LAND OF DREAMS

--ay nakarating ako sa teritoryo ng supremo.

At hindi nga ako nagkakamali. Nandoon ang lahat ng taong nakakakilala kay Jeff. Nakabigti ang mga ito sa apoy na lubid at walang mga malay.

I clenched my fist. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko.

"Kyle! Tulong!" Rinig kong sabi ng isang lalaki.

Napatingin ako rito at nakita ko si Van na nakakulong sa kulungang gawa sa asul na apoy.

Sinubukan kong burahin ang kulungan sa ngalan ng aking kapangyarihan. Sa kabutihang palad ay nabura ko ito.

"S-salamat," sabi niya.

Tumingin ako kay Supremo. Kaharap niya ang impostor ni Van at tila nagdiriwang ang dalawa sa pagkawala ng aking kabiyak.

"Ibalik nyo siya. Ibalik nyo si Jeff." Matigas na sabi ko sa kanila.

Tumingin sa akin si supremo. Ang dating anyo niyang isang matandang lalaki ay bumalik na.

"Naku iho, huli ka na. Wala na siya. Unti-unti na siyang maglalaho sa mundong ito." Sabi niya.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Hindi. Hindi pwede.

Sa galit ko ay nakapag-summon ako ng napakalaking bola ng apoy at ibinato ko ito sa kanila. Ngunit agad din silang nakagawa ng harang kaya walang epekto ang ginawa ko.

"Magaling ka iho. Pero kahit anong gawin mo, hindi na siya babalik. Hindi mo na siya maiiligtas."

"Hindi!!! Hahanapin ko siya! Ililigtas ko si Jeff!" Sabi ko.

Tumakbo ako papalapit sa kanila habang unti-unti rin akong lumilikha ng enerhiya sa kamay ko. Pagkalapit ko ay ibinato ko sa kanila ang malaking enerhiya dahilan para tumalsik sila.

Gumanti ang impostor ni Van at lumikha rin siya ng maliit na enerhiya ngunit naiwasan ko ito.

"Kyle!" Tawag ni Van sa akin. Lumapit siya sa akin at may sinabi.

"A-alam ko kung nasaan si Jeff." Bulong niya sa akin.

"S-saan? Sabihin mo."

"Nasa kulungan ng mga naglalaho. Nakapunta na ako ron. Isang magandang hardin na kung saan tuluyan nang naglalaho ang mga nakakulong doon." Sabi niya.

Napapikit ako.

Kulungan ng mga naglalaho. Alam ko ang lugar na 'yon. Iyon ang dimensyong nilikha ni supremo dahil siya ang tagapangalaga ng mga namamatay na kaluluwa. Marahil ay nandoon nga si Jeff.

"K-kyle, ako na ang bahala rito. Hanapin mo si Jeff doon. Iligtas mo siya." Sabi ni Van.

He started summoning huge fireballs at nilabanan na niya ang supremo at ang kanyang impostor.

---
"Magtiwala ka sa sarili mo. Dahil ikaw mismo...ikaw mismo ang Dream Dragon. Ang ginagawa mo ngayon ay humihingi ka ng tulong sa sarili mo. Maniwala ka man sa akin o hindi, ikaw si Farjusan. At tanging ikaw lamang ang makakapagligtas sa kabiyak mo."
---

Hangga't nananaig ang pagmamahal ko sa aking kabiyak na si Jeff, kakayanin ko. Magagawa ko. Makukuha ko ang aking kapangyarihan.

Jeff was my soulmate. Sa wakas ay nahanap ko rin ang aking kabiyak na matagal ko nang hinahanap-hanap.

And because of that, I can finally cast the spell that would bring me back to my own form.

In the name of Farjusan,
I summon thee --
the Dream Dragon
to guide my body --
to give me power --
and to dethrone the supreme---!



Hinahanap-hanap Kita ☑️Where stories live. Discover now