"Puro kayo reklamo. Ako lang naman ang nakilos kanina pa." inis na sabat ng queen sa grupo ni Gunner.

"Penelope, huwag ka na magtampo. Mamaya ikaw naman ang hahabulin ko."

"Habulin mo 'ko tapos ikaw naman ang babarilin mo, Steel." sagot ng babae saka tinutok ang baril niya. Natatawang napailing ang king sa grupo ni Java.

Bumukas ang pinto ng dining hall at pumasok si Alpha. Bakas sa mukha ni Alpha ang galit. Tahimik siyang lumapit kay Gunner at Java.

"Hindi ka nagsinungaling..." halos pabulong na sabi ni Alpha kay Gunner.

"Huh?"

"I saw it."

"Ang daming commercial. Ano nakita mo?"

"Si Babe..."

"Madami kang hindi pa nakikita. Alin nga ang nakita mo ngayon?"

"She tried to.... kill Flame, Gunner. I'm sorry."

Muling nagbago ang aura ni Gunner nang marinig ang pangalan na 'yon. Umiwas siya ng tingin kay Alpha. Napabuga siya ng hangin dahil sa matinding galit at poot. No. He shouldn't let his emotions eat him again.

"Buti naman naniniwala ka na sa'kin," sabi na lang niya.

"Ako na sunod na maglalaro. Pakibantay si Java." dagdag ni Gunner saka ipinaubaya si Java kay Alpha. Scenes yesterday are now playing in his head again. A part of him blames himself for losing Flame. Maybe... maybe if he stopped chasing Babe, there's a high chance that Flame is still with him.

Bumukas ang pinto at pumasok si Babe na umiiyak.

"Alpha, I'm sorry..." iyak niya.

Napakuyom ang kamao ni Gunner.

Si Alpha naman ay hawak-hawak na ngayon si Java sa bisig niya. Napagalaw si Java kaya sa kanya na lang itinuon ni Alpha ang atensyon.

He called her name.

Alpha was silently begging she'll wake soon because she's the last human that can keep him sane in that room.

 
 
── ♡├o JAVA
 
 
"Java..."

Nararamdaman ko pa rin ang lamig pero mas namumutawi ang mainit na yakap na bumabalot sa'kin. Kanina ko pa naririnig ang pangalan ko mula sa labi niya. Kanina pa niya 'ko tinatawag gamit ang boses na puno ng pag-aalala. It's been a while since he called me like this.

It's about to end.

Maybe... maybe we shouldn't hide anymore.

"Java, stay with me. Please."

I can feel his wounded hands caressing my face, his nervous breaths warming my cold skin, and his arms supporting my back from falling. He called my name again and I silently hugged him back, making him aware that I'm already conscious at the same time. Dumilat ako at isang pamilyar na pares ng mata kaagad ang nakaabang sa'kin. Mas humigpit ang kapit ng braso niya na nakasuporta sa katawan ko.

"Damn..." bulong ni Alpha nang magtama ang aming mata saka ako niyakap nang mas mahigpit.

"Elsa is alive!" sigaw ni Steel.

Minura na naman siya ni Gunner. Nakita ko rin si Babe malapit sa pwesto ko at napansin ko na tila nagtataka at naguguluhan. Basa ang mukha niya, tila galing sa luha nang magtama ang mata namin. Namumula ang mata niyang tila hindi pa rin naiintindihan kung ano ang nasasaksihan niya ngayon.

"Stop hugging me. She's watching," bulong ko kay Alpha.

"Everyone's watching and I don't care anymore."

DOLLHOUSEWhere stories live. Discover now