▬▬▬▬▬▬▬

── ♡├o JAVA
 

"And Babe, I have a bad news for you."

"W-What?"

"You are the last innocent."
 

Mas lalong namutla si Babe. Bigla niya kaming tiningnan isa'-isa na nanlalaki ang mata. Napaatras siya palayo sa 'min. Okay. Now she fears us all, even Alpha. Wow. Just wow.

"Kayong tatlo ang...." hindi niya matapos ang sinasabi. Kitang-kita ko ang panginginig ng mata at kamay niya habang tinitingnan kami.

"Paanong... bakit.... akala ko..."

Her words are now hanging.

Napahugot ako ng hininga. Madami akong bakit at mga tanong na hindi pa rin nasasagot kahit nalaman ko na ang sikreto ni Babe mula kay Gunner kaninang umaga.

"Ano pang minapula mo maliban sa 'min?" tanong ko

"Huh?"

"Pati ba si Prof. Azazel, Babe?"

"Hindi.."

"I was not lying when I said I was almost harassed by him. Bigla siyang nagbago sa 'kin noong hapon na 'yon. He was strict but he was never like that to me. May sinabi ka rin ba sa kanya para gawin niya sa 'kin 'yon, Babe?"

Gusto ko malinawan.

Bakit ako nagpaikot? Si Babe lagi ang nagk-kwento sa Decagon tungkol kay Prof. Azazel at sa mga pinag-gagawa kuno nito. Kasinungalingan ba lahat ng sinabi niya? Hinanda ba niya lahat ng 'yon para may maipantakip siya sa mga panloloko niya sa'min?

"Sagot, Babe," udyok ko, nag-iinit ang dugo ko sa galit. I hate everything that happened. Ang tanga-tanga ko! Sising-sisi ako sa naramdaman ko. Bakit ako nagpaloko? Bakit ako naniwala kaagad?

"I'm... sorry."

Iyak nang iyak si Babe. Tinatakpan na niya ang mukha niya ngayon ng kamay niya habang naiyak. Para siyang bata na nahuli ng magulang pagkatapos gumawa ng kasalanan.

"Tangina," mura ni Gunner nang marinig ang sagot ni Babe.

Si Alpha naman ay biglang tumabi sa'kin. Seryoso niyang tiningnan si Babe saka nagsalita, "Please don't tell me it was also an act that afternoon I saved you. Please don't tell me you're just lying about your trauma. Babe, please."

Babe's eyes landed on him.

Right.

I can still recall it from the fourth day. Ang sabi sa laro nahuli ni Alpha si Prof. Azazel. Kalokohan din ba 'yon? Ano ba ang talagang totoo sa mga ginawa ni Babe? Ano ang hindi kasinungalingan?

Yumuko na lang si Babe at umiyak.

Napakurap si Alpha dahil sa reaksyon ni Babe. Natahimik na lang siya at napapikit na lang nang mariin. Tahimik kong hinawakan ang kamay niya. Mahigpit na lang siyang humawak sa 'kin.

This is so fucked up.

Why did we end up like this?

"Babe, why?" naiiyak kong tanong.

She cried endlessly. "I'm sorry. I did not expect everything. Natakot lang ako, Java. Someone threatened me with our videos. Hindi ko alam kung paano kami nakuhanan. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kaya nagsinungaling ako sa nangyari at tungkol sa video. I'm sorry. I'm sorry!"

Bagsak ang luha ni Babe at halos hindi na siya makapagsalita nang maayos. Tahimik na umupo na lang si Gunner sa mesa at tumungga na lang ng wine sa naririnig.

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now