hospital. I'm on my way there to check on him.

And just after a couple of seconds, Yane is calling him.

"H-Hello? Ano? Ano ang nangyari kay kuya?"

"May tama ng baril-"

"What?! Oh my!"

Yane started to cry on the other line.

"Hush, baby. He will be fine, okay?"

Pero nagpatuloy ito sa paghikbi. He could almost imagine her face. Oh, God. Seeing her cry is like a punishment to him.

"Promise me that you will do your best to make my brother safe. P-please..."

"Yes, I promise you that," walang pag-aalinlangang pangako niya.

"I'm holding on to your promise, Howell," she whispered, sobbing.

Napasandal siya sa inuupuan. Natutunaw siya sa humihikbi ngunit malambing na boses sa kabilang linya.

"Yeah, I'm not gonna break my promises to you."

Yane responded with a sob.

"Wag ka nang umiyak, okay?"

The line was suddenly cut off. Hindi niya na nagawa pang pagtuunan iyon ng pansin nang makarating sila sa hospital.

"Doc! Doc! Nasa operating room na po ang patient."

Nakasunod sa mabilis na lakad niya ang mga nurse papunta sa silid kung nasaan si Keith.

"Kumusta ang lagay?" tanong niya habang naglalakad. Mabilis din siyang nabigyan ng gloves ng isang nurse at sinuot niya iyon.

"Marami na po ang nawalang dugo sa pasyente. Sa dibdib po ang tama."

Nang marating nila ang operating room ay naroon na rin ang ibang nurse at isa pang doktor na naka-duty.

"Damn. Finally, you're here." Colton looked worried for the first time. "That brute," turo nito sa nakahigang si Keith na pinanlalabanan ang pagpikit ng mga mata. "Ikaw ang hinihintay!"

Howell hurriedly went to Keith.

"What the fuck is wrong with you, Tuazon?!"

But it seemed like Keith didn't hear him. Mabigat na ang talukap ng mga mata nito na nakatingin lang sa kanya, tila gustong magsalita ngunit hindi magawa.

"Sir, sa labas po muna kayo," narinig niyang magalang na sabi ng nurse kay Colton. Sumunod naman kaagad ang kabigan.

Nakahanda na ang lahat ng gagamitin para sa maselang pag-alis ng bala malapit sa puso ni Keith.

From the moment he saw his wound, and the blood that is coming from it, he knew that Keith's life is in danger.

Sinubukan pa ni Keith na ibuka ang bibig na tila ba may gusto talagang sabihin sa kanya ngunit mas nangibabaw ang pamimigat ng talukap ng mga mata nito. Tuluyan na itong napapikit.

"You will be fine, brute. Rest," he murmured.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas pero nararamdaman na ni Howell na tagaktak na ang pawis niya sa noo.

Isang pagkakamali niya lang, alam niya sa sarili na ikapapahamak iyon ng kaibigan kaya mas dinoble niya ang pag-iingat sa pag-alis ng bala malapit sa puso nito. Pero ang hindi niya inaasahan ay...

"Doc! Doc! He's losing it!"

When he looked at the machine where they monitor his heartbeat, it's starting to go down!

Ilang taon na siyang nag-oopera ngunit sa mga sandaling iyon lang siya nakaramdam ng matinding pangamba.

"May tinamaan na maselang ugat na nagkokonekta sa puso niya," ani ng isang doktor na kasama nila roon, may binabasa sa chart. "It is really impossible to survive this case, Doc."

"Unless you don't trust me, then you're free to leave now." His voice was icy.

He fucking knew it!

Alam niyang malala ang lagay ng kaibigan pero pilit niyang itinatanggi iyon sa sarili! He believes in himself and his ability to save his friend's life. Would it be enough?

This is not about his promise to Yane. This is all about how Keith depended his life on him!



Territorial Men 7: Howell BancheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon