"Hey, hey calm down..." mahinahon niyang sabi pero umiling ako.

"Hindi! Hindi ako kakalma hanggat hindi ko nakikita ang anak ko. Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo! Nasaan siya?!" Umigting ang panga niya palatandaan na nawawaln na siya ng pasensya and he'll be mad anytime he wants to. Pero wala akong pakialam, magsigawan kami, sige.

"Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari sayo?" He asked.

Tumawa ako ng mapakla.

"Tinatanong mo ako kung anong nangyayari sa akin? Malapit na akong mabaliw Zyrone kapag hindi mo inilabas ang anak ko!"

"I have nothing to do with your child!" Sigaw niya at halatang galit na nga siya.

You have nothing to do with your own daughter?! Aba gago ka pala eh!

"Then tell me! Bakit mo kailangang ipa-kidnap ang bata para makuha mo?! Tapos aalis ka pa ngayon! Isasama mo ba siya?! Ilalayo mo siya sa akin? Pwede pa natin to pag-usapan Zyrone!" Nakatitig lang siya sa akin. Gulong-gulo na rin siya base sa ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya.

Yumuko ako. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa mga braso at kamay ko.

Just like the very first time I saw him in his palace. I was like this. Asking for him to bring me back to Philippines because it was a mistake, that someone took me from the bar and when I woke up I was already an item for an auction na hindi dapat kasi hindi naman ako nandoon to find a very wealthy husband or for a sale. Na mali lang siya. At nagmamakaawa ako na ibalik niya na ako sa Pilipinas. I was also crying and begging.

Ganitong ganito ako.

At hindi ko inaasahan na magiging ganito ulit ako. Iiyak sa harap niya, magwawala, nagmamakaawa pero this time it wasn't only for myself but also for my Akira. Takot na takot na ang anak ko at nadudurog ang puso ko kapag sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko ay naririnig ko ang iyak niya, ang pagmamakaawa niya o kaya ang pagtawag niya ng Mama sa akin kasi takot na takot siya.

Kung saan man siya itinatago ni Zyrone ngayon kailangan kong malaman iyon.

For the second time around. It was like the history repeats itself.

I bended my knees, I am now kneeling in front of him. Kung kailangan ko 'tong gawin ng paulit-ulit ay gagawin ko maibalik lang ang anak ko. Hindi pa ako handa na malayo siya sa akin. Hindi pa ngayon. Hindi kailanman.

"Kyana what are you doing?!" He tried to pulled me up pero umiling ako at yumuko while tears flowing down my cheeks.

"Parang awa mo na Zyrone. Ibalik mo na sa akin si Akira..." Pagmamakaawa ko. "Hindi ko kakayanin na mawala ang anak ko sa akin," hagulhol ko.

"Fuck!" Pinatayo niya ulit ako and this time he succeeded.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Look..." Huminga siya ng malalim. Frustrations, confusion, shock, anger, awa, lahat ng iyon naghalo-halo sa mukha niya.

He bit his lip. He's mad.

"You're accusing me for something I didn't do." Umigting ulit ang mga bagang niya. Pinipigilan ang galit sa akin.

"Pero ikaw. Ikaw lang ang may kayang guma--" Umiling-iling siya at inihilamos ang palad sa mukha. Binitawan niya ako at tumalikod sandali tapos humarap ulit.

"What did I even do wrong to you para gawin sa akin ito Kyana? Yung akala mo bang panloloko ko sayo noon? Iyon ba? Nang dahil ba doon?" He placed his hand on his waist at yumuko. Calming himself, ganitong ganito siya kapag nag-aaway kami noon.

"Wala akong ginagawang masama sayo and your family. Ano bang kinalaman ko sa anak mo?!" Madiin niyang tanong. Pain flashed through his eyes.

Anong sinasabi niya?

"Why are you asking me where she is when I don't who she is?! Bakit mo sinasabing ibalik ko siya when I didn't get her?" Hindi niya alam?

Hindi sinabi ni Doc. Sam o ni Kharlo? Wala siyang alam? Hindi niya kilala si Akira? I mean yes, she saw her but he doesn't know that she is his daughter? Hindi siya nagpa-imbestiga?

"You know what? Even if I have the right to ask kung bakit may anak ka sa ibang lalaki hindi ko ginawa. I didn't intervene with your life, bukod doon sa gusto kong explanation na marinig galing sayo mismo kung bakit mo ako iniwan noon. Now that I've heard about it, and I learned that you don't love me anymore nanahimik na ako. Ginulo pa ba kita pagkatapos non? Hindi na 'di ba? I gave the space you wanted, I distanced myself from you at hindi kita kinausap." Nagsimula na naman akong umiyak.

"I am so mad at you Kyana kaya nakatulong din iyon para hindi kita lapitan at hindi ka kausapin. I am mad at you because you were living your life with a man of your dreams and wow congratulations you have a complete family of your own now!"

His hands turned into fists. Why? Why am I hurting seeing him like this? May pait sa bawat bigkas niya ng nga salita lalo na yung sa huling linya.

"And now you're asking me kung nasaan ang anak mo. Ang anak niyo." Pinagdiinan niya ang huling linyang sinabi niya.

"Well to tell you honestly, wala sa akin. At bakit ko naman siya kukunin? Para ano Kyana? Sabihin mo nga sa akin why would I get your child?" Tikom pa rin ang bibig ko kahit gustong gusto kong sabihin na anak niya si Akira. Na mali, mali lahat ng sinabi niyang namumuhay ako kasama ang nabuo kong sariling pamilya.

Hindi nga siya ang kumuha sa anak ko. Hindi niya nga magagawa iyon. Nang dahil siguro sa takot, isama pa ang galit ko sa kanya at sa mga nangyari lang kahapon ay siya agad ang pumasok sa isip kong may gawa non. Wala siyang alam. Hindi niya alam na nagkaanak kami.

Pero mas lalo ata akong natakot na isiping ibang tao ang kumuha sa anak ko. Paano kung... O god, ano nang nangyari sa anak ko ngayon? Nasaan siya? Sino ang kumuha?

"Kung hindi ikaw sino?" Nanghihina kong tanong. Hindi ko na alam. Ano bang kasalanan ko bukod sa pagtago sa anak ko sa totoo nilang Ama para mangyari lahat ng ito?

Natigil lang kami when someone knocked on the door. Bumukas ito at hindi ko nilingon kung sino man pero mas nakapagdurog sa akin ang mga sinabi ng taong dumating.

"Mr. Olivier handa na po ang chopper niyo sa rooftop. Maaari na po tayong umalis."

Mafia Boss 2: Owned By Him Where stories live. Discover now