Hindi niya nakita si Hera. Napa-roll eyes na lang si Hera tsaka inabangan sagot ni Alpha.

"Napagtripan lang ako sa kanto kagabi. You know, drunk guys." sabi ni Alpha. Java didn't buy it, of course.

"Pogi kasi ni Alpha. Sana ol," sabi ng dumaan.

"Sino na naman 'yon?" nagtatakang tanong ni Echo.

"Extra. Yaan mo na," sabi ni Ichiro.

"Magsabay-sabay na lang kasi kayo umuwi. Alam niyo naman na may sapak ang mga nasa Lancaster," saway ni Dorothy.

"Nga pala, nagkita ba kayo ni Gunner noong isang araw, Babe? Tagal namin nag-intay kaso taeng-tae na si Ichi," tanong ni Echo.

"Eww. Nakain ako. Anuba," reklamo ni Flame.

Natatawang tinuro ni Ichiro ang kinakain ni Flame kay Claude, "Tol, pagkain ni Alpha kinakain niya."

"Pfft," nailuwa ni Claude ang iniinom dahil sa tawa.

"Hindi kami nagkasabay..." sagot ni Babe. Si Alpha naman ay nag-aalalang nakatingin kay Babe.... na ikinagugulo tuloy ng isip ni Java.

Si Flame ay napatigil sa pagkain ng pagkain ni Alpha, "Hindi kayo nagkasabay?"

"Nauna na 'ko umuwi. Wala rin naman siya dito noong pauwi na 'ko," sagot ni Babe sa kanila. "Hindi rin siya nagrereply."

Napakunot ang noo ni Echo. " Sabi niya itetext ka raw niya."

"May sakit si Gunner. Naabutan ata ng ulan," sabat na ni Hera. "Sayang. Hinintay ka niya ata."

"Sorry..." nakayukong sabi ni Babe.

Sinenyasan ni Dorothy si Hera na huwag sisihin si Babe. Nagkibit-balikat lang si Hera. Si Dorothy naman ay hinawakan ang kamay ni Babe.

"Okay lang 'yon. Hindi mo naman kasalanan kung bakit siya nagkasakit."

Tumango si Alpha. Nabuhayan si Babe ng loob at hinawakan din ang kamay ni Dorothy. Matamis siyang ngumiti.

"Thanks, Dorothy."

Tahimik na itinuloy ni Hera ang pagkain.

Si Flame naman ay natahimik sa wakas nang makita ang nasa leeg ni Babe. Bigla niyang naalala lahat ng kwento ni Hera.
 
 
 
NAKABALIK NA ULIT si Gunner at normal na siya ulit. Naghihintay na naman siya kay Babe para sabay silang umuwi at para maihatid niya ito. Ilang araw na silang walang oras sa isa't-isa kaya gusto niya bumawi.

BABE:
Una ka na, love.
Baka gabihin ako.

GUNNER:
Willing ako maghintay :)

Sent ✔

Same scene happened. Nakatulog ulit si Gunner dahil may kaunting binat pa. Nakatanggap siya ng text na nakauwi na si Babe. Ang guard naman ay napailing na lang uli habang late na lumabas ng campus ang binata.

Imbis na umuwi ay napainom na lang si Gunner. Bugnutin tuloy siyang pumasok sa sumunod na umaga dahil sa natitirang lasing mula sa alak. Nagsimula ang madalas na pag-init ng ulo ni Gunner. Madalas siyang moody at napansin na rin 'yon ni Flame.

"Hera, totoo ba ang sinabi mo sa'kin dati?" tanong na ni Flame kay Hera habang naglalakad silang dalawa at kakatapos lang mag-locker.

Napalingon si Hera sa paligid.

"Flame, hindi ako pwedeng magkamali sa mga nakita ko." bulong niya kay Flame. "May napapansin ka na rin bang kakaiba?"

"Oo. Bugnutin si Gunner," sagot ni Flame na ikinagulo ng isip niya. Anong connect ng mood ni Gunner?

"Flame, I hate my curiosity. Baka may magawa akong mali," ani Hera habang naglalakad silang dalawa.

"May napansin ako sa leeg ni Babe noong isang araw eh. Biniro ko si Gunner, sabi ko wild nila, sabi ba naman sa'kin hindi daw siya ganoon." nalolokang sabi ni Flame saka napasabunot ng buhok.

"Kung hindi 'yon kay Gunner edi kanino galing 'yon?" dagdag niya.

"I will investigate what's happening. Please, don't tell anyone." babala ni Hera kay Flame.

Napatango na lang si Flame at pumayag.

She wants to know too what' happening.

ONE LAZY AFTERNOON, everyone's busy with the lesson. Serysong nakaabang si Babe sa orasan. "Umuwi na ba ang iba?" isip-isip niya. Kinuha niya ang phone saka nagmessage sa group chat ng Decagon.

BABE:
Umuwi na kayo?

✔ Seen by Echo, Java, Alpha and 3 others

GUNNER:
Antayin kita :)

ECHO:
Yieeee lovebird ./.

ICHIRO:
Hahahaha bakit may pakyu?

ECHO:
Typo haha ./.

DOROTHY:
Bakit may dirty finger?

ECHO:
Sorry, Dotdot (o_o)v

HERA:
Nakauwi na 'ko.

FLAME:
Ako rin.

JAVA:
Aga niyo umuwi.
Ako maya pa.

ALPHA:
Anong oras kayo uuwi?

GUNNER:
Sabay sabay na tayo.
Manlibre ako. Lamon tayo!

FLAME:
Joke lang. Nasa Lancaster pa
'ko. Sama ako. Saan kakain?

HERA:
Srsly? -.-

BABE:
Baka ma-late ako uwi.
Mauna na kayo guys :D

ECHO:
Yieeeeeeut bakit Babe?

ICHIRO:
Nako hindi sasama si
Gunner niyan

HERA:
Si Claude?

ECHO:
May date si tukmol.
Himala, seryoso nga ata.

GUNNER:
Hindi ka sasama, Babe?

ALPHA:
Babe, sumama ka na sa'min.

✔ Seen by Java, Flame, Hera and 2 others.

BABE:
Sunod ako. Saan ba kayo?

  
NAGSI-UWIAN NA ANG LAHAT. Excited na naglalakad si Babe sa corridor ng Lancaster. Hindi niya alam na may nasunod na pala sa kanya. Nilingon ni Babe ang paligid at nang mamataan na walang anino ng kahit sinong Decagon, pumasok siya sa isang classroom at sinara ang pinto.

Walang siyang kaalam-alam na nakabuntot si Hera.

"Sorry I'm late, Sir."

"Have a seat, Babe. Let's begin?"

Babe smiled and...

Hera witnessed the nightmare.

Napatakip ng bibig si Hera habang naluluha. Bigla siyang naawa kay Gunner, kay Flame, sa Decagon. She stopped the recording and ran as fast as she could.

Her professor is a pedophile.

Her friend is a cheater and a mistress!

Curiosity killed the cat, they say.

Hera is no longer curious,
because the truth killed her.

Decagon fell one by one like a domino.

Hera made a mistake that night── and that is to let Flame know what she filmed.

"Please, don't tell anyone."

She begged as Flame watched the video with shaking eyes and extreme hatred. Flame remained silent as she watched the whole video.

"Flame, please, don't tell anyone. Let's plan this first. Huwag ka muna gagawa ng kahit ano. Please."

Too bad.

Flame didn't listen.

TO BE CONTINUED.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now