Chapter 11: The Jealous Devil

Beginne am Anfang
                                    

"I will use this!" sabi ko at nginitian siya.

Marami pang weapons na nasa mesa. Mayroong katana, caltrop, rifle, explosive bombs, dagger, sword, pistol, grenades, sniper, silencer and even barker 390 shot gun na usually ginagamit ng mga mafias.

Ito namang sa akin ang pinakagusto ko. Shuriken is a hidden hand blade and a throwing star. Pwede mo itong ihagis sa kalaban mo kahit na siya ay nasa malayo nang nasusugatan pa rin siya.

A shuriken disc can slice straight through flesh and bone and can penetrate a considerable thickness of metal. Kaya I think, matutulongan ako ng weapon na 'to.

Napatingin naman ako kay Topher at sa weapon na napili niya. I stared at the weapon for a minute and suddenly my brows flickered.

"Cestus?" takang tanong ko.

"Oo." wika ni Topher at isinuot ang Cestus.

Cestus is a glove with metal elements and it can be use for hand to hand combat.

"Ooh..." I said at napa tango pa.

I remember! Gangsters are more expert and veteran when it comes to hand to hand combat.

Napatingin naman ako sa weapon na dala dala ko. Kaya siguro siya nagtaka na kinuha ko ang shuriken ay dahil kadalasan lamang na gumagamit nito ay mga assassins.

It's a ninja weapon after all.

Napatingin din naman ako nang lumapit si Leo sa mesa at kinuha ang silencer. Ramdam ko na sharp shooter ang lalaking ito. Kinuha rin naman ni Alex ang huling rifle na nasa mesa at sinusuri ito. Leo and Alex are more into fire arms.

"Let's fight."

Pag-aya ni Topher sa akin at nginisihan ako. Napakunot noo naman ako.

"What? Me?" turo ko sa sarili ko.

Sigurado ba siyang ako ang gusto niyang makalaban?

"Oo ikaw Xandra. Let's train." sabi niya at agad na pumwesto sa gitna.

Napatawa naman ako ng mapakla.

"Are you sure?"

Tinangoan niya naman ako at binigyan pa ako ng hand gesture na sinasabing makipaglaban ako. Napatingin naman ako sa weapon na dala ko.

"This won't do." I mumbled.

Inilagay ko ang shuriken sa mesa at kinuha ang cestus na kagaya ng sa kaniya.

"This will be a fair fight." sabi ko kay Topher at ipinakita ang cestus na isinusuot ko sa kamay ko.

Now will do a hand to hand combat.

"Huwag mong puruhan pre!" patawa-tawang sabi ni Alex kay Topher.

Napangiti naman ako sa inasal nila.

"Heh! You don't know me that well." I mumbled at agad na pumwesto sa gitna.

Nginitian naman ako ni Topher pero hindi ko siya nginitian pabalik at nag antay na lamang sa kung anong unang gagawin niya.

Agad niya naman akong binigyan ng malakas na suntok sa mukha ngunit naka ilag ako. Pag-ilag ko ay agad ko siyang binigyan ng malakas na suntok sa sikmura at nakita ko namang napadaing siya.

"Woaaah!" sabay na sabi ni Alex at Leo nang matamaan ko si Topher.

Ramdam ko na nag-iinit na ang buong lugar. Matagal tagal na rin ng huling beses akong nakipaglaban.

Mabilis na lumapit si Topher sa pwesto ko at agad ko namang inatras ang isa kong paa at inilihis ang buo kong katawan upang hindi ako matamaan sa suntok niya.

Nang malihis ko na ang katawan ko ay agad kong binigyan ng malakas na suntok si Topher sa mukha at agad na kinuha ang dalawa niya kamay at ipinulupot ito sa likuran niya. Babae lang ako pero marunong din akong makipaglaban. Isa akong agent, oo! But I am more than that word.

Sinipa ko naman si Topher sa likuran nang 'di pa siya nakabawi sa nagawa ko at pinaluhod siya.

"Woooooooh!" malakas na hiyawan ni Alex at Leo dahilan upang mapatingin ako sakanila at mali ang nagawa kong tingnan sila dahil nawala ako sa balance at nakuha ni Topher ang timing.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at sinuntok ako sa simukra pero ramdam ko namang hindi iyon malakas. Sinipa ko siya ngunit hindi ko siya natamaan dahil agad niyang naipulupot ang dalawa kong kamay dahilan upang matumba kaming dalawa.

Naramdaman ko namang nahulog ang suot suot kong eyeglass. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata sa pangyayari. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakapatong na pala si Topher sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita si Topher sa harap ko na pawis na pawis.

Inilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa bawat gilid upang hindi kami magkadikit dahil nakapatong pa rin siya sa akin. Napatitig kaming dalawa ng ilang segundo at biglang napatawa.

"Hahahahaha!" tawa naming dalawa at agad na umiwas sa isa't-isa.

Tumayo naman siya at mabilis naman akong bumangon sa pagkakahiga at kinuha ang eyeglass ko. That is very weird. Napangiti naman ako dahil alam kong maganda ang laban namin ni Topher.

Tatayo na sana ako ng may marinig kaming malakas na palakpak sa may pinto kaya napatingin kaming lahat doon at nakita si Kiero na nakatayo. Pumapalakpak pa rin sa amin ngunit ang emosyon niya ay blanko.

"Patay!" rinig kong bulong ni Alex.

Tumayo naman ako at pinagpag ang damit ko. Tiningnan ko si Kiero na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. Tatawagin ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita.

"Ang galing mo Topher!" sarkastikong wika ni Kiero.

Ano bang pinagsasabi nito?

"Ang galing mo talaga ano?" Kiero paused and look at Topher coldly.

"Aagawin mo na naman ang teritoryo ko?" tanong ni Kiero at napangisi kay Topher.

"Hindi ka talaga nagbabago. Pero h'wag kang mag-alala because this time ay hindi na kita hahayaan pang agawin ang kung ano ang dapat..." huminto si Kiero at tiningnan ako.

"Ang dapat sa akin." he said at agad na umalis sa training hall.

Napatulala naman ako sa sinabi ni Kiero. Hindi ko na lang namalayan na mabilis na palang sinundan ni Alex at Leo si Kiero.

And there! Me and Topher left dumbfounded inside the training hall. I stiff. Anong ibig sabihin ni Kiero? Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdaman ang malakas na tibok ng puso ko.


"I don't like this feeling." I  whispered.


The Gangster's Victim Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt